Chapter TWENTY-ONE

652 21 0
                                    

Ang saya talagang kumain kapag buo kayo. Araw-araw sinusubukan ni Luhan na umuwi sa oras ng hapunan para makasabay namin sya ni Palmer.

"Mommy, say ahh." Ang kulit talaga nito ni Daddy! Este ni Luhan. Yun kasi ang tawagan namin. At ngayon ay sinusubuan nya pa ako sa harap mismo ni Palmer.

Napilitan nalang akong ngumanga kahut nakatingin sa amin si baby.

"Daddy, why do you sinusubuan pa si Mommy? Then, when its me, you're saying that I'm already a big boy now!" Parehas naman kaming natawa ni Luhan.

Luhan smiled at our son as he explain.

"Palmer, nilalambing ko lang ang Mommy mo. You'll understand it soon when you already have your girlfriend." Eto naman si Luhan, binanggit agad ang girlfriend thingy na yan eh seven years old palang si Palmer. Saka baby ko pa yan eh, ayaw ko pa syang magka-girlfriend.

"But Daddy, what if I don't want to have a girlfriend in the future? Cause I only wanted to focus about studies and business. I want to be a successful businessman like you, Daddy!" Napangiti naman ako. Alam na yata ni Palmer ang gusto nya paglaki pero hindi naman pwedeng single na lang sya forever syempre.

"Girlfriend isn't a requirement but I know you'll be successful someday too, Son and not only that, you will also met someone that you'll love.. Just like me, Palmer. I never expect your mother that she'll ever come to my life and that she'll be mine also." Pakiramdam ko tuloy ay nagblush ako sa mga sinabi nya. Wala namang reaksyon si Palmer at mukhang hindi naman sya interesado sa lovelife.

"Uhm, that's corny. I am now happy with you, Mommy and Daddy. I don't need to find a girl who will love me. I am contented to have you both." Buti naman. Natuwa naman kami ni Luhan kay Palmer. Naks naman! May tinatago talagang ganitong side 'tong si Palmer

"Na-touch naman kami ni Daddy mo. Pero nak, hindi yun corny, okay? Ganun lang talaga ang love." Dagdag na paliwanag ko pa. Pero muli lang syang umiling.

"Still corny, Mommy."

"Naku Palmer, bakit parang ang bitter mo ha! May crush ka ba sa school at hindi ka crush ng crush mo?" Kumunot ang noo nito at agad na pumunta kay Luhan.

"Daddy, Mommy's teasing me again! No, she's always doing that!" Tinawanan ko nalang sya. Talagang nagsumbong pa sa Daddy nya.

"But Palmer, do you really have a crush on school now?" Tanong naman ni Luhan na lalong ikinainis ni Palmer. Hay, bakit ba lumaking pikunin ang batang 'to? Haha!

"I don't have one, Daddy! It isn't true! And also my girl classmates in school are all ugly for me, so there's no way I'll have a crush on one of them!" Nagkatinginan nalang kami ni Luhan habang nag-walk out na naman ang anak namin matapos nitong kumain.

Nagkatawanan nalang kami at naging topic namin iyong pagka-harsh ni Palmer. Sabihin ba naman nyang pangit daw lahat ng kaklase nyang babae?! Naku, naku, babawiin din ni Palmer yun oras na magkagusto sya sa isang babae.

Saan ba nagmana yung si Palmer? Habang lumalaki, sumusungit talaga sya! Kung anong bait ni Luhan, ay syang sungit ng anak namin. Parang kabaligtaran sya ng Daddy nya.

KINABUKASAN ay naiwan na naman akong mag-isa sa bahay. Nasa school si Palmer at nasa work naman si Luhan. Sya na ang naghahatid kay Palmer bago sya pumasok sa trabaho.

And as usual, wala na naman akong ginagawa rito sa bahay kaya nakakatamad. Gusto ko ring magkaroon ng sariling trabaho. Kaya lang ayaw ni Luhan. Pero naisip ko lang, huwag ko nalang sabihin sa kanyang mag-a-apply ako tapos kapag may trabaho na ako saka ko sasabihin sa kanya! At sa sitwasyong yun, hindi nya na ako mapipigilan pa dahil nga may work na ako! Yey!

Choosing Between The Two Billionaires Where stories live. Discover now