Chapter 09

14.4K 498 88
                                    

Chapter 09

“Shall we close the deal then?” kalmadong tanong ni Damien habang ako ay nakaupo sa kanyang tabi.

The meeting has been going on for about 10 minutes? I don't know. Mainit ang ulo ni Damien at hindi ko alam kung bakit. Dapat nga ako ang nagdadabog ngayon dahil sa sinabi niya sa ‘kin sa saksayan kanina. Damn him. Kapag naaalala ko ‘yun ay nahihiya ako.

Mr. Rodulfo chuckled. “What's so rush, Mr. Lancaster? Hindi pa dumadating ang ating pagkain.” Bumaling sa akin si Mr. Rodulfo. “I'm still enjoying Miss Dane's company.”

Tipid akong ngumiti. “I'm glad—”

“We still have lots of important meetings to attend,” masungit na pagpuputol sa 'kin ni Damien.

Napairap ako. Siguro ugali na niya talaga ang pagpuputol sa tao kapag nagsasalita. Makes me wonder how this rudeness of his didn't affect his business and also his investors. Ang kapal ng mukhang magsungit, porket siya ang nag-i-invest.

In the end, before the meal could even arrive, they closed the deal. Napasimangot ako nang tumayo na si Damien at nakahandang umalis. I politely bade my goodbye to Mr. Rodulfo as we left the luxury restaurant...hungry. Gutom ako pero parang walang pakialam itong kasama ko. Kung ganito siya palagi, then I feel pity to Mrs. Josephine Chua. Laging nalilipasan ng gutom.

“Stop making face, little girl.” Tinaasan ako nito ng kilay.

Umirap ako sa kanya bago pumasok sa loob. Sumunod naman siya sa akin. “I'm very hungry, Damien. At least we waited for the food, right?”

Hindi ito sumagot. The driver maneuvered the car kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang lihim na magdabog at tumingin sa labas ng bintana. Kumakalam na ang sikmura ko. Wala pa akong matinong umagahan.

Ngunit nawala ang pagdadabog ko nang mapansin kong niliko ng driver ang sasakyan sa isang five star hotel. Nilingon ko si Damien ngunit busy ito sa pagbabasa ng mga papeles. Napaka-workaholic talaga ng lalaking 'to.

The moment the car pulled in front of the hotel's entrance, Damien closed the folder he was busy scanning and stepped out of the car. Ngumuso ako at bumaba na rin ng sasakyan dala ang aking laptop, notepad, at purse na may lamang calling cards in Damien. Mabilis ang mga hakbang kong sinundan siya. Sa tangkad niyang 'yan. His single step is twice for me.

Pagpasok namin sa loob ay sinalubong kami ng isang dilag. Napaangat ang kilay ko nang mapansin ang pasimple nitong pag-aayos sa kanyang damit upang ipangalandakan ang litaw niyang dibdib. The nerve of this girl to flaunt her cleavage.

“This way, Mr. Lancaster.” She smiled sweetly.

Napairap ako at sumunod na kay Damien. Masakit na ang binti ko kakalakad dahil sa suot kong takong ngunit hindi ko ito pinahalata. I'm Micah Dane. Sino ba 'yang putanginang heels na 'yan.

Pagdating namin sa loob ng restaurant ay naupo kami sa mesang nasa tabi ng glass wall. Hindi ko na hinintay ang paanyaya ni Damien. Umupo ako sa kaharap niyang upuan at kinuha ang menu na nakahanda sa mesa. I saw how the girl raised her brows and I did the same.

“Micah,” he called.

I turned to him and smiled sweetly. “Yes, Damien?”

“Observe proper manners,” mariing ani nito.

Tinaasan ko siya ng kilay at nawala ang ngiti sa 'king labi. “Really? After getting me hungry?”

He clenched his jaw and I rolled my eyes again. Nag-order na ako sa waiter na lumapit at matamis itong ngitian. I can feel Damien's stare but the hell I care. Naiirita ako sa kanya. Baka 'di ako tumagal ng ilang araw sa poder niya.

AOT : Caught In The FireTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon