Chapter 9. I Hate You So Much

250 16 1
                                    

Napapakanta si Star habang naglalakad sa hallway ng school. Tumigil siya sa paglalakad ng may natanggap siyang text mula kay Christine.

" Nasa canteen kami ngayon dumaan ka muna dito sabay nalang tayo pumasok mamaya"

Pinuntahan niya ang mga kaibigan na kasalukuyang kumakain ng lunch sa canteen.

" Star" tawag ni Jackson ngumiti siya at naglakad papalapit sa pwesto nila.

" Habang tumatagal mas lalo kang gumagwapo" puri ni Nathan.

" I agree nakakainggit ka naman Star" pag sang ayon ni Jackson.

" Thanks for the compliment pero hindi naman ako gwapo"  sagot ni Star bago umupo.

"Maiba nga ako may napili na ba kayong club na sasalihan?" tanong ni Jackson tumigil silang lahat sa pagsubo at pinag isipan tungkol sa club membership.

" Hmmmm... Art club"  sagot ni Christine

" Star, you want to eat something" tanong ni Nathan

" Busog ako kumain na ako sa bahay"

Kinuha ni Star ang cellphone niya at nagpadala ng mensahe kay Sky.

" Ikaw nathan anong sasalihan mong grupo?" tanong ni Jackson

" Hmm.. baskeball club"  sagot nito

" Ikaw star?" tanong ni Nathan

Binaba ni Star ang hawak niyang phone at nilagay sa bag niya bago sinagot ang tanong ni Nathan.

" Hindi ko alam"

" Guys tiningnan niyo yun"

Tumingin sila kung saan nakanguso si Jackson. Nakita ni Star na kausap ni Ken ang isang magandang babae sa mismo pinto ng canteen.

" I'm done, bilisan niyo na diyan baka malate tayo"

Sabi ni Christine sabay ligpit ng mga gamit niya

"Tapos na din ako, tara na"

Tumayo na silang lahat at naglalakad palabas ng canteen bago paman sila makarating sa pinto tumigil sa paglalakad si Nathan dahil may nakaharang sa daan nila. Naghintay sila ng ilang minuto pero hindi umalis si Ken at ang kausap niyang babae. Tiningnan ni Star ang oras at mayroon nalang sila remaining 10 minutes.

" Excuse us pwede bang umalis kayo diyan" sabi ni Star in a nice way, tumingin sa kanya si Ken gamit ang walang emotion na titig.

"Ken, lets go doon nalang tayo mag usap"

Umalis ang babeng kausap niya pero nanatili si Ken sa harap mismo ng pisngi.

" Mayroong pinto sa kabila doon kayo
dumaan"  sabi ni Ken

" Dito kami dadaan mas malapit dito kaysa sa kabila. Now step back "seryoso niyang sabi habang nakikipagtitigan kay Ken.

" I refuse, anong gagawin mo ngayon" pagmamatigas ni Ken may namumuong tension sa pagitan nilang dalawa.

" Wala dahil  in the first place pagmamay ari ko ang building nato including ang lugar na kinatatayuan mo"

Nagulat ang mga kaibigan niya dahil nakita nila ang palaban na Star. Nagpatuloy sa paglalakad siya kahit na nabangga niya si Ken palabas ng canteen. Ngumiti si Ken habang pinagmamasdan siya na naglakad palayo sa kanya.

" Idol na talaga kita Star akalain mo nanalo ka laban sa King Of Sky University " nakangiting sabi ni Jackson bago inakbayan si Star.

" I agree, ang perfect ng sinabi mo sa kanya" pag sang ayon ni Nathan.

" Hey!! Hey!! give way to the prince of Sky University " sabay na sabi ni Nathan at Jackson binatukan sila ni Christine kaya tumigil silang dalawa sa kakatalak.

" Star becareful baka maging target ka nila" serysong sabi ni christine biglang napawi ang excitement sa mukha ni Nathan at Jackson.

" Ganoon ba talaga kasama ang mga nangyari sa akin?"

Biglang kinabahan si Star sa mga nangyari nakalimutan niyang leader ng fraternity group si Ken.

" Dont worry, hindi naman siguro nila gagawin yun diba anak  ni Mr. Blue Imperial  si Star"  sabi ni Nathan para mapanatag ang loob ni Star

" Tama ka" pag sang ayon ni Christine at Jackson pumasok na sila sa classroom habang si Star hindi parin mapakali sa kakaisip sa sinabi ni Christine.

Class 3 1-A

Nasa gitna ng discuss ang proof ng may lumipad na papel sa table ni Jake kinuha niya ang papel na hinagis ni Ken.

" Jake I want to you to do something "

Kinuha ni Jake ang ballpen niya at nagsulat bago binato ang papel pabalik sa pwesto ni Ken. Isinulat ni Ken ang gusto niyang ipagawa.

Sky University 7: 00 pm

Naglalakad si Star kasama ang mga kaibigan niya palabas ng school.

" Star ingat ka" sabi ng tatlo bago umalis.

Nakatira ang tatlo niyang kaibigan sa school dorm dahil sila kabilang sila sa scholarship program. Kinuha ni Star ang susi ng sasakyan sa bag niya. Isang di inaasahang pangyayari sang nakita niya. Basag ang shield ng sasakyan niya, butas ang mga gulong at tinapunan ng kung anong mabahong bagay ang kotse niya dahil sa gulat bigla siyang napaatras habang nakahawak ang kamay sa dibdib.

" My prescious car"

Kinuha niya ang phone at tinawagan Ven para sunduin siya. Nanatili siyang nakatayo habang nakatingin sa sira niyang sasakyan.

" Young Master  Star, anong nangyari?" tanong ni Ven ng makalabas ito sa kotse.

" Someone destroy her" sagot niya habang nakayuko nagulat si Ven ng makita ang sasakyan niya. Binuksan ni Ven ang pinto para makapasok si Star sa loob.

" Ven lets go"

Pagpasok ni Ven nakita niya ang mga luhang pumapatak sa mga mata ni Star.

" Young Master my apology" sabi ni Ven bago pinaandar ang engine ng sasakyan. Yakap yakap ni Star ang sarili niya habang umiiyak. Makikita ang kalungkutan sa mukha nito.

Pagdating ng mansion nagulat si Sun ng makitang umiiyak ang kapatid niya.

"Sinong umaway sayo?" tanong ni Sun bago siya niyakap.

" Sinira nila ang kotse ko" sagot nito habang humahagolhol sa pag iyak.

" Shit!! Sinong gumawa noon?" tanong ni Sun na malapit ng magwala. Napatakbo si Moon ng makita ang mga nangyayari sa baba.

" Hello Dad comeback here for a while we need you"sabi ni Moon sa kabilang linya.

Nang makita niyang umiiyak ang kapatid tinawagan niya agad ang Daddy nila. Yakap pa din siya ni Sun para pakalmahin pero hindi pa din siya tumitigil sa pag iyak. Alam nila kung gaano kahalaga kay Star ang sasakyan niya. Pagkalipas ng sampung minuto dumating si Mr. Blue kasama si Kairus parehas silang nagulat sa nadatnan na scenario.

" Anong nangyari ?" tanong ni Mr. Blue sa anak.

" Dad someone destroyed my car" paliwanag ni Star while crying.

Nakita ni Moon na nakakuyom ang kamao ni Kairus habang nakatingin sa mukha ni Star.

" I will make them pay" sabi ko Kairus na galit na galit.

"Alright, calmdown tatawagan ko si Mr. Smith ngayon din" sabi ni Mr. Blue kinuha niya ang phone at tinawagan ng Dean ng school.

My Sky  ( Book 1) Where stories live. Discover now