Chapter 07

14.2K 455 29
                                    

Chapter 07

“Miss Micah, hindi ka po ba sasama? Aalis na po kami.” Patuloy na kumakatok ang Mayordoma ng aming tahanan sa 'kin pintuan. 

Hindi ako sumagot. Patuloy lamang akong humihikbi habang nasa sulok ng aking silid. It's been five days since the doctor said we lost her…since she died. Hanggang ngayon ay hindi ko matanggap. Hindi ko siya kayang tignan sa kabaong, ni hindi ko kayang makita ang kabaong na pinagsidlan niya. I can't. I feel like I'm being shattered. 

Niyakap ko ang aking mga tuhod at mas lalong umiyak. Ngayon ang libing ni Mommy. Hindi ko kayang magpakita. Ayokong makita siya sa huling hantungan. Hindi ako naniniwalang patay siya. She can't be dead. Masigla naman si Mommy. Bakit biglang naging ganoon? 

Masyado ba akong naging makasarili para hindi mapansin ang kanyang karamdaman? Am I too self-centered not to notice everything? 

Just like how I blamed myself about my father's death, sising-sisi ako sa 'king sarili. Hindi ko man lang napansin ang lahat. Hindi ko man lang namalayang may iba na pala siyang nararamdaman. Dumagdag pa ako sa sakit niya sa ulo.

Masakit ang dibdib ko at namumugto ang aking mga mata. I didn't entertain anyone at the moment. Kahit si Austin na nagmakaawang makipag-usap sa akin ay hindi ko magawa. I need time for myself. Gusto ko munang mapag-isa. Kahit ang mga maid na naghahatid sa 'kin ng pagkain ay hindi ko pinapasok. Wala akong ganang kumain. Parang gusto ko na lang sumunod kay Mommy at Daddy. 

Hindi na muling kumatok ang Mayordoma, so I guess they already left. Tahimik na rin ang paligid. Mas gusto ko ito. Walang distorbo. Tumayo ako at sumilip sa bintana upang tignan kung nakaalis na ba ang lahat. 

I immediately headed out of my room and went to my mother's room. Pagkabukas ko ng pinto ay nalanghap ko kaagad ang paborito niyang pabango. Napahagugol ako at pumasok saka sinara ang pinto. Dumiretso ako sa kama at niyakap ang kanyang unan. 

The pillow still smell like mom. Mas lalo akong naiyak. 

Malamig ang silid kahit nakapatay ang aircon. Ngunit sa halip na matakot ay mas lalo lang akong naluha sa pangungulila. Hindi pa nga ako lubusang naghilom sa pagkamatay ni Daddy, si Mommy na naman ang sumunod.

Humiga ako sa kama at mas umiyak. Niyakap ko nang mahigpit ang unan at pinikit ang aking mga mata. Sa ganoong paraan ako nilamon ng kadiliman. Sa pag-iisip na nasa tabi ko si Mommy. 

Nagising ako nang saktong alas sais ng gabi. Madilim ang silid at tanging liwanag ng buwan na lang mula sa nakabukas na bintana ang nagbibigay ilaw sa paligid. Hindi ako bumangon. Nanatili ako sa pagkakahiga habang patuloy ang pagdaloy ng aking mga luha. 

“Mommy, bakit ganun?” I asked while sobbing. “Bakit niyo po ako iniwan kaagad? Mommy, paano na ako? S-sinong maglalakad sa 'kin sa altar sa oras na ikakasal na ako? Sinong dadalo sa graduation ko?” 

Ang pagsisisi ay laging nasa huli. I regret everything I did. Ang pagpapasakit ko sa kanyang ulo. Ang pagiging pasaway ko. Ang pagiging makasarili ko. Selfish to the point I didn't realize what's happening around me. Na hindi lang ako ang nagluksa sa pagkamatay ni Daddy. Nabulag ako sa pag-aakalang ako ang mas nasasaktan. I chose to party instead of comforting my Mom who was badly hurt after my father died. 

I'm too selfish and I blamed myself for everything that happened in my life.

“You won't get married unless I say so.” 

AOT : Caught In The FireWhere stories live. Discover now