Chapter 52. Tension

120 6 1
                                    

"Ken bakit siya ganyan mahal na mahal ko siya pero anong ginagawa niya" sabi ni Jang bago tinungga ang alak sa baso kasabay yun ng pagbuhos ng mga luha sa mga mata niya.

Nanatiling nakinig si Ken sabay inom ng alak.

" Mrs. Jang I'm sure mahal ka din niya baka sigurado akong business lang talaga ang pinag uusapan nila" sabi ni Ken para kumalma na siya.

" Huhh!! Ken yun ba ang tingin mo pakiramdam ko kasi hindi niya mahal at hindi niya ako minahal kahit kailan. Sabi nga na ba this is unrequited love. I can't have his heart" sabi niya habang patuloy parin siya sa pag iyak. Tumayo si Ken at hinipo hipo siya sa likod.

" Don't say that Mrs. Jang nakikita mo ba to?"  hinawakan ni Ken ang kamay niya kung saan suot niya ang wedding ring.

" This ring is the evidence that he is belong to me. You are his wife  he is your husband" sabi ni Ken habang tinitigan ang kamay niya.

" Tama ka yun ang mahalaga sa ngayon kailangan kong panindigan ang pinangako namin sa isat isa sa altar. Kahit na sabihin natin na ako lang ang nagpapahalaga sa pangako namin" mahina niyang sabi makikita ang kalungkutan sa bawat salita na binibitawan niya  bumalik si Ken sa inuupuan niya at nagpatuloy sila pag inom.

Nakahinga siya ng maluwag ng tumigil na ito sa pag iyak biglang tumunog ang cellhone ni Ken. Kinuha niya yun at tiningnan kung sino ang tumawag.  Kairus is calling him nakatitig lang siya sa screen ng phone niya at pinag isipan kung sasagutin niya ba yun.

" Hmm.. Mrs. Jang sir Kairus is calling"  sabi ni Ken habang nakatingin sa kanya. Binaba niya ang baso at umiling iling dahil doon hindi sinagot ni Ken ang tawag.

Binaba ni Kairus ang phone niya bago ito hinagis sa sahig. Sinundan ni Jackson ng mga mata niya ang bawat galaw ni Kairus.

" Ano naman ba ang nangyari?"  tanong niya ng makitang hindi maipinta ang mukha ng kaibigan niya.

" Nothing" sagot nito na walang tigil sa pagtungga ng alak.

" Nothing come on Bro kilala kita hindi pa pupunta dito kung wala kang problema. Tell me nandito ako I am willing to listen" Binaba ni Kairus ang hawak niyang baso bago sumandal sa sofa. He glanced up to the ceiling.

"  Ken is not answering my call" mahinang sabi niyang sabi

" That's it yun ang dahilan kung bakit ka magagalit?"

Binaling niya ang tingin kay Jackson at agad naman umiwas ng tingin.

" Ofcourse not alam ko naman na kasama niya ngayon si Jang at gusto ko lang malaman kung nasaan silang dalawa" sagot niya isang ngiti ang namuo sa labi ni Jackson ng may naaamoy na kakaiba sa kaibigan niya.

They're been bestfriend since highschool kaya alam nito kung mayroong tinatago ang kaibigan niya. At pakiramdam niya may ibang dahilan kung bakit ito nagagalit.

" Kairus tell me are you inlove with Ken?" walang pag alinlangan niyang tanong. Halos maibuga ni Kairus ang alak na nasa bibig niya bago tumingin sa kanya.

" What the.... that's a stupid question" sabi ni Kairus sabay iling iling.

" Confirm you are inlove with him" sabi niya na nakangisi ng malapad .

" Isipin mo ang gusto mong isipin. I am not inlove with him" sabi ni Kairus bago tumayo sa sofa at naglakad paalis.

" Bro sandali saan pupunta?"  sigaw niya ng makitang naglalakad ito papunta sa labas.

" I'm off" sabi ni Kairus bago kumaway.

" Hayy!! Pag ibig nga naman tulak ng bibig kabig ng dibdib. You can't fool me kitang kita sa mga mata mo" Jackson whispered habang pinagmamasdan ang alak sa loob ng baso.

Nang makalabas si Kairus sa bahay ni Jackson tinawagan niya ulit si Ken this time sumagot na ito sa tawag niya.

" Ken na saan ka?" tanong ni Kairus sa kabilang linya bago binuksan ang driver seat ng sasakyan niya.

" Sir kasama ko po si Mrs. Jang nasa isang bar kami ngayon malapit sa office" sagot ni Ken.

" Alright pupuntahan ko kayo diyan hintayin niyo ako" sabi niya bago binaba ang phone. He start the engine at pinuntahan ang kaisa-isang bar na malapit sa kompanya na pagmamay ari niya.

Pinarada ni Kairus ang kotse niya sa parking lot bago bumaba ng kotse. Nakakaramdam siya ng kunting pagkahilo dahil sa alak na ininom niya kanina. Habang naglalakad mayroon siyang lalaki na nabangga.

" Fvck tumingin ka nga sa dinadaanan mo" sigaw ni Kairus sa lalaki.

" Ako dapat ang magsasabi niyan sa susunod ayusin mo ang paglalakad mo" sagot ng lalaki bago umalis sa harap niya.

" What the hell hindi niya ba alam kung sino ang kinakausap niya" bulong ni Kairus bago naglakad papasok ng bar.

Hinanap niya sa loob si Ken at Jang ng makita niya ang mga ito agad siyang naglakad papunta sa direksiyon nila. Nang biglang -----------

" Sinusundan mo ba ako?"  tanong ni Kairus sa lalaking nabangga niya kanina.

" Bakit ko gagawin yun?' tanong ng lalaki pabalik mas lalong uminit ang ulo ni Kairus.

" Nananadya ka ba talaga"

" Dude listen to me ayaw ko ng gulo nandito ako para sunduin ang boyfriend ko" mahinahon na sabi ng lalaki.

" Okay" sabi ni Kairus bago naglakad ulit papunta kina Ken at Jang.

" Sir pasensiya na po kung hindi ko sinagot ang tawag niyo kanina ayaw po kasi ni Mrs. Jang" bungad ni Ken ng makalapit siya.

" It's fine alam ko naman na galit siya sa akin" nakangiting sagot ni Kairus bago umupo sa harap niya.

Binaling niya ang tingin kay Jang na kasalukuyang nakapatong ang ulo sa table at wala ng malay dahil sa kalasingan.

" Patrick "  tawag ni Ken habang nakataas ang kamay niya. 

Lumingon si Kairus sa likuran at nakita ang lalaking nabangga niya kanina. Tumayo si Ken at pinaupo ang lalaki sa harap  niya.

"  Sir Kairus this is Patrick------------

" You're boyfriend" hindi na siya pinatapos ni Kairus na magsalita.

" It's my pleasure to meet you Mr. Kairus Imperial" sabi ni Patrick habang nakangiti. Nagtitigan ang dalawa naramdaman ni Ken ang tensiyon sa mga tingin na binabato nila sa isat isa.

" Ano ba ang nangyayari" bulong ni Ken unang umiwas ng tingin si Patrick tinuon nito ang tingin niya sa bote ng alak sa harap niya.

" Ken maraming salamat sa pagsama sa asawa ko dito. Mauna na kami and enjoy your date" sabi ni Kairus na may pagdidiin kinuha niya si Jang at binuhat palabas ng bar.

My Sky  ( Book 1) Where stories live. Discover now