- vingt-quatrième -

Magsimula sa umpisa
                                    

"Nandito na tayo sa Laiya, papunta na tayo sa resort."

Napa-okay ako at tinignan na lang ang view. Ramdam ko 'yung malambot na dinadaanan namin gawa ng buhangin pati ang mga puno ng niyog sa magkabilang gilid ng daanan. Kita ko na rin ang shoreline pati ang dagat.

Matapos ang ilang minuto, nakarating na kami sa resort ng pamilya nina Paris at agad kaming sinalubong ng caretaker.

"Sir Kairi! Welcome back po sa inyo at sa inyo rin Ma'am welcome!" masayang bati sa amin nung lalakeng medyo may edad na.

"Kuya Leo, kamusta ho?" bati ni Paris sa kanya tapos nakipag-kamay dito.

"Mabuti naman ho, sir. Maayos rin po ang resort." sagot nung Mang Leo kay Paris.

"Good. Oo nga pala, Kuya Leo. Ito si Sasha, siya ang kasama ko dito sa bakasyon."

Nakipagkamay ako sa kanya at binati. "Hello po, Kuya Leo."

"Hi Maam." nakangiti siyang tumugon sa akin tapos luminga kay Paris. "Ang galing talaga ng taste niyo sa babae, Sir Kairi."

"Kayo talaga, Kuya Leo! Doon na nga kayo sa reception at ipadala niyo na ang mga gamit namin sa cabin." natatawang sabi ni Paris kay Kuya Leo.

Tumango naman ito tapos nagpatulong na ipasok ang mga gamit namin sa cabin. Pumasok kami sa isang malaki at malawak na villa.  Maganda at maaliwalas ang lugar, kahit sarado ang mga ventilation, ramdam naman ang malakas na hangin galing sa labas.

"Magkatabi lang ang cabin natin, Sasha. Tawagan mo na lang ako o ang reception 'pag may kailangan ka ha." sabi ni Paris sa akin nang mailagay na ang mga gamit namin sa respective cabins namin.

Tumango ako. "Thank you. Hanggang kailan pala tayo dito?"

"Two days and one night. Baka bukas dumating dito 'yung Ate ko."

Natigilan ako sa sinabi niya at biglang tumingin sa gawi niya. "A-Ate mo?"

"Oo. Bakit? May problema?"

"W-wala naman." ano ba 'yan, bakit bigla akong kinabahan?

Inakbayan niya ako tapos pumasok kami sa cabin na naka-assign sa akin. "Natatakot ka ba dun? Tss, mas bata pang umasal kesa sa akin 'yun e." tapos tumawa siya.

"Hindi naman sa natatakot ako sa Ate mo kaya lang kasi ngayon lang ako makakakilala ng family member mo e. Alam mo 'yung ganoong feeling..."

"Don't worry, she's nice. Medyo makulit lang 'yung Ate ko. By the way, magpahinga ka muna kung gusto mo. Alam kong hindi maayos ang tulog mo sa kotse. You have all the time in the world to rest huh."

"Okay, thank you. Ikaw? Saan ka? Magpapahinga ako saglit tapos magje-Jetski ako."

Wow, Jetski. I wonder how is he look like while riding his Jetski. Ugh, ano ba 'tong mga naiisip ko?

"S-sure." napailing ako ng bahagya sa naisip ko. Nagpaalam na si Paris sa akin tapos ako naman ay nag-ayos ng kama tapos nahiga.

Nakatitig lang ako sa kisame habang may painting doon ng sky at clouds tapos sa gitna ay may nakasulat na "imagine".  Hindi ko na namalayan na hinila na naman ako ng antok.

x - - - - - - - - - - x

Mag-a-alas dos na ng hapon nang magising ako. Napasarap kasi ang tulog ko dahil nakabukas ang bintana at nararamdaman ko 'yung malamig na hangin na parang naging AC or electric fan ko na din. Sumilip muna ako mula sa view ng bintana at nakita ko doon si Paris na nagje-Jetski nga. Medyo malayo 'yung distansya ng villa sa mismong beach pero alam kong siya 'yun base sa built ng katawan niya.

Your Boyfriend SucksTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon