Chapter TWENTY-FIVE

607 18 1
                                    

"So, Mommy are you already dating him? Why does he always visit us here in our house?" Napa-buntong hininga naman ako, ang kulit talaga ni Palmer. Ayaw akong tigilan.

At isa pa, napakakulit din ng Kaiden Villaramon na yun, laging pumupunta rito sa bahay namin kaya ako ang topic lagi ng mga chismosa sa bayan namin. Nilalandi ko raw si Mayor kahit sya talaga yung lapit ng lapit?!

"Anak, ikaw talaga ang binibisita ni Mayor. Natutuwa kasi sya sayo—"

"I don't believe you, Mommy! And you also said that lying is bad, so why are you lying to me, Mommy?" Nilapitan ko si Palmer at ginulo ang buhok nya.

"Kulit kulit mo talagang bata ka, halika nga sumama ka nalang sa akin mamalengke." Ngiting-ngiti naman ang batang makulit na sumama sa akin.

Paalis na kami nang bigla namang tumawag si Chynna. Akmang sasagutin ko ito nang maalala kong hindi man lang ako nakapagpaalam sa kanya nang umalis kami, hindi ko alam ang mga dapat kong sabihin sa kanya. Nahihiya tuloy ako.

"Mommy, it's Tita Chynna, why aren't you answering her calls?" Nagulat naman ako nang biglang kuhanin ni Palmer ang phone ko at sya na ang sumagot rito.

"Hello po, Tita. I miss you too po. How are you po?" Ang cute cute talaga ng anak ko, manang mana sa kin.

Saglit pa silang nag-usap hanggang sa iabot sa akin ni Palmer ang cellphone ko.

"Pearl, ayos lang ba kayo?"

"Oo naman, kasama naman namin dito ni Palmer si Mama at Presley eh."

"Eh kayo ni Luhan? Wala na ba talagang chance, Pearl?"

"Hindi ko alam, magulo pa rin ang isip ko. Masama pa rin ang loob ko sa kanya, kahit nga ngayon na narinig ko lang ang pangalan nya, ang bigat sa loob ko."

"I'm sorry, Pearl kung hindi ko nasabi na. . ." Bigla naman akong nakaramdam ng kaba sa biglang pagtigil ni Chynna sa pagsasalita.

"Na ano?" Tanong ko pa muli ngunit wala na akong narinig pang kasunod dahil biglang naputol ang tawag.

Sinubukan ko syang tawagan pero hindi na sya ma-reach pa. Hindi na tuloy ako mapakali pa. Ano kayang nangyari at bakit kung kailan may sasabihin syang importante ay saka pa naputol ang tawag?! Nag-alala naman tuloy ako bigla sa kanya, sana ay walang masamang nangyari kay Chynna.

"Mommy, are you okay?" Muntikan ko nang makalimutang kasama ko nga pala si Palmer.

"Syempre naman, baby. Ayos lang si Mommy, halika na at wala na tayong aabutan sa palengke."

***

"Tito Kai!" Tuwang-tuwa naman si Palmer nang muling bumisita sa amin si Kaiden este si Mayor.

"Is that for Mommy?" Turo ni Palmer sa bouquet na dala ni Kaiden.

"Yes, and this one is for you." Binigyan na naman nya ng laruan si Palmer at ayun nga kaya botong boto na sa kanya ang anak ko dahil sa pag-i-i-spoil nya rito.

Habang nilalaro ni Palmer ang bago nyang kotse-kotsehan ay nilapitan naman ako ni Kaiden.

"Bakit ba nandito ka na naman?" Bungad ko sa kanya.

"Nami-miss ko kasi kayo." Nakangiting sagot nito sa akin. Napa-buntong hininga naman ako dahil talagang naiirita na ako sa pagbisita nya rito palagi.

"Pwes, ako ayaw kong nakikita ang pagmumukha mo. Nagiging usapan na kasi ng tao ang pagpunta mo rito—"

"Ituro mo kung sino yang mga yan, I'll sue them." Natampal ko nalang ang noo ko. 

Kaya siguro lalong kumukulit ang anak ko dahil nahahawa sya sa taong to.

Choosing Between The Two Billionaires Where stories live. Discover now