Chapter 41. School Anniversary

120 6 1
                                    

Ngayong ang araw na ipinagdiriwang ng Sky University ang annual anniversary bago pa man ang araw na yun lahat ng volounter students pumunta na sa bayan ng Manyata doon ang lugar kung saan gaganapin ang school project. Sakop ng mga projects ang pagbibigay ng scholarship sa mga students na papasok sa unibersidad. Health program para sa mga residents, nagbibigay din sila ng pagkain sa mga taong naninirahan sa lugar. Mayroong entertainment program during the events. Bukod sa mga students mayroon ding media na sumama para eh cover ang event.

" Star nakita mo ba si Sun?" tanong ni Moon habang naglalakad pababa ng hagdan. Lumingon sa kanya si Star na kasalukuyang nakaupo sa sala.

" Hindi ko siya nakita kanina pa" sagot nito sa kanya napatayo bigla si Star sa sofa bago tumingin sa kapatid niya.

" HINDI KAYA " sabay silang sumigaw at nagmamadaling hanapin si Sun sa buong bahay.

Lumabas si Star ng bahay at hinanap ang kapatid niya sa garden area. Pero hindi niya ito nakita bigla na siyang kinabahan at nagdasal na sana mali ang hinala niya. Tinipon niya lahat ng mga bodyguards sa loob ng mansion para humingi ng tulong.

" Guys listen kailangan nating hanapin si Sun sa loob ng manison. Halughugin niyo lahat ng sulok para hanapin siya"sabi ni Star sa kanila.

" Young Master Star may problema ba?" tanong ni Ven sa kanya.

" Ven mamaya kana magtanong ano pa ang hinihintay niyo move" nagsi alisan silang lahat at naghanap sa buong bahay.

Si Moon naman naghanap sa loob ng bahay at lahat ng buttler inutusan niya na din na tumulong siya sa paghahanap.

After 30 minutes

Humiga si Star sa sofa matapos ang walang tigil sa paghahanap sa kapatid nila. Umupo din si Moon sa tabi niya habang tagaktak ang pawis nito kanina pa siya nagpapabalik balik sa loob ng bahay.

"  Moon I think tumakas siya para pumunta sa Manyata"sabi ni Star.

"  Malaki ang posibilidad na nangyari yun hindi natin siya mahanap sa buong lugar" sagot ni Moon.

" Young Master Moon, Young Master Star, pasensiya na pero hindi namin nakita si Young Master Sun" sabi ni Ven habang nakayuko.

" Wala na talaga sa inyo ang nakapansin sa kanya?"tanong ni Moon na hatalang nag iisip.

" Pasensiya na po pero wala po talaga"

" Ven check the cctv camera I'm sure nahagip si Sun kapag lumabas siya ng bahay" umalis si Ven para pumunta sa control room.

Tiningnan niya ang kuha ng cctv photage pero hindi niya nakita  si Sun na umalis ng bahay. Bumaba ulit siya para sabihan ang dalawa.

" Kamusta Ven lumabas ba siya ng bahay?tanong ni Star habang nakatingin sa kanya.

" Young Master Star hindi po lumabas ng bahay si Young Master Sun" sagot niya

" He is playing hide and seek again" sabi ni Moon agad na umalis si Ven sa harap nilang dalawa at halatang nagmamadali.

Nagtaka si Moon at Star sa naging biglang reaksiyon nito.

" Anong nangyari?" takang tanong ni Star nagkibit balikat lang si Moon na hatalang naguguluhan sa mga nangyari.

Ilang sandali pa ay dumating si dumating si Kairus sa mansion tumatakbo ito papasok ng bahay habang hinigal hingal.

" Na saan si Sun?" tanong ni Kairus na naghahabol ng hininga.

" Hindi namin siya mahanap sa buong bahay at hindi din siya lumabas" sagot ni Moon tumakbo si Kairus palabas ng mansion naiwan ang dalawa na nakaupo sa sofa.

" Pakiramdam ko mayroong nangyayari dito" Star uttered

Binuksan ni Ven ang secret door ng mansion bumaba siya sa hagdan at tinahak ang hallway ng underground mansion. Binuksan niya ang pangalawang pinto at hinanap si Sun sa loob nakahinga siya ng maluwag ng wala siyang nakitang tao sa loob.

" Ven " lumingon siya at nakita si Kairus na pumasok sa loob ng secret room.

" Young Master Kairus" napahawak ito sa puso niya bago umupo sa sofa.

" Ven put some men outside on this room make sure na hindi makapasok si Sun, Moon at Star maliwanag ba"

" Yes, Young Master" sagot naman ni Ven sabay silang lumabas ng secret room.

Pagbalik nila sa loob ng bahay nakita nila ang tatlo na nakaupo  parin sa sofa habang nag uusap.

"Sun saan ka galing?"bungad ni Kairus sa kapatid niyang kanina pa nawawala.

" Nasa likod ako ng bahay" sagot nito sa kanya tumingin ang apat kay Ven. Ngumiti lang ito bago nagpaalam na umalis.

" You can't blame me I'm bored hindi tayo pinayagan ni daddy na sumama sa Manyata" sabi ni Sun na may pagtatampo.

" Alam mo naman kung bakit yun ginawa ni daddy diba"tumingin siya kay Moon bago tumango.

" Kuya Kairus how's your weeding preparation?" tanong ni Star isang linggo nalang before ang kasal niya.

" Everything is fine tapos na lahat ng preparation"

" Are you really going to marry her? Do you love her?" tanong ni Sun hindi sumagot ang nakakatanda niyang kapatid sa halip tumayo ito sa sofa.

" I need to go magkikita pa kami ni Jang" yun ang huling sinabi niya bago naglakad paalis.

" He can't answer my question. Does it means hindi niya mahal ang taong papakasalan niya. Agree ba kayo?"

" Hindi na issue ngayon yan maraming tao nagpapakasal because of power. They set aside feelings for success"sabi ni Moon umiba naman ang expression ng nakakabata nilang kapatid na hindi sang ayon sa ganyang set up.

"  Star calm down hindi ko sinabi lahat" pagbabawi ni Moon habang nakangiti.

" I can sense the aroma of love"nakangiwing sabi ni Sun biglang namula ang mukha ng katapid nila. Tumawa ng malakas si Moon para mas lalong asarin si Star at mukhang umobra naman yun.

Nagpatuloy ang events sa Manyata hanggang sa lumubog ang araw.  Pagkatapos ng isang linggo natapos ang school project lahat ng volunteers at media bumalik na sa kanila kanilang lugar. Naging matagumpay ang annual annivesary dahil sa pagtutulungan ng  lahat.

My Sky  ( Book 1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon