Chapter EIGHTEEN

647 20 0
                                    

Ngayong araw ay wala ang tatay ni Zayn maging ang malditang Arielle sa ospital. Solo ko ngayon si Zayn. Um-absent din muna ako para matutukan sya. Malay ko ba kung ngayon sya gigising. Sana talaga ay ngayon na ang araw na yun.

Hindi ko namalayang nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako dahil may humahaplos sa buhok ko. Bumilis tuloy ang tibok ng puso ko. Agad naman akong tumingala sa taong iyon.

"Zayn? G-gising ka na!" Walang pasabi ko syang niyakap ng mahigpit sa sobrang saya ko. Tama talaga ako, ito na ang araw na magigising sya!

"Ayos ka lang ba? Bakit hindi ka nagsasalita? Tatawag na ba ako ng doktor?" Sunud-sunod na tanong ko pa sa kanya. Kinakabahan kasi ako sa kanya eh. Baka mamaya nagka-amnesia pala sya. Tapos hindi nya ako naalala, paano na kami? Huhu.

"I'm just really happy to see you again, Pearl. A-akala ko hindi na kita makikita ulit kasi muntikan na akong mamatay." Naiiyak tuloy ako. Hindi. Hindi sya mamatay. Bubuo pa kami ng pamilya eh. Lalo na at buntis pa ako ngayon. Hindi ko nga alam kung paano ko iyon sasabihin sa kanya.

"Are you okay? I think you're the one who needs a doc--" agad naman akong umiling.

"Hindi. Sobrang saya ko lang kasi talaga na gumising ka na ngayon. Halos magta-tatlong linggo ka na kasing tulog eh." Ngumiti lang sya. At makita ko lang ang ngiti nya ay gumagaan na ang loob ko. Pero paano kung iyon na ang huling beses na masilayan ko ang ngiti nya dahil kailangan ko na syang iwan? Ayoko.

"I really love you, Pearl. Ikaw ang dahilan kung bakit gumising pa ako. Ikaw ang dahilan kung bakit lumaban ako." Naiiyak na tuloy ako ngayon. Hindi ko na mapigilan.

"Hey, what's wrong? Why are you cryin--"

"Wala to. Tears of joy huhu. Magpagaling ka agad ha." Sabi ko pa sa kanya. Tumango naman sya habang nakangiti na parang bata.

"Yes, I will. I miss you so much. I also miss your kiss.." Nakatingin na naman sya sa labi ko. Hay naku, talaga tong lalaki na to. Masyadong adik sa labi ko ha. Ayoko syang maging spoiled pero kasi gusto ko rin. Sana hindi ito ang huling beses na hahalikan nya ako.

"May I?" Tanong nya pa. Natawa tuloy ako.

"Bakit nagpapaalam ka pa?" Pati rin tuloy sya ay natawa rin.

Hinalikan nya ako ng buong puso. Pakiramdam ko tuloy ay nalulunod ako. Nalulunod ako sa pagmamahal na ipinapadama nya sa akin. Agad nya itong pinalalim saka ginalugad ng dila nya ang loob ng bibig ko.

Hindi ko alam pero parang wala na ako sa wisyo, tanging pagtugon nalang sa ginagawa nya sa akin ang nasa isipan ko.

Napamulat nalang ako ng tumigil sya. Gusto ko sanang ipatuloy sa kanya ang ginagawa nya pero saka ko lang naalala na nasa ospital pa pala kami.

Pero nagulat naman ako ng makita kung bakit sya tumigil.

"Zayn, anong ginagawa mo?" Inaalis nya kasi ang mga nakakabit sa katawan nya.

"Its fine. Magaling na ako."

"Zayn naman, baka kung anong mangyari sayo."

"I will talk to my doctor now if you want." Hay, mukhang hindi ko na talaga sya mapapakiusapan pang magpahinga nalang. Gusto nya na yata talagang lumabas ng ospital.

Nakapagpalit na rin sya ng damit agad at ready to go na talaga syang umalis. Tinawag ko ang doktor at kinausap nito si Zayn.

"I'm fine now so can you please let me go? Just don't tell my father that I'm already discharged." Sabi ni Zayn sa doktor.

"But Mr. Javier you still need to rest based on your--" walang nagawa ang doktor ng takutin sya ni Zayn.

"I can burn this hospital right now, just so you know if you'll not let me." Maging ako ay natakot din sa sinabi nya. Pero talagang maparaan lang sya. Ayoko syang kunsintihin pero kahit ako hindi ko makayanan ang kulit nya.

Choosing Between The Two Billionaires Where stories live. Discover now