CHAPTER 12

4 0 0
                                    

CHAPTER 12 - THEIR POV

THIRD PERSON'S POV

"Tamara?" gulat na sambit ni Denniva ng makita ang pinsan na tahimik na lumuluha. Agad nya itong dinaluhan pero umiwas si Tamara. Naglakad ito palapit kay Zach at harap-harapan itong tinanong.

"A-anong ibig mong s-sabihin?" hirap man ay nasabi pa din ni Tamara ang mga salitang iyon. Hindi nagsalita si Zach. Hinawakan ni Tamara sa kwelyo si Zach. "Sabihin mo sa akin! Ano ang ibig mong sabihin sa sinabi mong ikaw ang dahilan ng pagkamatay ni M-mommy? Sagutin mo ako!" galit na hiyaw ni Tamara kay Zach habang paulit-ulit na hinahampas ang dibdib nito. Hindi kumibo si Zach at tinaggap lang ang bawat hampas ni Tamara.

Ngayon ay pare-pareho na silang lima na umiiyak. Lahat sila ay nabigla sa pagdating ni Tamara at sa sitwasyon ngayon ni Tamara. 

Agad na dinaluhan ni Jenniva at Denniva si Tamara ng halos matumba na ito sa pag-iyak. Pero katulad ng kanina ay umiwas lang si Tamara at sila naman ang hinarap nito. 

"May alam kayo dito, ha?" buong hinanakit na saad ni Tamara sa dalawang pinsan na syang lalong nakapag paluha sa kambal. Wala ng nagawa ang kambal kung hindi ang tumango.

Napatawa na lang ng walang buhay si Tamara sa naging kasagutan ng kambal. Pakiramdam nya ay napaglaruan sya. Napaglaruan ng mga taong akala nya ay kakampi nya.

Lumapit ang kambal sa kanya ngunit humakbang sa palikod upang makaiwas sa paglapit sa kanya ng kambal.

"After your accident, don lang namin nalaman ang lahat." ani Denniva.

"Ipinaliwag sa amin ni Mellisa at Zach ang totoong dahilan kung bakit sila nagpunta sa America, please Tamara makinig ka muna sa amin." pakiusap ni Jenniva sa akin. Hindi ako makapaniwalang pati sila ay naglihim sa akin. 

"Ako ang nagsabi kay Tita Rose kung nasaan si Mellisa noong panahong umalis sya sa inyo. Sobrang nag-aalala si Tita kaya sinabi ko kung nasaan si Mellisa." pagsisimula ni Zach. Agad naman na nakuha ni Zach ang atensyon ni Tamara dahil ibinalik na nito ang paningin sa kanya. Muling nagsalita si Zach. "Hindi ko alam na pupuntahan niya si Mellisa kahit delikado ang panahon that time. Nang malaman ko na pupuntahan niya si Mellisa ay sinundan ko sya pero huli na ang lahat kasi naaksidente na siya. Kasama niya ako sa ambulansya. Ibinilin ka nya sa akin at wag ko kayong pababayaan ni Mellisa." hindi pa natatapos ang pagsasalita ni Zach ng harapin naman ni Tamara si Mellisa.

"Anong mayroon sayo para ganon na lang pag-aalala sayo ni Mommy ha? Ikaw na sumira sa pamilya namin buhat ng dumating ka." galit at puno ng sakit na sigaw ni Tamara kay Mellisa. 

Susugudin na sana ni Tamara si Mellisa ng pagilan sya ni Zach. Niyakap ni Zach mula sa likod si Tamara habang pilit nitong kumakawala at inaabot si Mellisa. 

Sobrang sakit para kay Mellisa na makita ang kapatid sa ganitong sitwasyon. Ngunit dahil nasimulan na nila ay kailangan na nilang tapusin ito. Tiningnan ni Mellisa sa mata si Tamara bago ito magsimulang magsalita.

"I was pregnant that time at delikado ang pagbubuntis ko dahil masyado pa akong bata." panimula ni Mellisa. Masakit sa kanya na balikan ang nakaraan ngunit kailangan para sa kapatid nya. "That time, nalulugi na din ang business ni Dad. He did an arrange marriage for me kapalit ng pakikipagmerge ng company natin at ng company ng dapat na pakakasalan ko." Saglit itong huminto sa pagsasalita dahil sa bigat ng nararamdaman nya sa pagbabalik sa nakaraan. "But he found out that I'm pregnant kaya nagalit sya at pinalayas nya ako. At hindi nya gusto ang lalaking nakabuntis sa akin dahil wala itong yaman." 

"No! Umalis ka. Hindi ka pinalayas, wag mong ibahin ang kwento." gigil na saad ni Tamara. 

Umiling si Mellisa. "Pinalayas ako ni Dad, Tamara. At doon nagsimulang mag-away  lalo si Daddy at Tita Rose. Kung natanggap daw ni Dad si Tita noong panahong wala din itong yaman, bakit hindi daw magawang tanggapin ni Dad ang ama ng anak ko. Umalis ako noong pinalayas ako ni Dad kasi kung hindi ay kailangan kong magpakasal sa taong hindi ko naman mahal. Kung hindi daw ako aalis ay kailangan kong ipa-abort ang baby ko at magpakasal sa anak ng business partner nya." sa mga sinabing iyon ni Mellisa, tumigil sa pag-pupumiglas si Tamara kay naman unti-unti itong binitawan ni Zach.

STILL OWNED BY HIS ARMSWhere stories live. Discover now