Chapter NINETEEN

653 22 3
                                    

A/N: Please kindly correct me if may mga napansin kayong mali ko sa terms na mga ginamit ko. Thanks! Happy Reading! (. ❛ ᴗ ❛.)

___________
Chynna Rosales' POV (Pearl' s friend)

"S-sir Luhan, sinubukan ko na po syang kausapin pero hindi talaga sya nagsasalita eh. Puro lang sya iyak, ayaw nyang tumigil. Nag-aalala na po ako sa kanya baka makasama iyon sa baby nya." Nakita ko naman ang pagkagulat sa mukha nya.

"W-what did you just say?"

"Buntis po sya--" napapikit naman si Sir Luhan at mukhang hindi na rin nya alam ang gagawin.

Kahit hindi sabihin sa akin ni Pearl ay alam kong ang problema nya ay tungkol kay Sir Zayn. Hinahanap sya ngayon ni Sir Zayn na parang mababaliw na rin kakahanap sa kanya. Ano ba kasing nangyari sa kanilang dalawa at nagha-hide and seek sila.

Ako lang ang sinabihan ni Sir Luhan kung nasaan sila ngayon ni Pearl. At kabadong-kabado naman ako noong ipatawag ako ni Sir Zayn at tanungin nya ako kung may alam ba raw ako kung nasaan si Pearl.

Nilaksan ko nalang ang loob ko at sinabing wala akong alam. Halos magwala na sya sa opisina nya noon. Naawa rin ako sa kanya pero ayokong makialam sa problema nila at bukod doon ay nirerespeto ko ang desisyon ng kaibigan ko.

Alam kong may dahilan sya sa biglaang paglayo at pagtatago nya kay Sir Zayn. Kilala ko si Pearl, alam kong mahal nya na si Sir Zayn kaya hindi nya ito basta basta iiwanan ng walang dahilan.

Sa tingin ko rin ay mabuti na lamang na nandito si Sir Luhan para sa kanya. Alam ko naman kung bakit ginagawa ni Sir Luhan sa kanya 'to eh, halata ko na yun. Mahal sya ni Sir Luhan. Kaya nga lang ay huli na sya. Kung dati pa sana nya minahal si Pearl edi sana sila ngayon.

"I think I know someone who can help her." May tinawagan naman si Sir Luhan.


"SURE KAYO rito, Sir?" Hindi ko naman kasi akalain na espesyalista pala ang ipinatawag nya. Pero kasi maging ako natatakot na rin na baka dumaranas ng depression si Pearl.

Iniwanan namin ni Sir Luhan si Pearl kasama iyong psychiatrist.

"Sana maging ayos na sya." Yun nalang ang itinatak ko sa isip ko. Nanood naman kami sa labas ng kwarto ni Sir Luhan.

Parehas kaming nagulat nang marinig na naming magsalita muli si Pearl habang kausap nya ang doktora.

***

"She'll need to undergo some sessions. She's suffering from depression. Kailangan nyo syang bantayang maigi dahil may mga bagay na hindi natin alam na maaari nyang gawin." Iyon amg sinabi ni doktora. Nalungkot ako para sa kaibigan ko. Hindi maganda iyon lalo na't nagdadalang tao sya. Baka mapaano ang baby nya at maging sya ay mapahamak.

"Chynna, ikaw na muna ang bahala kay Pearl. Please take care of her." Sa akin na muna iniwan ni Sir Luhan si Pearl dahil may mga kailangan daw syang ayusin sa Maynila. And as usual negosyo yun. Hindi rin naman kasi nya pwedeng pabayaan yun dahil kakabangon palang nito. Saka bakit naman kasi nagka-Vice President pa si Sir Luhan nang hindi maasahan? Tsk! Wala talagang naitutulong yung Sir Edward na yun eh! Puro nalang babae nasa isip!

Kada linggo namang bumibisita rito si Sir Luhan at habang tumatagal din ay bumubuti na rin ang kondisyon ni Pearl.

Nakikita ko ring masaya sya sa tuwing narito si Sir Luhan, hindi kaya bumabalik ang pagtingin nya rito?

Hay, oo na ako na talaga ang taong napakama-issue! Inaamin ko. Oo na!

"Pearl, may ipapangalan ka na sa baby mo?" Naisipan ko lang itanong. Tutal ay six months na syang buntis. Oh my god! Three months nalang magiging Tita na ako! Mas excited pa ako eh!

Choosing Between The Two Billionaires Where stories live. Discover now