CHAPTER 9

21 1 0
                                    

Chapter 9 - MISUNDERSTANDING

Kumain kami sa fast food chain na hindi kami nagpapansinan ni Zach. Actually sya lang ang tahimik at maya't maya ko syang nakikitang tumitingin sa akin, habang kaming anim nina Denniva, Jenniva, Cazzy, Cole at Cadxus ay nagkukwentuhan at minsan pa ay nag-aasaran. Lalo na sina Denniva at Cadxus na hindi mawawala ang asaran kapag nagsama. Habang si Cazzy at Cole naman ay nag uusap para sa darating na election. 

"CR lang muna ako." paalis na kami sa fast food chain ng magpaalam ako na mag CR muna.

"Sa sasakyan ka na lang namin intayin." tumango na lang ako kay Denniva.

It took me 5 minutes sa CR kaya wala na talaga sa loob ng fast food chain ang mga kasama ko.

"What?" tanong ko kay Zach nang hawakan nya ang braso ko bago makarating sa pwesto ng sasakyan nina Jenniva.

Lahat ng kasamahan namin ay nakatingin sa amin.

Cadxus at Denniva, may pang asar na tingin.

Cole, Jenniva at Cazzy naman at tahimik lamg na nanonood sa amin.

"I'll take you home." binuksan nya ang passenger sit ng kotse nya kahit hawak nya pa din ang kamay ko.

Inalis ko ang pagkakahawak sa akin ni Zach. "No, thanks. I'll sleep with Jenn and Denn together with Cazzy, so don't bother." After that ay tinalukuran ko na si Zach para pumasok sa van nina Jenn.

"Sino nga pala sino nakuha mong band para bukas ng gabi?"

"I don't personally know them, ini-recommend lang sila sa akin?" sagot ko kay Denniva habang ginagawa ang night routine ko.

"So sino nga?" pangungulit ni Denniva. 

"Their band called, Last Band. The main vocalist is Gavin's brother." sagot ko sa pangungulit ni Denniva habang nag sskin care. 

Lumapit naman sa akin si Jenniva. "Are you still with, Gavin?" usisa ni Jenniva. Maging si Cazzy ay nakikinig sa amin. 

Hindi ako sumagot at patuloy lang sa pagscroll sa facebook. "Hindi mo ba naisip na pwedeng pumunta si Gavin bukas sa event, lalo pa't makakakuha ng gate pass ang kapatid nya." sabi ni Jenniva na may halong pagtataka. 

"Ano naman kung pumunta si Gavin? I actually invited him." walang muwang nasaad ko. 

"What?" gulat na sabay sabi ng Kambal. 

Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa ginagawa. 

Ang kanina pang tahimik na si Cazzy ay nagsalita na din. "Hindi ba't nililigawan mo si King. Paano kung malaman nya na may boyfriend ka pala. Maaaring magkita sila bukas kasi these past few these pansin ko na nakaaligid sila sa inyo." 

"Buti pa si Cazzy nag-iisip." hindi makapaniwalang nahiga sa kama si Denniva. 

Humarap ako sa kanila at umirap. "Cazzy, hindi ako nanliligaw kay Zach, okay. Then kaya naman sila laging nakaaligid sa atin these past few days kasi nautusan sila ni Tito Paul na tulungan tayo sa event, wala na namang aayusin sa event bukas kaya for sure iiwas na ulit sa atin. Isa pa, maganda nga yun, makikita natin kung anong magiging reaction ni Zach if ever na makita nya akong may kasamang ibang lalaki." nakangiting saad ko sa kanila. 

STILL OWNED BY HIS ARMSWhere stories live. Discover now