Chapter 42 part 2

Magsimula sa umpisa
                                    

 

 

"Where is Lena?" Singit ni Jesica sa usapan, kailangan niyang makausap ang yaya ng anak para malaman detalye.

"Hayun, pinauwi ko muna kay Nana Aning. Walang ginawa dito kundi umiyak ng umiyak pati ako nininerbiyos sa kanya. Takot na takot din sayo dahil baka palayasin mo daw." Napapailing na kwento ni Lourdes.

 

 

"Hindi naman ganun kakitid ang pag-iisip ko para paalisin siya. I want to hear her side, gusto kong malaman kung paanong nakakain ng nuts si Venice." Sabay buntong hininga ni Jesica. "It's all my fault, kung hindi ko inuna ang restaurant dapat hindi mangyayari ito." Malungkot na naisatinig nito.

 

 

"Honey, don't blame yourself walang may gusto nito." Mabilis na sansala ni Vincent. Nagulat din siya ng matanaw ang mga paparating, may pagtataka siyang nilingon si Jesica.

 

 

"I informed them, apo din naman nila si Venice kaya dapat nilang malaman." Sabi ni Lourdes.

Tumango na lamang si Jesica, wala namang masama kung nandito sina Divina at Francis.

"Vincent, mabuti nandito ka na pala. Kanina pa kita tinatawagan." Bungad ni Divina ng makita ang pamangkin. Napansin niya rin na nakaakbay si Vincent kay Jesica kaya napagtanto niyang nagkaayos na ang mga ito. Lubos na sana ang kaligayahang nadarama kung wala lang sa hospital si Venice.

"Tita, I left my phone in my car." Paliwanag ni Vincent.

Tumango na lamang si Divina at binalingan si Lourdes. "Where's our apo? I wanna see her."

"We have to wait to the doctor's instructions. Kanina pa rin akong kinakabahan dito, hindi ako mapapanatag hangga't hindi nasisiguro na ligtas na si Venice." Mababakas sa boses ni Lourdes ang pagod at pag-aalala.  

"Magiging maayos ang lahat, ang mabuti tayong tatlo pumunta sa chapel." Anyaya ni Divina kay Lourdes. Nilapitan ni Divina si Jesica. "Hija, kayo ni Vincent ang maghintay sa doctor." sabay sa dalawang kamay nito.

 

 

"Vincent, ikaw muna ang bahala sa mag-ina mo." Mahigpit na bilin ni Francis, bago tuluyang tumalikod para sundan ang dalawang ginang.

Inalalayang umupo ni Vincent ang dalaga.  "Gusto mo bang i-transfer ang anak natin sa America kahit na ano ang magiging result?" Malumanay na tanong ni Vincent.

 

 

"We can't decide right now. Ang gusto ko lang sa ngayon ay makita ang anak ko at..." hindi pa tapos magsalita si Jesica ng may lumapit na doctor sa kanila.  Mabilis silang tumayo para salubungin ang doctor.

"Are you related to Venice Tenorio?" Tanong ng doctor sa kina Vincent at Jesica.

"Yes, she's our daughter." Tugon ni Vincent.

"Doc, how's our daughter?" May garalgal ang boses ni Jesica.

"Siguro naman na aware kayo sa sakit ng bata." Simula ni Dr. Alvares. "Nut and peanut allergies can cause a severe reaction called anaphylaxis. If it is not treated quickly, anaphylaxis can be life threatening."

Tuluyan ng napaiyak si Jesica ng marinig ang sinabi ng doctor.  Parang nauupos siyang kandila ng mga sandaling yun mabuti na lamang ay nasa tabi niya si Vincent para alalayan siya. "Doc, what d-do you mean? Please, do everything to save my daughter." Pakiusap ni Jesica.

 

 

"Stop worrying ma'am, as I've said if it is not treated quickly it can be life threatening. Sa case ng anak ninyo mabuti na lamang ay agad siyang naisugod dito. She will be transferred in recovery room, you can see her now." Nakangiting turan ng manggagamot.

Ang pakiramdam ni Jesica ay parang nagliwanag sa buong paligid ng marinig ang sinabi ng doctor. Bigla siyang napayakap kay Vincent ng matiyak na ligtas na ang kanilang anak.

"I've told you." Bulong ni Vincent sa kanya, sabay yakap ng mahigpit kay Jesica.

May pakiramdam si Jesica na hindi aksidente na nakakain si Venice ng nuts nasisiguro niyang sinadya ito. Kailangan niyang alamin kung sino ang may kagagawan nito. 

If I Could Turn Back The Time (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon