Kabanata 13

15 5 0
                                    


Hindi ako pwedeng magkamali sa nakita.

"Eloia..." mahina kong sambit. Nasa harapan ng bus, nakatihaya at duguan. Maya-maya ay gumalaw ito at gumulong hanggang sa nahulog sa ilalim ng tulay.

Dahil sa gulat ay hindi agad ako nakagalaw. Parang tumigil ang mundo ko nang makita ko ang isang ibon na pamilyar na pamilyar sa akin na duguan at unti-unting nahulog. Sana lang ay mali ang akala ko. Sana lang ay hindi si Eloia iyon pero bakit ganoon, pilitin ko mang maniwala na hindi si Eloia 'yon, masakit na masakit pa rin sa aking damdamin na tila para na rin akong sinaksak ng matulis na gamit.

"Paano nangyari 'yon? Isang ibon ang nakapagpahinto ng bus!" boses galing sa likod.

"Hindi ko naman siya nakita. Pero bigla nalang siyang bumangga," ani ng driver. Ngayon ay nahimasmasan na siya.

"Malakas ba ang ibon na iyan?!"

"Kawawa naman!"

"Dalhin n'yo 'yan sa pagamutan!" Galing sa mga bumuboses sa likod. Dali-dali akong bumaba para puntahan si Eloia. Sana ay okay lang siya, sana ay hindi niya ako iiwan. Nag-uunahan na ang mga luha ko habang patungo ako sa kanya. Nagtataka pa rin ako kung bakit nawala ang dagat dito at ngayo'y naging malapad na lupain na pero iwinaksi ko muna iyon sa isipan dahil hindi ko kayang mawala si Eloia nang tuluyan.

Nang makarating ako sa tapat niya ay agad ko siyang kinarga kaya nahawakan ko na rin ang madugo niyang sugat. Lalo lang akong humikbi.

"Loia! Ikaw 'to, 'di ba? Alam ko ang kulay mo! Alam ko ang paligid kapag nariyan ka! Ikaw 'to, 'di ba? Eloia, patawad!" sigaw ko at tila binagsakan ako ng mundo. Hindi ako pwedeng magkamali. Maraming ibon sa himpapawid pero nag-iisa si Eloia na kulay asul.

"Gumising ka, Eloia!" Halos hindi na ako makahinga sa tindi ng emosyon kong pagdadalamhati.

Flashback

“Anong bakit? Hindi ko kailanman na-batid na may ibong nagsasalita?!”

“Gising na siya!”

“Ang ganda niya!”

“Maligayang kaarawan!”

“Dahil umiyak ka,” simple niyang sagot. Mas lalo akong nagtaka.

End of Flashback

Naalala ko ang mga alala namin ni Eloia. Noong mga panahong una ko siyang nakita at nagulat ako dahil nagsasalita siya. At nung mga panahon na binati nila ako ng maligayang kaarawan ng iba pa niyang kaibigang mga hayop sa gubat. Pati na rin ‘yong mga panahong umiiyak ako at bigla-bigla siyang sumusulpot. Tinanong ko siya noon kung bakit dumarating siya, ang sagot niya ay dahil umiiyak daw ako. Mas lalo akong napahikbi ngayon sa kabaitan ni Eloia.

“Loia! Umiiyak ako ngayon, o! Dati dumadating ka, ‘di ba, kapag umiiyak ako? Tingnan mo mga luha ko, o! Umiiyak ako! Ang daya mo naman! Nandito ka nga pero ikaw naman ang iniiyakan ko!” Pilit kong pinupunasan ang mga luha ko gamit ang likod ng palad ko. Pero tila mayroon silang sariling mundo na nais makawala dahil nag-uunahan talaga ang mga ito sa paglabas galing sa mga mata ko.

Maya-maya ay nakaramdam ako ng kamay na pumatong sa balikat ko.

“Alaga mo ba ito?” boses ni Lerin mula sa likuran. Hindi na ako sumagot. Buhat-buhat ko pa rin si Eloia.

***

“Sure ka ba talagang gagaling din siya?” biglang tanong ni Lerin.

“Sana nga.”

“Alaga mo ba ‘yan?”

“Kasama ko ito sa paglalakbay, Lerin. Naghiwalay lang kami dahil hindi ko na gustong sumama sa kanya noon, kasi ayaw ko nang magpatuloy sa paglakbay.”

ALORAWhere stories live. Discover now