Chapter TWENTY-TWO

611 19 0
                                    

Gusto ko syang itulak palayo dahil sa ginagawa nyang paghalik sa akin pero bakit hindi ko magawa? Unti-unti akong nadadala sa ginagawa nya hanggang sa mapapikit na ang mga mata ko.

Bakit parang naramdaman ko na rin ito dati pa... Dama ko ang pagmamahal nya, pangungulila at kasabikan. Hindi ko matukoy ang nararamdaman ko sa oras na to.

Ang alam ko lang ay parang may kabayong tumatakbo sa puso ko sa bilis nito. Ngayon ko lang ito muling naramdaman.

Hindi pa ako nahalikan ng ganito dati ni Luhan.

Napamulat ako ng maalala si Luhan. Sya ang mahal ko at mahal na mahal nya ako. May anak kami at isang pamilya kami. Hindi pwede to! H-hindi ako taksil.

Buong lakas ko syang tinulak at sinampal.

"Bakit mo ginawa yun?!" Gulong-gulo na ako sa nararamdaman ko. Hindi naman sya makatingin sa akin.

"I-i'm sorry.." mahina nyang sabi. Walang magagawa ang sorry nya dahil nagawa nya na.

"May fiancee at anak na ko. B-bakit mo ba ginawa yun?" Pinigilan kong umiyak pero kusang tumulo ang mga luha ko.

"I'm sorry I forgot.. please don't cry." Paano ko mapipigilang umiyak? Nakagawa ako ng kasalanan kay Luhan. Mahal na mahal pa naman nya ako. Siguradong pag nalaman nya ang nangyari ay masasaktan sya at hindi ko alam kung kakayanin ko yun.

Lumapit sya sa akin at tinangka nya pang punasan ang mga luha ko pero hindi ko sya hinayaan.

"W-wag mo kong hawakan."

"Pearl, wala ka na ba talagang nararamdaman para sa 'kin?" Ang lakas talaga ng loob nyang itanong parin yan kahit na may ginawa sya. Saka bakit naman ako magkakaroon ng feelings sa kanya?

"B-bakit naman ako magkakagusto sayo? Si Luhan lang ang mahal ko." Natahimik sya at hindi ko naman alam kung ano ang iniisip nya.

"Didn't you love me in the past? Did you just played with my feelings seven years ago?" Hindi ako sumagot. Hindi ko naman alam ang sagot sa tanong nya. Hindi naman naging kami noon at hinding hindi magiging kami.

"Aalis na ako. Ayoko na palang magtrabaho rito." Tumayo na ako pero hinigit nya pa ang kamay ko kaya naman muli akong napaupo sa tabi nya.

"No, you're not leaving." Parang nagmamakaawa ang mga mata nya at nakaramdam ako ng lungkot sa puso ko sa hindi malamang dahilan.

"You're still not married, right?" Kumunot ang noo ko sa tanong nya. At ano naman kung hindi pa ako kasal?

"You will love me again. If you already forgot me, I'll help you remember all the things we had in the past and how much you love me too. Even if you had a son with him, I will accept him and love him too like he's my own." Muling kumunot ang noo ko sa sinabi nya. Hindi nya na kailangang gawin yun. May sarili na nga akong pamilya at higit sa lahat ay masaya na ako at kami.

"Tigilan mo na yan, please lang. Masaya na ako sa kanila, masaya na kami--"

"B-but how about me? I love you, Pearl and I know that you still love me too so please give me a chance..." Anong mahal nya ako? No. Hindi. Kakakilala lang naming dalawa. Imposibleng maramdaman nya agad ang bagay na yun sa akin.

Biglang may mga pamilyar na boses akong narinig sa isip ko kasabay nito ang hilong naramdaman ko.

"If you love me, then are you willing to fight for your love for me?"

"I love you."

"You're not planning to leave me again, right?"

"H-hindi."

Choosing Between The Two Billionaires Where stories live. Discover now