Chapter TWENTY-THREE

625 23 0
                                    

Pagkarating na pagkarating namin ay agad akong dumaan sa mga diagnostic tests. Nakita ko ang pag-aalala nya sa akin pero para rin naman sa akin to.

Nang matapos maisagawa iyon sa akin ay pinagpahinga muna ako habang kausap naming dalawa ang doktora.

"Miss, may I ask some questions while we are waiting for the results?" Tumango tango naman ako.

"Kailan mo pa napansin na may mga bagay kang hindi maalala?" Napaisip ako pero sasabihin ko ang totoo ngayon ko lang talaga nalaman.

"K-kanina lang po."

"Nagka-head injury ka na ba dati or dumaan ka na sa isang surgery?" Umiling naman ako.

"How about sa family mo, may history ba kayo ng neurological diseases?" Umiling din ako. Wala naman sa pamilya namin ang nagkaroon ng ganito. Kasi si Papa naman, sa puso ang ininda nya noon.

"Thank you, Miss. Babalikan ko nalang kayo kapag nalaman na namin ang mga resulta sa tests." Umalis na si Doc pero ramdam ko pa rin ang kaba sa dibdib ko dahil baka mamaya kung ano iyong resulta.

Agad naman akong napadasal.

Lord, tulungan nyo po ako. Sana wala po akong malubhang sakit. May pamilya pa po ako at ang baby pa ng anak ko. Hindi ko sila kayang iwanan. Pangako ko rin po na aalagaan ko na ang sarili ko, wag nyo lang po akong bigyan ng sakit, please.

Kahit na hindi nagsasalita sa tabi ko si Zayn ay komportable ako sa katahimikan naming dalawa. Mabuti nalang at sinamahan nya ako dahil baka hindi ko kayaning mag-isa ito. Sa tingin ko ay hindi ko rin kakayaning si Luhan ang kasama ko rito ngayon dahil ayoko na mag-alala sya sa akin. Ayokong malungkot sya sa oras na malaman nya ang nangyayari sa akin. Lalo na si Palmer. Hindi rin to pwedeng makarating kina Mama at Presley.

Kaya naman kailangan kong maging matatag para sa kanila.

Naramdaman ako ang paghawak nya sa kamay ko. Ngumiti sya sa akin at hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng biglang paglambot ng puso ko sa kanya.

"I know that you are a tough woman, Pearl." Nginitian ko lang sya pabalik. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa mga oras na to.

Lumipas ang tatlong oras at hindi ko namalayang nakatulog pala ako. Nagising lang ako nang bumukas ang pinto ng kwarto ko.

Kasama ni Zayn ang doktor kanina at may dala itong envelope. Mukhang ayun na ang resulta.

"Based on the results, wala kang sakit." Gusto ko nang mapangiti ngunit alam kong may kasunod pang sasabihin ang doktor.

"But you are currently experiencing the side effects of the Electroconvulsive therapy you undergoed. The side effects includes nausea, headache, fatigue, confusion, amnesia and slight memory loss." Parehas na kumunot ang noo namin ni Zayn sa mga narinig namin.

"Ano pong electro-- ano yun? Wala naman po akong naalalang may in-undergo ako na ganun."  Sabi ko pa.

"Yes, it's possible na hindi mo na sya maalala." Pero bakit ako nagtake ng ganun? Totoo ba talaga tong mga naririnig ko ngayon? Alam kaya to nina Luhan?

"Why did she undergoed a therapy like that? That treatment is for what?" Naguguluhang tanong naman ni Zayn kay Doc. Maging ako rin nagtataka, para saan ba yun?

"ECT treats mental health conditions like depression, mania and psychosis." Sagot naman ni Doc. Ako naman ang sunod na nagtanong sa kanya.

"Doc, ibig sabihin po ba nun posible na dumanas ako ng isa sa mga yan kaya dumaan ako sa ECT?" Isang tango ang isinagot nya sa amin.

Nang malaman namin iyon ay hindi parin napo-proseso ng utak ko iyon lahat.

Bigla namang nagsalita si Zayn.

Choosing Between The Two Billionaires Where stories live. Discover now