Kabanata 4

16 4 0
                                    

Warning: Rape!

***

Napangiti ako habang tinitingnan si Alora na kinakausap ang ibon sa bakuran namin. I think she is too pure at parang gusto ko siya dahil do'n. I have no idea kung paanong naging gusto ko siya in just two days. Ang alam ko lang, masaya ako with her. Ayokong umalis siya rito. I'll do everything to make her stay.

"Dew, patitirahin mo talaga dito iyang si Alora? Ni hindi nga natin kilala 'yan, mamaya n'yan baka may masamang balak 'yan kahit pa napakaamo ng kanyang mukha," biglang wika ni Nanay at sumilip na rin siya mula sa bintana namin upang tingnan si Alora na ngayo'y kinakausap na ang mga halaman na parang sasagot ang mga ito anytime.

"Nay, matapos akong maglugmok nang ilang buwan, ngayon lang ulit ako naging masaya," I reasoned out. Hinarap ako ni Nanay saka siya bumuntong-hininga at ngumiti nang mapait. I think nauunawaan niya naman ako.

Pagkatapos naming mag-usap ni Nanay, lumabas na 'ko to be with Alora. How I wish nakakalimutan na niya ang kanyang paglalakbay. What's with that paglalakbay, anyway?

"Saan mo gustong pumunta?" tanong ko sa kanya at natigilan naman siya sa kanyang ginagawang pakikipag-usap sa mga halaman saka tumingin sa akin.

"Ah, may bukid at dagat ba sa lugar na ito?" Tumango ako. "Mga hayop, meron din?" Tumango ulit ako. Pagkatapos ay ngumiti siya nang matamis. Ngayon ko lang napansin ang kanyang kulay rosas na labi at pisngi. Ang kanyang mga pilik-mata ay huhamawi paitaas. Ang kanyang kilay naman ay makakapal. Nang dumating siya rito, I think dress yata 'yong sinuot niya. But since nagtagal pa siya rito, pinahiram nalang siya ni Nanay sa mga luma niyang damit. Although hindi pang-modern itong sinusuot niya ngayon, lumilitaw pa rin ang kanyang kagandahan. Bagay lang sa kanyang de-gatas na kulay.

"Gusto kong pumunta doon sa mga nabanggit ko," wika niya at nagising din naman ako sa aking pag-iisip nang malalim.

Hindi lumagpas ng isang oras ay nakarating na kami sa gusto niyang puntahan- sa may dagat, bukid at mga hayop. Nang matanaw na namin ang dagat sa hindi kalayuan, tumakbo pa siya patungo do'n at lumapit sa dagat. I think I heard her talking. Cute.

"Ang saya mo, a!" sigaw ko sa kanya at tumawa nang mahina. Narinig ko nalang siyang tumawa.

***

Pagkatapos ni Alora na maglaro sa dagat, umupo siya sa ilalim ng isang puno. Tumabi na rin ako sa kanya. Nakangiti lang siya buong oras. I can say na masaya siyang makita ang paligid.

“Masaya ka kapag may dagat, bukid at puno?” tanong ko sa kanya.

“Oo, nakaka-kalma kasi ng loob sila.”

In my twenty-three years of existence, ngayon lang ako nakakakilala ng isang babaeng nakaka-appreciate ng nature and what’s the precious thing is, masaya pa siya when she sees them. How pure is that?

“Oo nga’t ako pa’y naglalakbay!” wika niya. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang napagtantong naalala niya pa ang bagay na iyon.

“Aray!” sigaw ko sabay hawak sa likod ko. I thought of pretending na may dinaramdam para hindi na niya maisip ang paglalakbay niya. “Anong nangyari?” tugon niya na may tunong pag-aalala na. Naramdaman ko agad ang kamay niya na dumapo sa likod ko.

“Biglang sumakit ang likod ko. Pwede na ba tayong umuwi?”

“Sige, sasamahan muna kita.” Napangiti naman ako nang sekreto sa narinig. Success.

***

“Gusto mong sumama, Alora?” tanong sa akin ni Dew matapos kaming kumain ng almusal. Aalis na sana ako kahapon ngunit sumakit ang likod ni Dew at kailangan ko siyang tulungan upang makauwi.

ALORATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon