Chapter 13. Circle Of Friends

553 13 1
                                    

Lunch break

" Star wake up kanina kapa natutulog" sabi ni Christine bago hinila ang kamay ni Star.  All through out the discussion tulog na tulog siya hindi maiwasang mag aalala ni Christine sa kanya.

" Do we need to wake him up?"Yumuko si Jackson para tingnan ang mukha ni Star na mahimbing na natutulog kanina pa.

" We need to baka magutom yan mamaya"   Kinuha ni Nathan ang bag nito  habang ginigising ni Christine si Star.

" Star wake up kailangan mong kumain ng lunch"minulat ni Star ang mga mata niya at tumayo sa inuupuan niya. Inalalayan siya in Christine habang naglalakad pababa ng canteen.
Matapos nilang makahanap ng pwesto pinaupo nila si Star. Pinatong nito ang ulo sa lamesa at pinikit ang mga mata niya. Ilang sandali pa ay dumating si Alden habang karga karga si Sun. Katulad ng kapatid niya mahimbing din itong natutulog.

" Ohh, Sun Sky Imperial"  Gulat na sabi ni Jackson ng makita si Sun. Binaba siya ni Alden sa upuan at inalalayan. Umupo sa Alden sa tabi ito habang hingal na hingal.

" Ano ba ang nangyari?" Nathan asked na natingin kay Alden

" Hindi ko alam dumating siya kaninang umaga ganyan na siya tapos sinabi niya na gusto niyang makasama si Star sa lunch pero ayan tulog parin siya"

" Moon huwag kang dumaan diyan" Sigaw ng isang lalaki na nasa pintuan ng canteen. Nabaling ang attensiyon nila sa dalawang lalaki na papalapit sa kanila.

" Hello guys can we join you?"tanong ng lalaking kasama ni Moon.

" Oo naman mas marami mas masaya"sagot ni christine na nakangiti.

" Ako nga pala si Alden" pakilala ng lalaking kasama ni Sun.

" Okay, this is nathan, christine, I am jackson" pakilala ni Jackson sabay turo sa mga kasamahan niya. Isa isa silang kumaway kay Alden .

" I am Jasper kaibigan ni Moon"minulat ni Moon ang dalawa niyang mata bago nag inunat unat ang kamay niya.

" Jasper can you please some juice" pakiusap ni Moon sa kanya tumayo si jasper at bumili ng tatlong juice. Nilagay yun ni Moon sa leeg ni Star at Sun para magising ang dalawa.

" Wake up kailangan niyong kumain" binuksan niya ang dalawang juice at binigay sa dalawa niyang kapatid. Biglang nabuhayan si Star at Sun matapos makainom ng malamig na  juice.

" Kamusta ang pakiramdam mo Star?" Moon asked while turning his gaze on star face.

" Masakit ang ulo ko" Star answered na nakahawak sa ulo niya .Tumingin siya sa kakambal niya na kasalukuyang nakahawak sa tiyan niya.

" I'm fine but I'm hungry"nakangiwing sabi ni Sun agad  silang bumili  ng pagkain at sama samang kumain.

" Pwede bang malaman kung ano ang ginawa niyo kagabi?"curious na tanong ni Jasper sa tatlong magkapatid

" Hmmmm... naglaro kami ng tagu taguan kagabi" Star answered sabay hikab.

" Ayaw ko ng maglaro ng ganoon nakakapagod"   pag sang ayon ni Sun nagtinginan ang mga kasamahan nila.

" Don't get too surprise palagi naming ginagawa yun"sabi ni Moon para mawala ang pagdududa nila.

"Kaya pala mukha kayong mga zombie " singgit ni Nathan biglang napalingon si Moon sa labas ng canteen. Kumuha siya ng panyo at tinakpan ang ilong niya. He can smell something mula sa malayo.

" Moon okay ka lang ba?tanong ni jasper tumango si Moon at pinagpatuloy ang pagkain.

" Dito kayo kumakain every lunch time?" tanong ni Sun sabay subo ng pork chop.

My Sky  ( Book 1) Where stories live. Discover now