PROLOGUE

3.9K 66 3
                                    

Una ko syang nakita noon sa isang billboard, maging sa isang magazine, nakita ko na rin syang cover nito.

Aaminin kong gwapong gwapo talaga ako sa kanya. Hindi sya artista pero isa syang businessman.

Nang dalhin ako ng kaibigan kong si Chynna sa Maynila para magtrabaho sa isang kumpanya, nagulat ako ng makita ang crush ko.

Hindi ko inasahang magiging boss ko sya. Mula sa pagiging secretary hanggang sa maging executive assistant nya ako.

Pero habang tumatagal ramdam kong nahuhulog na ako sa kanya. Hindi lang kasi panlabas na anyo nya ang nakaka-inlove, pati ugali nya, ideal na ideal man.

Kaya lang, taken na pala si Sir. Pero heto ako, umaasa parin.

Kasi nga ang sabi, "nothing is impossible." Malay ko ba kung hindi naman sila nakatadhana sa isa't isa, hindi ba?

Hindi ko hinihiling na maghiwalay sila pero parang ganun na rin.

Bakit naman kasi napaka-loyal ni Sir sa fiancee nya? Hindi ba pwedeng mahulog sya sa kin tutal nasa malayo naman iyong girlfriend nya? Charot.

Ayoko ngang maging kabit. Masama yun.

May pag-asa pa kaya ako? O hindi lang talaga kami tinadhana ni Sir? Pero kung hindi kami tinadhana, may iba pa bang dadating para sakin?

Yung kaya sanang suklian ang pagmamahal ko at higit sa lahat, hindi sana taken.

Lord, tuparin nyo naman sana 'tong hiling ko oh. Please... kahit ano pa mang kapalit nyan, maranasan ko lang na mahalin.

---

Choosing Between The Two Billionaires Where stories live. Discover now