Kabanata 11

14 2 0
                                    

Sa hindi kalayuan ay may nakita na akong tulay. Nagtataka ako kung ano ang nasa baba nito. Pero baka dagat ang meron do’n.

Lupa ng Sakripisyo

Iyan ang nabasa ko sa karatula na nakalagay sa gilid ng tulay. Nagtataka man, nagpatuloy lang ako sa paglalakad. Bakit kaparusahan? Sino ang parurusahan? Nakapagtataka...

Maya-maya ay nakarating na ako sa ibabaw ng tulay at tama nga ako, dagat nga ang nasa ilalim nito. Nakarinig nalang ako ng huni ng mga ibon mula sa kalawakan. Mga kulay itim ang mga ito at parang nagsama-sama sa paglipad. Naalala ko tuloy si Eloia. Kumusta na kay siya...

“Sana magkita ulit tayo, Eloia, ang dami kong gustong i-kwento sa ‘yo. Hihingi rin sana ako ng tawad sa ‘yo. Hindi mo ako iniwan, ako ang nang-iwan sa ‘yo...” wika ko nalang sa kawalan.

Nagulat nalang ako nang may nakita akong isang matandang babae na nasa gilid na nakaupo.

“Hija...” mahinang tawag niya sa akin. Ang kanyang buhok ay kulay puti na. May hawak-hawak pa siyang tungkod na gawa ng kahoy. Unti-unti ko siyang nilapitan. “Po?”

“Mapuputol ang tulay na ito dahil sa kasalanan,” wika niya. Agad na nagsalubong ang kilay ko sa kanyang sinabi. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” pagtataka ko pa. Hindi siya tumingin sa mga mata ko, diretso lang ang kanyang tingin.
“Mapuputol ang tulay na ito dahil sa kasalanan.” Muli akong nagtaka. Inulit niya lang ang sinabi niya sa halip na sagutin ako. Pansin ko nga’y hindi kumukurap ang kanyang mga mata.

“Huwag kang maniwala sa matandang ‘yan, baliw ‘yan,” bigla kong narinig na boses lalaki. Lumingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon. Nasa likuran ko ang tatlong lalaki. Marahil ay tumatawid lang din sila sa tulay at kilala na nila itong matandang babae. Lumagpas na ang mga lalaki sa kinatatayuan ko kaya ibinalik ko ang direksyon ng paningin ko sa matanda at laking gulat ko nang nawala ito roon sa kinauupuan niya. Bigla akong kinabahan sa nasaksihan. Sana’y panaginip lang ang lahat ng ito!

Hindi man nauunawaan ang mga pangyayari, nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Mahaba itong tulay kaya hindi agad ako nakalagpas dito. Napagpasyahan ko munang tingnan ang paligid kaya huminto ako sa gilid ng tulay at humarap sa dagat. Humahawi ang buhok ko sa iba’t ibang direksyon. Medyo makulimlim ang langit kaya hindi ko nakikita ang araw. Sa medyo malayo naman ay mga gusalinga matatayog. Ang dagat ay kalmang-kalma.

Hanggang sa napunta ang paningin ko sa baba at ilalim nito. May kaunting lupa pala sa gilid nito at may nakita akong isang babae na nakatayo roon. Magpapakamatay ba siya? Hindi na ako magdalawang-isip, pupuntahan ko siya.
Bumaba ako. May hagdan pala bandang kaliwa ng tulay. Dali-dali akong nagtungo sa kinatatayuan ng babae.

“Magpapakamatay ka ba?!” biglang tanong ko sa kanya. Marahil ay nagulat siya kaya hindi maipinta ang kanyang mukha nang makita niya ako.

“Bwesit! Ano bang paki mo?”

“So magpapakamatay ka nga?“

“Sabing anong paki mo!?” Bakas sa kanyang mukha ang galit at lungkot. Maganda siya. May matangos na ilong, makapal na kilay. Itim na T-shirt ang suot niya at shorts din na kulay itim.

“Sa tingin mo ba mamamatay ka d’yan, e, ang lapit mo sa tubig? E, kung doon ka sa itaas magmumula, may posibilidad pang mamamatay ka,” ani ko. Nagulat ako sa tugon niya dahil siya’y natawa. Pinigilan niya pa ito pero parang hindi na niya mapigilan, tumawa siya nang malakas.

“Anong—”

“Hanep ka! So gusto mo talaga akong mamatay?”

“Hindi sa ganoon. Ang ibig ko lang sabihin, mali ‘yang ginagawa mo. Magpapakamatay ka na nga lang—”

ALORAWhere stories live. Discover now