06.

48 8 1
                                    

Please read Superno Academy: Shadow Prince first. Again, this is the season 3 of that book. Don't forget to leave a comment or vote. It will be highly appreciated. Thank you :)

***

Zed's POV

MATAPOS ang huling subject ay mabilis na kinuha ko ang aking bag para lumabas. Tutungo ulit ako sa dark forest para mag-training. May dalawang oras pa bago gumabi at halos lahat ng estudyante ay busy pa din. This is the best time to sneak out like I usually do. Kahit sabihin nilang madaming gwardya na gumagala sa paligid, wala namang nakakapansin sa akin. Maybe it's because I am a nobody.

Habang naglalakad sa pasilyo ay naging malikot din ang aking mga mata. Humahanap ako ng madilim na parte para doon dumaan. Oo nga pala, since my memory seal was broken, I just discovered that aside from having the ability of mirroring someone's ability and manipulate mind, I can also travel thru shadows. On top of that, I also remembered my main element, lightning.

Una kong nagamit iyon sa bahay nina Sue Nobbleton. Tila isa iyong parte ng pagkatao ko na kusang lumabas. That makes total of four abilities. Kung magre-report ako sa camp, this will cause trouble. Lingid naman sa kaalaman ng lahat na ang Royale na ang may pinakamataas na posisyon pagdating sa hierarchy dahil sila lang ang maaaring magtaglay ng tatlong abilities. Siguradong hindi nila ikatutuwa ang kaalamang nagmula ako sa shadow rank na inakala ng lahat na matagal ng nabura sa kasaysayan. Hindi. Hanggang kaya kong ilihim ang bagay na iyon ay gagawin ko.

I am also aware of the fact that my abilities are beyond normal. Shadow travelling is like an ability that's connected to dark magic. Kung hindi pinalampas ng Light Vatican ang mirroring ability ko, mas lalong hindi nila babalewalain ang pangatlo kong ability. The thought of being interrogated by them makes me just want to run away. Pero alam ko, na hindi sa lahat ng pagkakataon ay matatakbuhan ko ang tadhana ko.

I still need to face my parents. After the incident in the mall, hindi na muli nagpakita ang papa ko.

Nagliwanag naman ang mukha ko nang matanaw kong madilim na ang parteng ilalim ng hagdanan. This will be easier for me to move to another place as long as it is within my known range.

Ilang hakbang na lang ngunit may biglang humatak sa akin.

"Saan ka pupunta?" ang boses ni Erickson ang narinig ko.

Humarap naman ako sa kanya, at kagaya ng dati ay kasa-kasama na naman nya ang mga kaibigan nya.

"Babalik na sana ako sa d-dorm-"

"Sumama ka sa amin," ang lalaking nasa gilid naman nya ang nagsalita.

Damn! Napakagaling naman ng timing nila! Ilang araw ko nang iniiwasang makasalubong sila sa hallway pero tila ako ang sadya nila ngayon.

"Kung hindi ka sasama, baka tuluyan ko na ang bago mong kaibigan," nakangising bulong naman ni Erickson.

Teka, si Zion ba ang tinutukoy nila?! Sila ba ang dahilan kaya maghapong wala si Zion sa klase?

Tumalim naman ang mga mata ko. Ang ayaw ko sa lahat ay ang kinakanti ang mga taong itinuturing kong kaibigan.

"Ilang araw mo na kaming iniiwasan ah, akala mo yata ay hindi namin napapansin," may isa pang umakbay sa akin ng mahigpit na tila gusto na akong sakalin.

Pilit naman akong tumawa. "H-hindi ko alam ang sinasabi nyo. B-bakit ko naman kayo iiwasan-"

"Mabuti kung ganoon," putol ni Erickson. "Sumunod ka sa hideout. May ipapagawa kami sa'yo."

Mabilis naman akong nag-isip. Hindi pwedeng pumunta ako doon ng walang anuman na dala.

"B-baka nagugutom ka na king," pang-uuto ko pa sa kanya. "G-gusto mo ibili muna kita ng meryenda sa cafeteria? Kahit ano, a-ako ang magbabayad."

Superno Academy: Wolf in Disguise (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon