Chapter 37. Accident

133 5 1
                                    

Nagising si Kairus sa kalagitnaan ng gabi bumangon siya sa kama. Nagulat siya ng makita si Ken na natutulog habang hawak ang kamay niya tiningnan niya ang side table ng kama kung saan nakalagay ang pagkain. Tumayo siya para kunin ang pagkain at nagsimulang kumain.

Pagkatapos magkalaman ng tiyan niya dali dali siyang nagbihis bago lumabas magbilin muna siya ng isang sulat para kay Ken. Tinungo niya ang isang sekretong hide out ni  Jang sandamak mak na mga bodyguard ang sumalubong sa kanya.

" Sino ka bakit ka nandito?"tanong ng isang tauhan ni Jang hinanda ni Kairus ang sarili niya kapag nagkagulo. Alam niyang hindi madaling pumasok sa lungga nila.

" Nandito ako para kausapin ang boss niyo"mahinang niyang sagot nararamdaman niya parin ang panghihina ng katawan niya.

" Mukhang mayroon kang iniindang sakit. Sigurado kabang kaya mo kaming talunin lahat" nagsilabasan ang iba pang tauhan na nakakubli sa ibat ibang sulok ng hideout.

" Ipakita niyo sa akin ang kaya niyong gawin" sigaw ni Kairus kahit na alam niyang malabo siyang manalo laban sa kanila pero hindi parin siya nagpakita ng takot. Sumugod ang mga tauhan ni Mrs. Jang sa direksiyon niya.

" Sandali anong nangyayari dito?"isang malamig na boses ang maririnig mula sa likod nila. Lahat sila tumigil at yumuko bilang paggalang.

Isang magandang babae ang naglalakad sa gitna habang suot suot ang night dress kasing ganda niya ang bituin at buwan sa kalangitan. Ngumiti si Kairus ng makita siya.

" Kairus anong ginagawa mo dito?"gulat niyang tanong ng makita si Kairus sa teritoryo niya.

" Nandito ako para alukin ka ng isang proposal"

" Bussiness proposal sa ganitong oras ng gabi"
" Mas mahalaga pa sa isang bilyong business proposal"sabi ni Kairus isang ngiti ang namuo sa mga labi ni Jang.

" Sumunod ka sa akin sa loob tayo mag uusap"nagsialisan ang mga tauhan niya at hindi na ginulo si Kairus.

  Kinabuksan Imperial Mansion

"Dad hindi parin ba uuwi si Kuya?"tanong ni Sun umiling iling si Mr. Blue bago binaba ang iniinom niyang kape.

" Sa isang araw na ang opening ceremony ng school para sa annual anniversary ang alam kung siya ang magiging speaker natin sa araw na yun" sabi ni Moon.

" Yun lang din ang araw na makikita natin siya" malungkot na sabi ni Star.

" Nag usap na tayo tungkol diyan Star tandaan mo ang mga sinabi ko sa inyo"paalala ni Moon

" Ano ba ang napag usapan niyo?" tanong ni Mr. Blue.

" We must survive without you and brother Kairus" sagot ni Star binaling niya ang tingin kay Moon.

" Diba tama ka Dad?"

" Tama si Moon hindi sa lahat ng oras nasa tabi niyo ako o ang kuya niyo" sabi ni Mr. Blue habang nakangiti.

" Kailangan pala namin gayahin si Sky. He is living alone in England" sabi ni Sun.

" Kapag nagawa niyo yun mas ipagmamalaki ko kayo"

Pagkatapos nilang kumain pumasok na silang tatlo sa school. Mas naging abala ang paaralan sa paghahanda sa nalalapit na annual school anniversary. Bawat year level naghahanda ng presentasiyon para sa opening ceremony.

" Moon Star pupunta muna ako sa music room" paalam ni Sun.

" Sun kakanta ka para sa opening ceremony?" Star asked.

" Ofcourse Star mayroon naman akong talent"
" Mas makakabuti kapag maging pyanista ka nalang" sabi ni Moon sa kanya.

" Moon ang epal mo aalis na nga ako" sabi ng kakambal niya bago umalis.

"Moon should we stop him" sabi naman ni Star napapangiwi na siya habang iniisip kung ang kapatid niya ang kakanta.

" Don't worry star may sariling vocalist ang music club. Hindi siya papayagan na kumanta"
Dumeresto sila sa field kung saan nagtatrabaho ang lahat. Hindi na nagulat si Moon ng makita ang nagkukumpulang mga volunter na kinuha ni Sun. Lumapit sila kay Hanz na abala sa pag asikaso ng lahat.

" Moon & Star halika kayo dito" lumapit silang dalawa kay Hanz. Umaga palang pawis na pawis na ito habang hawak ang papel na naglalaman ng mga pangalan volunteer.

" Grabe sobrang dami nila ilan ba silang lahat?" tanong ni Apple na may hawak na mga papel.

" Sampung libong ang pangalan ang nakalista dito" sagot ni Hanz.

" Alam niyo may paparating pa na another batch of volunter dahil sa dami nila gumawa ng schedule si Sun bawat sampung libong volunteer may pagitan na dalawang oras ang pagdating nila sa school"paliwanag ni Moon na ikinagulat nila halos himatayin si Apple sa mga narinig niya.

" Ang lahat ng nakita niyong volunteer sa phone ng katapid namin. Yun lahat ang pupunta dito. Kaya kami nandito para tulungan kayo"  sabi ni Star kumuha ni Moon ang towel sa bulsa niya at binigay kay Hanz.

" Salamat pero naman akong panyo. Saan nga ba yun nalagay?" hinanap niya ang panyo niya sa paligid. Hinatak ni Moon at kamay niya at nilagay ang panyo sa kamay nito.

" Pwede mo yang gamitin huwag kang mag aalala wala akong nakakahawang sakit"

" Hindi ko sinabi na mayroon kang nakakahawang sakit. Ano- ano-kasi-- " natatarantang sabi ni Hanz habang nakataas ang dalawa niyang kamay.

" Mr. President calm down napaka tensiyonado mo" pag awat ni Apple sa kanya.
Ngumiti naman si Moon bago naglakad papuntang Desk kung saan nagpaparegister ang mga volunteers.  Sumunod sa kanya si Star at umupo sa tabi nito.

Sky University music room

" Hello everyone" masiglang bati ni Sun sabay bukas ng pinto lahat sila nakatingin sa kanya.
Lumapit si Bryle ang president ng music club at ipinakilala si Sun sa mga member ng club.
" Guys siya ang bagong pyanista natin sobrang galing siya sa pagtugtog ng music instruments especially piano"nakangiti ng malapad si Sun pero bigla itong napawi ng marinig ang sinabi ni Bryle.

Gusto niya talagang kumanta kagaya ni Sky pero hindi nga lang siya nabibiyayaan ng talento sa pagkanta.

" Bakit ayaw mo ba?" nakasimangot siya bago tinanggal ang kamay ni Bryle sa balikat niya.
" Akala ko ako ang magiging lead singer"

" Tingin ko hindi ka magaling kumanta" isang pamilyar na boses ang narinig ni Sun mula sa likod niya. Ngumiti siya ng makita si Nash na nakatayo sa pinto ng music room.

" Hubby member karin pala ng music club"
"  Sun he is our lead singer" sabi ni Bryle

" Huhh!! LEAD SINGER" nagulat si Sun ng marinig ang sinabi ni Bryle.

Tinitigan niya si Nash mula ulo hangang paa habang iniisip nito kung paano nalaman ni Nash na hindi siya magaling kumanta.

My Sky  ( Book 1) Where stories live. Discover now