CHAPTER 11

7 1 0
                                    

Chapter 11 - Way to truth

THIRD PERSON'S POV

Parang sasabog sa kaba ang mga dibdib nina Jenniva at Denniva habang binaybay nila ang daan papunta sa Hospital na tumawag sa kanila. May tumawag sa kanila at sinabing sinugod sa Hospital si Tamara dahil sa isang car accident. Agad din nilang tinawagan Lolo at ang Daddy ni Tamara para sabihin ang nangyari.

Nauna silang makarating makarating sa hospital at nakita nilang nasa emergency room pa si Tamara. Nasabi na din sa kanila ng nurse na tanging sugat lamang sa noo at bali sa braso ang natamo ni Tamara at maya-maya din ay maililipat na ito sa Recovery Room. 

Nailipat na sa Recovery Room si Tamara ng makarating ang Lolo nila at ang Daddy ni Tamara. Hanggang ngayon ay wala pa din itong malay dahil sa impact ng pagkakabangga nito. Ayon sa mga police na nagresponde dito ay may iniwasang sasakyan ang sasakyan ni Tamara, dahil sa bilis ng patakbo nito at sa madulas na daan dala ng pag-ulan ay hindi kinaya ng preno nito kaya naman bumangga ito sa isang poste ng kuryente. 

Ang Daddy na ni Tamara ang nakipag-usap sa doctor nito habang ang Kambal naman ay kasama ng Lolo nila sa pagbabantay kay Tamara. 

"Sabi ng mga pulis nakita daw na may can ng alak sa sasakyan ni Tamara. Anong mangyayari sa kanya Lolo?" tanong ni Denniva sa Lolo nila.

"Wag kayong mag-alala dahil ang Tito Winston nyo na ang bahala doon." sagot ni Don Felixtacio sa apo. 

Si Jenniva na kanina pang tahimik ay lumapit kay Tamara upang suriin ang mga sugat na natamo nito. "Something happened." sabi nito. 

"What do you mean?" pagtatanong ni Denniva sa kakambal.

"Kilala ko si Tamara, hindi sya magpapatakbo ng mabilis lalo na't lasing sya. Hindi niya ugali iyon. Maliban na lang kung may gusto syang takbuhan." 

Lumipas ang magdamag at hindi pa din nagigising si Tamara. Nang kinaumagahan ay muling bumalik ang kambal sa ospital. Ngunit ganon na lang ang gulat nila nang makita nila si Zach. Nakaupo ito sa upuan na katabi ng kama ni Tamara at ito'y natutulog. Agad namang nilingon ni Zach ang pumasok sa hospital room ni Tamara ng marinig nyang may pumasok.

"Anong ginagawa mo dito, Zach?" may hinala man ay kinimkim na lang ni Jenniva ang nasa isip niya na may kinalaman si Zach sa nangyari sa pinsan nya. "Kapag nagising si Tamara at nakita niyang nandito ka, baka kung ano pang isipin nya. Wag mo na syang bigyan pa nang rason para umasa. Hirap na hirap na ang pinsan ko, Zach." nangungusap na saad ni Jenniva kay Zach. Tumayo si Zach at humarap sa kambal. 

"I'm sorry, hindi ko ginusto ang nangyari." Nag-angat ng tingin si Denniva kay Zach na kanina ay nag-aayos ng prutas na dala nila kay Tamara. 

Lumapit ito kay Jenniva at Zach. "May kinalaman ka sa naging aksidente niya?" hindi makapaniwalang tanong ni Denniva kay Zach. 

"She saw Mell and Elli sa condo ko. Kung alam ko lang na ganito mangyayari sa kanya sana sinundan ko sya." Hindi pa tapos ang pagsasalita ni Zach ay lumapat na ang palad ni Jenniva sa pisngi ni Zach. 

"Ilan pa sa pamilya namin, Zach. And who is Elli?" nangingilid ang luha na sabi ni Jenniva. Agad namang inawat ni Denniva ang kakambal. Inilayo nya ito kay Zach at pinaalis na nito si Zach. 

"Makakaalis ka na, Zach." sambit ni Denniva habang pinapakalma ang kakambal. Wala nang nagawa si Zach kundi ang umalis. 

Bagsak balikat itong lumabas ng kwarto ni Tamara. At sa huling sulyap nya kay Tamara na walang malay ay may binitawan syang salita. 

"I'm sorry, Amara." 

Gabi na nang magkamalay si Tamara. Agad syang tiningnan ng mga doctor at sinabing maaari na itong makauwi sa susunod na araw. Mula ng magising ito ay walang lumabas na salita sa bibig nito na syang nakapagpadagdag ng pag-aalala ng lahat ng nasa kwartong iyon. 

STILL OWNED BY HIS ARMSWhere stories live. Discover now