Kabanata 14

19 3 5
                                    


Ang kanya ring pakpak ay gumalaw rin! At unti-unting bumubuka ang kanyang mga mata. Wala akong sinayang na segundo para tingnan siya nang maigi, ni hindi ako kumurap upang magisnan ko ang paggising niya.

“Eloia! Gising ka na!” Agad ko siyang sinubsob sa leeg ko para ipahiwatig sa kanya na niyayakap ko siya. Nag-uunahan na naman ang mga luha sa paglabas.

“Eloia...”

“May masakit ba sa ‘yo? Akala ko mawawala ka nang tuluyan sa akin!” Hindi huminto ang mga mata ko sa pag-iyak.

“Elo—”

“Tu.. tubig...” Nawindang ako nang marinig ko ang garalgal na boses ni Eloia. Nanghihingi yata siya ng tubig dahil alam niyang mahina pa ang kanyang katawan at nauuhaw siya.

“Eloia!” Nagulat man, dali-dali pa rin akong umusog nang kaunti para ilapit siya sa ilog at nang makainom siya ng tubig, pumatak na naman ang luha ko nang makita kong umiinom siya ng tubig. Hindi ko kailanman naisip na mapupunta kami sa ganitong sitwasyon. Nahihirapan si Eloia dahil sa akin..

“Mahal kita, Eloia,” mahinang sambit ko. Napansin kong tumigil siya sa pag-inom ng tubig at nag-angat ng ulo. Maya-maya ay tumingin siya sa akin.

“Alora...”

“Eloia!” isunubsob ko ulit siya sa leeg ko, “mabuti nalang at malakas ka, Eloia, huwag mo akong iwan..”

“May gusto ka bang i-kuwento sa akin?” bigla tanong niya dahilan upang magtaka ako. Parang bumalik siya sa kanyang dating lakas. Hindi na rin gumagaralgal ang kanyang boses. Inilayo ko siya nang bahagya sa akin upang titigan siya. Puno ng pagtataka ang araw ko ngayon. Parang ang panaginip lang ang lahat.

“Malakas ka na?”

“Oo.”

“Ganoon lang kadali?”

“Oo nga.”

“Talaga?! Pinaiyak mo ako nang mga sampung balde siguro ‘yon!”

“Bakit ka ba kasi umiyak?”

“Ikaw kasi, e!”

“Tweet! Tweet!“ aniya. Nakita kong kumurba ang kanyang mga mata na parang nasisiyahan.

“Tumatawa ka ba?” tanong ko nang may pagtataka at pag-alala pa rin.

“Kumusta ka na?“ sa halip na sagutin ako ay tinanong lang din niya rin ako pabalik.

“Ako dapat ang magtanong sa ‘yo niyan! May masakit pa ba sa ‘yo?”

“Wala naman na. Pero may gusto akong kainin.”

“Ano iyon?” tanong ko. “Uod.” Nagulat ako sa sagot niya. “Ha?! Ba—”

“At ikaw ang kukuha no’n para sa akin. Please?” putol niya sa akin. Bakit naman uod?! Nakakadiri ‘yon!

“Bakit naman kasi uod, Eloia?!”

“Nakalimutan mo yata na isa akong ibon?” Natauhan ako bigla. Oo nga pala. Uod pala ang kinakain ng mga ibon. “Sige na, hanapan mo ‘ko,” dagdag niya. Nanlaki ulit ang mata ko. “Ano? Ayoko! Nakakadiri!”

“Ayaw mo pala, ha. Ayaw mo akong gumaling?”

“Eh? ‘Di ba sabi mo okay ka na?”

“Kailangan ko nang makakain para lalakas pa ako. Tubig lang ‘yon kanina. Isa pa, hindi pa ako nakakalipad nang matagal. Kaya, sige na. Mahal mo ‘ko, ‘di ba?”

Napabuntong-hininga ako. Hindi ko naman ’to matitiis si Eloia. Kahit nakakadiri ang uod, susubukan ko nalang. Ang dami kong pagsubok pero ang humawak o makakita ng uod ang pinakaayaw ko sa lahat.

ALORADonde viven las historias. Descúbrelo ahora