CHAPTER 7

14 1 0
                                    

CHAPTER 7 - HIDE & SEEK

Every word that came out of his mouth seemed like a knife sinking into my chest. From then until now, it is still painful to hear from him about his rejection of me.  

Parehong passes out ang kambal sa byahe. Sasakyan ng kambal ang sinasakyan nila kaya naman sya ang inihahatid ng mga ito.

Habang tahimik ang byahe ay naalala ko ang mga salitang binitawan kanina Zach. Totoong nasaktan ako pero inihanda ko na ang sarili ko para dun.

Wala akong planong uminom sa bar pero napaka pilit ng kambal kaya napainom din sya ng konti.

"Miss Tamara nandito na po tayo." Napukaw ang iniisip ko nang magsalita ang driver nina Jenniva na si Tatay Jaime. At nakita ko nga na nasa labas na kami ng bahay namin.

Tumango ako bago bumaba. Hindi na ako nagpaalam sa kambal dahil tulog naman sila.

"Ingat po sa byahe, Tay." sabi ko bago bumaba ng sadakyan. Agad akong pinagbuksan ng guard ng gate nang makita na ako ang bumaba ng sasakyan.

Naglakad ako mula gate hanggang bahay namin. Agad naman akong pinagbuksan ng pinto ng isa sa mga maid namin, tingin ko'y itinawag ng guard house ang pagdating ko.

Nang makapasok ako sa bahay ay napadaan ako sa salas bago marating ang bukana ng hagdan pataas sa kwarto ko.

Nandoon si Lolo na nanunuod ng TV. Hindi ko na sya pinansin dahil nakatalikod naman ang pwesto nya sa akin.

Aakyat na sana ako nang may biglang labas mula sa hallway galing sa kusina. Agad na nangunot ang noo ko nang makilala ko yung sino iyon. Mabilis na uminit ang ulo ko.

"What are you doing here?" matigas na sambit ko.

Napansin nya na hindi pa din maganda ang trato ko sa kanya kaya halatang pilit na ngiti ang ibinigay nya sa akin.

"How are you, Tamara?" pangungumusta niya na parang ikinatutuwa ko syang makita. Lumapit sya sa akin na para bang yayakapin ako. Ngunit bago pa man sya makalapit ay itinulak ko sya.

Na-out of balance sya kaya napahawak sya sa isang vase na naging dahilan ng pagkabasag nito.

Agad namang nakuha namin ang atensyon ni Lolo at maging ni Daddy na lumabas mula sa kwarto nya at dali daling bumaba tsaka lumapit sa amin ni Mellisa.

"What's happening here?" Tanong ni Daddy. Hindi makapaniwalang tiningnan ko sya.

"WHAT IS SHE DOING HERE!?" galit na sigaw ko habang nakaturo kay Mellisa pero ang mga mata ko ay na kay Daddy. Nagulat si Mellisa sa lakas ng boses ko, maging si Lolo at Daddy ay napa atras dahil doon.

Hindi makapaniwalang tumingin sa akin si Daddy. Lalapit sana sya sa akin upang pakalmahin ako ngunit umiwas ako.

"SAGUTIN NYO 'KO! ANONG GINAGAWA NG BABAENG YAN DITO!?"

Lumapit na din sa amin si Lolo. "Apo, calm down."

Tumawa ako ng mapakla. "HOW? HUH? HOW CAN I CALM DOWN IF SHE'S HERE!?"

"TAMARA, ENOUGHT! SHE'S YOUR SISTER THAT'S WHY SHE'S HERE." pasigaw na sagot sa akin ni Daddy.

"Winston!" sya namang pag awat ni Lolo kay Daddy.

Matalim na tingin ang iginawad ko sa kanilang lahat bago tumawa ng mapait. "Gustong gusto nyo talagang tinutorture ako." puno ng sakit na sambit ko. Sa sobrang sama ng loob ko ay may tumakas na luha mula sa mga mata ko. Bago pa man nila makita ang sunod sunod na pagpatak ng luha ko ay tinalikuran ko na sila at umakyat sa taas papunta sa kwarto ko.

STILL OWNED BY HIS ARMSWhere stories live. Discover now