Chapter 02

16.9K 531 40
                                    

Chapter 02

“Maupo muna tayo?” Mom let out an awkward chuckle. 

Saglit lamang kaming nagkamayan dahil tila ba'y ayaw niya akong hawakan. Umupo kaagad ito sa kaniyang upuan habang ako ay dumiretso sa 'king kinauupuan. Hindi ko tuloy maiwasang punahin kung gaano siya kakisig at mahahalata sa mukha nitong may pagka-strikto.

Pasimple kong kinagat ang aking ibabang labi nang makaramdam ako ng pagkahilo. Inihain na rin ang mga pagkaing mamahalin. Mayaman naman kami pero 'di ko maiwasang mapangiwi sa mga hitsura ng mga pagkaing nakalatag sa mesa. It's pretty obvious they're all expensive.

“How was your meeting?” pagbukas ni Mommy ng usapan. 

Tumuwid ako sa pag-upo nang may maglapag ng pinggan sa 'king harapan. Pasimple akong sumulyap sa fiancé si Mommy na busy sa pagtitipa ng kaniyang telepono.

The night goes on. Hindi halos magsalita ang fiancé ni Mommy. She's the one who always initiates the conversation. Sumasagot lamang ito kapag tinatanong. Pakiramdam ko tuloy napipilitan lang siyang makipagkita.

Nang matapos kaming mag-dinner at napagdesisyunan nilang umuwi, nagdiwang ang buo kong sistema sa narinig. Parang nawala ang pagkalasing ko dahil sa excitement na sumipot sa meeting place namin ni Austin. 

At heto na naman kami ni Mommy. Magtatalo na naman kaming dalawa. 

“Please, Micah. Behave.” Pinandidilatan ako ng mga mata ni Mommy.

I pouted. Mas nauuna kami ni Mommy sa paglalakad marahil ay may kausap pa si…sino nga ba ulit 'yun? Daniel? Damon? Malapit-lapit lang sa Damon, e. Ah basta!

“Mommy, naman. I've behaving po. At isa pa, hindi ako pwedeng matulog sa house ng fiancé mo kasi wala roon ang mga damit ko. I also have my car—”

“Still a no.” Nilahad nito ang kaniyang kamay sa 'king harapan at sinabing, “give me your car keys. Si Damien na bahala sa sasakyan mo. You're riding with us.” 

Napairap ako rito at umiling. “Mommy…”

“What's the matter?” 

Umiwas ako ng tingin sa biglang pagsulpot ng fiancé ni Mommy sa 'king likuran. Huminga ako nang malalim at nalanghap ang mabango niyang amoy. Buti na lang matibay kapit ng garter ng panty ko.

“Micah doesn't want to sleep in your house becasuse she has no sleeping wear in your place. She also brought her car,” wika ni Mommy na parang nagsusumbong. 

My forehead creased. I don't like it. Hindi ko rin gusto ang fiancé ni Mommy. I don't like it when she's acting as if this guy named…ugh, ano nga ulit pangalan niya? Damon? Yeah, maybe I should start calling him IDK. I don't know. 

“Mommy, I told you I'm fine. We have maids in our house na makakasama ko whole night. At isa pa, I can handle myself. Hindi ako komportableng matulog sa ibang bahay.” At mas lalong hindi ako komportable sa tuwing umaakto kang siya si Papa. Balak kong dugtungan. 

“Go ahead. Let me handle her,” he said in a very manly and deep voice.

Sa pag-aakalang ako ay kaagad akong humakbang ngunit bigla akong hinawakan ni Mommy sa braso. Bumaling ako sa kaniya at kita ko at pasimple nitong pagngiti sa 'kin. 

“Mauuna na ako sasakyan,” she said and whispered, “makinig ka sa kaniya, Micah.” 

Bagsak ang mga balikat kong pinanood si Mommy na umalis kasama ang guard ng lalaking kasama ko ngayon. 

“Face me, Young lady.” 

I clenched my jaw as I tightened the grip of my purse. Tumuwid ako ng tayo at humarap sa kaniya, bahagya pa akong nahilo ngunit hindi ko ito pinahalata. 

AOT : Caught In The FireKde žijí příběhy. Začni objevovat