Kabanata 17

12 3 0
                                    


"Alora, gumising ka na," boses ni Talum iyon. Binuksan ko ang mga mata ko. Panaginip lang pala iyon pero tandang-tanda ko pa. Sa buong buhay ko, iyon ang pinakamagandang panaginip na napanaginipan ko. Ang payapa roon. Saang lugar kaya iyon?

Bumangon ako at nag-ayos ng aking buhok. Nasa harapan ko sina Talum, Talam at Kaher na kumakain ng mga prutas. "Magandang umaga," bati ko sa kanilang lahat. Naalala ko naman ang minsang mga umaga na nagkakape kami nina Dew at ang mama niya tuwing umaga. Iwinaksi ko nalang iyon sa isipan. Gusto ko nang kalimutan si Dew. Kumuha na ako ng prutas dahil alam kong malayo pa ang lalakbayin namin, kailangan namin nang sapat na lakas.

"Pagkatapos natin dito ay aalis na tayo."

Maya-maya ay nagsimula na kaming maglakad. Nagtataka naman ako kung sino ang nagtayo ng kubo na iyon, gusto ko sana siyang pasalamatan. Ibinaling ko nalang sa daan ang paningin ko. Nasa likuran ako nina Talam at Talum na naglalakad dahil pakiramdam ko ang kaligtasan kapag kasama ko sila.

"Hinto," biglang sambit ni Talum. Sa pagtataka, sumilip ako mula sa kanilang likuran kung ano nakita nila sa daan na sanhi ng aming paghinto.

"Kami'y walang marahas na intensiyon!" ma-awtoridad na boses ni Talum. Napakunot-noo ako nang makita ko kung sino ang kausap niya sa hindi kalayuan. Mga lalaki ito pawang kalahi rin naming mga Dahor 'pagkat may mukha, mga kamay at paa ang mga ito. Ang pinagkaiba nga lang namin ay may dala-dala silang sandata samantalang kami ay wala.

"Hindi kami naniniwala sa salita!" sagot ng isa sa kanila. Lalo akong kinabahan at natakot nang itinutok nila sa amin ang mga sandata nila. Ano ang gagawin nila sa amin?

"Kami lang ay dadaan sa lupain ninyo upang magtungo sa isa pang lupain. Hindi naman intensiyon na kami'y manatili sa lupain na ito. Kaya naman, kami'y nakikiusap na kami ay inyong padaanin!" paliwanag ni Talum. Naramdaman ko ang pagtapik ng kamay ni Talam sa akin at kay Talum.

"Hindi kami naniniwala na kayo'y walang marahas na intensiyon kung hindi ninyo gawin ang aming gusto!"

"Magwika kayo kung ano iyon at nang malaman namin!" ani Kaher.

"Kailangang maiwan dito ang dalawa sa inyo upang mapatunayan na kayo'y hindi masasamang nilalang!" Nanlaki ang mga mata ko sa kanilang sinabi. Pagkapos ay nagkatinginan kaming apat.

"Anong gagawin ninyo sa dalawang tao?!" pasigaw kong tanong. Hindi maganda ito. Paano kung papatayin nila?

"Wala! Gaya nga ng wika namin, kailangan lang namin ng dalawang tao na maiwan dito upang makasigurado kami na kayo'y hindi masasamang Dahor!" Nakaramdam ako ng inis sa iginiit nila. May masama bang Dahor? Sa pagkakaalam ko ay wala naman.

"Bakit ayaw ni'yo nalang maniwala na kami nga'y walang marahas na gagawin?!"

"Anak," mahinang sambit ni Talam sa akin. Hindi ko na narinig nang maayos ang naging sagot ng mga lalaki sa kabilang banda. Tumingin ako kay Talam nang may takot at inis. "Gawin nalang natin ang nais nila. Kami ni Talum mo ang maiiwan dito. Kayo ni Kaher ang magpatuloy. Sige na." Para akong binuhusan ng mainit na tubig sa sinabi niya. Biglang humina ang lakas ng mga paa ko dahilan upang muntikan akong matumba.

"Talam, huwag! Huwag ninyo kaming iwan. Huwag ninyo akong iwan. Ngayon lang tayo muling nagkakasama. Talum! Huwag kang pumayag, pakiusap! Siguro naman ay mapipilit natin sila na hindi tayo masamang Dahor para walang maiwan dito. Talum, Talam, pakiusap!" ginamit ko na ang natirang likas sa pakikiusap ko sa kanila. Bumuhos naman agad ang mga luha ko. Saka ko nalang namalayan na unti-unti nang lumalayo sina Talum at Talam sa paningin ko bago nagsirado ang aking mga mata...

***

Hinay-hinay kong ibinuka ang mga mata ko. Sinalubong naman ang paningin ko ng mga nagtataasan at berdeng punong-kahoy. Umaaninag pa sa aking mga mata ang liwanag ng araw kaya bumangon na ako. Lumingon-lingon pa ako sa kaliwa ko’t kanan. Wala na akong kasama. Pilit kong inaalala kung ano ang nangyari.

ALORADonde viven las historias. Descúbrelo ahora