Chapter 57. I like You

155 6 0
                                    

Sa paglipas ng araw may lalong bumubuti ang kalagayan ni Ken. Sabi ng doctor kailangan niya parin manatili sa hospital ng isang linggo para mas humilom ang sugat niya sa tagiliran. Dumating si Partrick para bisitahin siya may dala siyang prutas at pagkain para kay Ken.

" Hello goodmorning" bati niya bago pumasok sa loob.

" Patrick bakit ka nandito?"  tanong ni Ken ng makita niya.

Nilapag niya ang prutas at pagkain sa lamesa bago lumapit kay Ken. Pinikit niya ito sa noo dahil hindi lang man siya sinabihan sa mga nangyayari sa kanya.

" Ouch para saan yun?"  tanong ni Ken habang hawak ang noo niya.

" Bakit hindi mo man lang sinabihan na nandito ka" sagot niya na may pagtatampo.

" I'm sorry alam ko naman na mamatatakutin ka sa dugo. You painted when you see blood remember?" paliwanag ni Ken.

" Hahaha!!tama I'm surprise na hindi mo nakalimutan yun" nakangiti niyang sabi.

" Ofcourse you're my bestfriend" sagot ni Ken

Pagkatapos nilang mag usap binigyan niya si Ken ng pagkain. Sabay silang kumain ng dinner habang masaya paring nag uusap.  Bumukas ang pinto ng hospital room pumasok si Kairus na may dala dalang paper bags.

" You seems both enjoying your food" sabi ni Kairus bago naglakad papalapit sa kanila.

" Sir please join us" alok ni Ken habang nakatuon ang attensiyon sa boss niya. Tinitigan ni Patrick ang mga mata niya habang nakatingin kay Kairus.

Nakita niya kung paano ito tumingin kay Kairus na may halong pagmamahal.

" You seems both close to each other" sabi ni Patrick sabay subo ng chicken wings.

" Ofcourse he is my boss" sagot ni Ken bago tumingin sa kanya na may pagtataka. Naramdaman niya na mayroon  ibang big sabihin ang sinabi niya.

" Ken eat this" sabi ni Kairus bago nilagay ang vegetable salad sa plato niya.

" Salamat" sabi ni Ken bago yun sinubo.

" How is it?" tanong ni Kairus

" It's delicious" sagot niya

Kairus started to pat his head again they continue to eat habang tahimik lang si Patrick. Pinakikiramdaman niya ang kilos ng dalawa.

" Ken kailan ka lalabas ng hospital?"  tanong ni Patrick para basagin ang katahimikan.

" Hmm.....next week I guess. Bakit mo natanong?"

" I will help you to packed your things. I can be your driver for that day" sagot niya isang matalim na tingin ang itinapon ni  Kairus sa kanya.

" Hindi mo kailangang gawin yun. I can help him" sabi naman na ni Kairus.

" Alam kong busy ka sa bagong bussiness mo. Don't worry I can take care of him" nakangiting sabi ni Patrick.

" I can take a leave total ako na ang may ari ng sarili kong kompanya. I can do what I want" sabi ni Kairus bago sinubuan si Ken ng pagkain.

Ngumiti lang si Patrick pero sa loob niya kanina pa niyang gustong magwala. 

" I envy you at the young age you are one of the most successful business man in the country. Hindi na ako magtataka kung maraming babae ang nagkakagusto sayo"sabi ni Patrick bago kinuha ang isang lemon juice.

" Tssk!! ang bilis talaga kumalat ng balita" sabi ni Kairus

" You're playing a love game kung gaano kayo kinasal ni Jang ganoon din kabilis kayo nagkahiwalay. Kung ako ang tatanungin walang relasiyon na tatagal sayo tama ba ako?"

Ngumiti lang si Kairus sa kanya alam niyang patrick is trying to put him on the edge.

" Huh!!nagkahiwalay sino?"  naguguluhang tanong ni Ken habang nakikinig sa usapan nilang dalawa.

" Just asked Kairus siguro naman may magandang paliwanag sa mga nangyari" sabi ni Patrick 

" Ken listen to me hindi kami talaga kinasal ni Jang. That was a fake Marriage para mapaniwala si Daddy na kinasal talaga kaming dalawa" paliwanag ni Kairus na ikinagulat niya.

" Grabe naman yun kamusta si Mrs. Jang ngayon?" nag aalalang tanong ni Ken.

" Don't worry she's fine" sagot ni Kairus

" Are you sure sa pagkakaalam ko everynight pumupunta siya ng bar para uminom. Nakipag date sa ibang lalaki para kalimutan ka"

" Mukhang marami kang alam kumuha kaba ng sarili mong investigator para sundan siya. May gusto kaba sa kanya?"  tanong ni Kairus bago ngumiti na may halong pang aasar.

" Wala akong gusto sa kanya. I'm just curious kung ano ang nangyari sa inyong dalawa" sagot ni Patrick.

" I am worried about her" nag aalalang sabi ni Ken.

" Don't think too much" sabi ni Kairus bago hinawakan ang kamay niya.

Sa harap mismo ni Patrick naging clingy si Kairus para mas lalo pa siyang mainis.  Ibinaba ni Patrick ang kutsara sa plato sa sobrang lakas ng pwersang inilagay niya tumilapon ang kutsara sa sahig. Nagulat si Ken sa ginawa niya habang si Kairus hindi nagulat ng ipinakita nito ang tunay niyang kulay.  He is stubborn man na inlove kay Ken.

" I'm sorry " sabi niya bago dinampot ang kutsara sa sahig.

" Ken I guess I need to go nandito na naman ang boss mo. Text me kung kailan ka lalabas ng hospital. I will help you"

" Okay take care" sagot ni Ken nagsimula na siyang maglakad palabas ng hospital room.

Pagdating sa labas sinipa niya ang wall ng hospital dahil sa galit.

" Kairus Sky Imperial I can't let you take Ken away from me" he uttered.

Pagkalipas ng isang linggo na discharged si Ken sa hospital. Si Patrick ang naging driver niya dahil mayroong urgent business meeting si Kairus. Naghanda ng isang welcome home party si Elie para sa anak. Nagkaroon ng kunting salo salo sa bahay samantala isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Patrick bago lumapit kay Ken.

" Ken can I talk to you" sabi niya na halatang kabado.

" Are you okay?"  tanong ni Ken ng makitang hindi siya mapakali.

Tumango lang siya bago inalalayan si Ken na tumayo. Dinala niya si Ken sa labas ng bahay para makausap ito ng masinsinan.

" Ken I have something to tell I hope hindi ka magagalit sa akin" panimula niya ngumiti naman si Ken bago tumango.

" Bakit ako magagalit sayo bestfriend kaya kita" sagot ni Ken sa kanya.

" Ken I want to say that I like you"

" Huh!!"  reaksiyon niya sa mga sinabi ni Patrick.

" I am in love with you Ken" pag uulit niya.

Dahil sa gulat hindi siya nakasagot hindi niya inaakala na marinig yun mula sa bibig ni Patrick.

My Sky  ( Book 1) Where stories live. Discover now