Chapter 06

14K 467 44
                                    

Chapter 06

Nagpupuyos ako sa galit dahil sa aking nakita. Tuluyan ko nang nakalimutang naiihi nga pala ako. Namayani ang galit sa aking katawan habang pinagmamasdan siyang nakatingala at pinapaligaya ng isang p-kpok. Nangangati akong sipain ang pinto pabukas at sakalin siya. 

And when I was about to do that, my phone rang. Kinuyom ko ang aking palad at kinuha ang phone sa akin bulsa. Tinatamaan pa rin ako ng alak kaya hindi ko masyadong mabasa ang pangalan ng tumatawag. I just answered the call as I turned my back from the door he was in. 

The longer I'll stay there, the more I want to choke him. Kaya't mas pinili kong tumalikod at umalis doon, totally forgetting I badly need to freaking pee. I swear makakarating ito kay Mommy. I can't just let this two timer peace of shit broke my mother's heart. Ang kapal ng mukha niyang ibahay si Mommy samantalang ang dami niyang krimen dito sa labas.

“Hello?” pasindak kong anas sa tumawag.

M-Miss Micah? Si Miss Micah po ba ito?” Her voice trembled. 

Dala ng kalasingan ay hindi ko matukoy kung sino ba itong kausap ko. “Yes. I'm Micah. What?”

Ma'am, nasa hospital po kami ngayon. Sinugod po ang Mommy niyo…”

Parang tumigil sa pag-ikot ang aking mundo sa narinig. My knees and hands trembled as I listened to the person from the other line. 

Nasa Chan's Hospital po kami ngayon.”

She bit her lower lip and nodded. “S-sige. Papunta na ako.” 

I immediately ended the call. Nilakad-takbo ko na ang daanan patungong exit ng bar para makauwi. Hindi na ako nagpaalam pa kay Austin. Basta na lang akong pumasok sa loob ng aking sasakyan at pinaandar ito. I immediately drove out of the place even though I'm not in a good condition to drive. 

Nahihilo pa ako hatid ng alak ngunit hindi ito ang panahon para i-entertain ang kalasingan ko. I need to see my mother. Hindi ako mapapakali kung hindi ko siya makita. Siya na lang ang natitirang meron ako. I can't lose her now. Hindi pwede. 

Pagkarating ko ng ospital ay basta na lang akong lumabas ng sasakyan kahit hindi ko itong pinark sa parking area. Hindi ko alintana ang takong na aking suot habang papasok ng ospital. Lumapit ako sa front desk upang magtanong.

“Excuse, nasaan dito ang pasyente na sinugod ngayon-ngayon lang?” medyo hinihingal kong wika. 

“Pangalan po?” 

“Michaela Dane.” I huffed and my hand balled into a fist. Nanginginig ang katawan ko sa galit at kaba. 

Galit dahil sa 'king nakita kanina at kaba dahil sa kalagayan ni Mommy. I'm silently praying for her to recover fast. Ayokong makitang nanghihina si Mommy. She's my last straw of strength. Hindi ko na alam kung saan ako pupulutin kung sakaling mawala siya sa 'kin…

Knock on wood, h'wag naman sana…

“Nasa emergency room pa po siya. Walk straight that hallway po. Nasa dulo ang emergency room,” ani ng Nurse.

I thanked her first before I hurriedly went towards the emergency room. Hindi ko alintana ang pagkahilo dala ng alak. Hindi ko rin alintana ang takong na suot ko. At mas lalong hindi ko alintana ang mga taong nasa hallway patungong emergency room at tinitignan ako. 

AOT : Caught In The FireOnde histórias criam vida. Descubra agora