Chapter 27. A Dear Friend

132 6 1
                                    

10 years ago

Perpectual Elementary  School

Dahil sa klasse ng trabaho ng mga magulang ni Ken hindi maiwasan ang paglipat niya ng school every  2 years. Hindi siya nagkaroon ng mga permanenteng kaibigan dahil aalis din naman siya pagkatapos ng  dalawang taon.  Hindi din siya nakikipag kaibigan sa school.

" Ken hows your new school?" tanong ng mommy niya kapag dumating siya galing sa eskwelahan.

" Okay lang naman" walang kabuhay buhay niyang sagot bago pumasok sa kwarto niya. Pagkatapos niyang magbihis he open the textbook at nagsimulang mag aral.  Masasabi na umiikot lang ang buhay niya sa eskwelahan at bahay . Kompara sa ibang bata hindi siya mahilig maglaro at makipagkaibigan.

" Hello pwede bang ihagis mo sa amin ang bola"mayroong mga grupo ng kabataan na naglalaro ng soccer. Tiningnan ni Ken ang bola na nasa harapan niya. Kinuha niya yun at hinagis sa mga batang naglalaro.

" Hey sandali lang anong pangalan mo?" hindi niya sinagot ang tanong ng batang kausap niya. He continue to walk away hanggang sa makalayo na siya sa mga ito.

"  Can I buy strawberry juice?"

" Pasensiya na iho pero ubos na ang strawberry juice na itinitinda ko"

Nabaling ang attensiyon ni Ken sa isang bata sa harap ng street vendor. Umiyak ito ng nalaman na ubos na ang panindang strawberry juice.

" Young Master anong ginagawa niyo dito?" isang lalaki ang dumating at kinausap ang bata. Sa unang tingin palang alam ni Ken na galing ang bata sa mayamang pamilya.

Binuhat siya ng lalaki at pinasok sa kotse habang umiiyak. Sa hindi maipaliwanag na dahilan isang ngiti ang namuo sa labi ni Ken habang nakatingin sa batang lalaki.

On the next day

"  Ali bakit po naubos ulit?" natigil sa paglalakad si Ken ng makita ulit ang batang lalaki.

" I'm sorry iho pero sa ganitong oras kasi ubos na ang paninda ko" naging malungkot ang expression niya ng malaman na naubos ulit ang strawberry juice.

" He can buy strawberry juice sa ibang tindahan"

Ken uttered umalis ang batang lalaki kasama ang lalaking sumundo sa kanya. Kusang gumalaw ang mga paa ni Ken papalapit sa tindera.

" Hello po anong oras kayo pumupwesto dito?"Ken asked.

" Hmmmm... 9 am iho bakit?" kinuha ni Ken ang pera sa wallet niya at binigay sa tindera.

" Ito po ang bayad sa strawberry juice. Bukas mo ibigay mo nalang sa kanya kapag pumunta ulit siya dito" isang ngiti ang namuo sa labi ng tindera bago tinanggap ang pera ni Ken.

" Magkaibigan ba kayo ng rich kid na yun?"natahimik si Ken dahil hindi niya alam ang isasagot niya. Kahit na siya hindi alam kung ano ang kaibigan.

" Opo kaibigan ko po siya" he didn't hesitate to answered ito ang unang pagkakataon na nagka interest siya sa isang tao. If he will be his friend siya ang unang tao na magiging kaibigan ni Ken .

Simula noon araw araw ng bumibili ng strawberry juice si Ken para ibigay sa batang lalaki. He is watching from far yun lang sapat na sa kanya hangang sa naging routine na yun araw araw.

" Ali what's his name?"  tanong ng batang lalaki bago kinuha ang strawbery juice.

" Pasensiya na pero hindi niya sinasabi sa akin" sagot ng nagtitinda ng strawberry juice. Nakita ni Ken na biglang nalungkot ang batang lalaki gusto niya sana yung lapitan pero mas pinili niyang hindi lumapit.

" Ken come here " tawag ng mommy niya ng makapasok ito sa bahay nila. Lumapit siya sa mommy niya na nakaupo sa couch. Isang shopping bag ang binigay sa kanya.

" Para saan to?" tanong niya bago kinuha ang shopping bags.

" You love writing so that's why I bought you colored papers at sticky notes" isang ngiti ang namuo sa labi ni Ken bago binuksan ang bag. Para sa isang bata na katulad niya yun ang tanging nagbibigay sa kanya ng kasiyahan .

" Thank you Mom" niyakap niya ang mommy niya ng sobrang higpit.

" You're welcome pumasok kana sa loob pagkatapos bumalik ka dito kakain tayo ng meryenda"

"Mom wheres Dad?"

" Hmm.. he has meeting late siyang uuwi mamaya"

Pumasok si Ken sa room niya naisipan niyang magsulat ng letter para sa batang lalaking kaibigan niya. Nagsulat siya sa sticky note at dinikit yun sa strawberry juice na binibili niya. Yun ang naging connection nilang dalawa pagkatapos kunin ng batang lalaki ang strawberry juice nag iiwan siya ng sulat sa tindera para ibigay kay Ken.  Itinuring siyang nag iisang kaibigan ni Ken hangang sa lumipas ang isang taon.

Their friendship become stronger. Pinangalanan siyang strawberry ni Ken dahil mahilig ito sa strawberry. Sa paglipas ng isang taon napag desisyonan ni Ken na magpakita sa kanya.

" Are you Ken?" ngumiti si Ken sa kanya. Niyakap niya si Ken ng sobrang higpit ng magpakita ito sa kanya.

" Im happy to that finally you show up infront of me"

"  I am happy too finally I can finally hug you "masaya silang nag usap sa araw na yun. Tinuruan niyang maglaro ng soccer si Ken.

" I'm tired " umupo si Ken sa isang bench habang pawis na pawis.

" Ken let's have another game," umiling iling si Ken na nakaupo parin sa bench. Umupo si strawberry sa harap niya at binigyan siya ng panyo.

" How can you call yourself a man if you can't play longer "sabi nito ng may pagtatampo. Hinawakan ni Ken ang kamay niya at humingi ng tawad.

" I'm sorry you can call me a woman if you want. But I can't continue playing " ngumiti si Strawberry at hinawakan siya sa pisngi.

" If you're not a man then you can be my woman. You can be my wife" nagulat si Ken sa mga narinig niya. Ngumiti siya at tumango bilang tugon sa sinabi ni Strawberry.

" I am Strawberry I pledge starting today you are my wife and we will stay by each other side forever"

" I am Ken I pledge starting today you are now my husband and we will stay by each other side forever "

Hindi akalain ni Ken na yun na ang huli nilang pagkikita. Hindi na bumalik si Strawberry kinabukasan hangang sa natapos ang dalawang taon. Lumapat ulit ng ibang school si ken at hindi na siya nabigyan ng pagkakataon na makita ulit si Strawberry.

My Sky  ( Book 1) Where stories live. Discover now