CHAPTER 14

10 0 0
                                    

Chapter 14 - WISH 

Maya maya pa ay naramdaman nyang dahan dahan na gumagalaw ang mga labi ni Zach, dahan dahan nitong sinisiil ang pang-ibabang labi ng dalaga. Nanatiling nakatikom lang ang mga labi ng dalaga ngunit nang ibaba ni Zach ang isang kamay nya sa baywang ng dalaga at hapitin ito lalo palapit sa kanya. Ikinagulat iyon ni Tamara kaya't kusang naghiwalay ang mga labi nya at dahil doon ay mas lalong lumalim ang paghalik ni Zach sa dalaga. Patuloy na nanghina si Tamara lalo na ng umakyat naman ang isang kamay ni Zach sa kanyang batok at pilit syang idinidiin.

Palitan na sinisiil ni Zach ng halik ang itaas at ibabang labi ni Tamara. Hindi na namalayan ni Tamara na unti-unti na syang nadadala sa mga halik na ginagawa ni Zach.

Nakita na lang nya ang sarili na tumutugon sa halik ng binata at nakayapos na ng dalawang braso nya sa leeg ng binata.

Habang lumalalim ang kanilang halikan ay lumilikot na din ang kamay ni Zach. Paulit ulit nito hinahaplos ang baywang at batok ng dalaga na nakakapagpadagdag ng init sa pareho nilang katawan.

Bumaba ang halik ni Zach, mula labi nito papunta sa pisnge hanggang sa makababa ito sa leeg ng dalaga.

Natuwa si Zach nang kusang bigyang daan ang kanyang mga halik sa leeg ng dalaga.

"Ahhh..." ungol ni Tamara nang maramdaman ang dila ni Zach sa kanyang tenga.

At doon din sya napabalik sa sarili. Naitulak nya si Zach dahil doon. Nakita nya kung paanong nagulat din si Zach sa ginawa ni Tamara.

Walang salitang tumakbo papasok si Tamara sa kanyang walk-in-closet. Ngunit bago nya saraduhan ang pinto nito ay may isinigaw ang dalaga.

"M-makakaalis ka na, Z-zach." utal-utal na saad ng dalaga. Habang si Zach naman ay bagsak balikat na lumabas ng kwarto ng dalaga na kinakastigo ang sarili sa nagawang kapusukan.

Habang si Tamara naman ay nakaharap sa salamin nya sa banyo na naka konekta sa walk-in-closet nya. Kitang kita nya kung gaano kapula ang mukha nya maging ang tenga nya.

Napapikit sya sa frustration na nararamdaman, sinisisi nya ang sarili sa nangyari sa kanila ni Zach.

"Napakabilis mo talagang bumigay sa kanya." Pagkausap ni Tamara sa sarili na nakikita nya sa salamin. 

-

"Pero Lola, ayoko ko pong pumasok." nakasunod si Tamara sa Lola nya.

Hinarap ni Donya Esmeralda ang apo na nagmamaktol. "Aba, sino ang gusto mong mag asikaso ng mga bagay na iyon?" ganting saad ng matanda sa apo.

Napanguso si Tamara. "Si Manong Fred o di kaya si Bianca." Turo nito sa matandang driver na dumaan sa salas at kay Bianca na kabuntot ng Lola nya.

"Hindi. Ikaw ang mag-asikaso. Tsaka next week pa ang alis natin." walang maang na saad ng matanda.

Nangunot ang noo ng dalaga. "Akala ko po ba this week ang alis natin?"

"May aasikasuhin pa din ako kaya ipinagpaliban ko muna."

"Pero kasi Lola —"

"Hihintayin din natin na makauwi ang Lolo at Daddy mo."

"Pero Lola —"

"Tamara, fix yourself at pumasok ka na sa skwelahan. Ayusin mo ang dapat ayusin sa paglipat mo ng Univeristy. Malaki ka na kaya ikaw ang gumawa nyan." matigas na saad ni Donya Esmeralda.

Wala nang nagawa si Tamara kundi ang umakyat sa kwarto nya at magbihis para pumasok sa Univeristy.

STILL OWNED BY HIS ARMSWhere stories live. Discover now