Chapter 03

16K 494 61
                                    

Chapter 03

Kinabukasan ay nagmadali akong umalis sa bahay ng fiancé ni Mommy. I hailed a cab and pay him using the remaining cash on my wallet. Hindi ko tuloy maiwasang magdabog habang naiisiip kong papasok ako ng school na walang dalang sasakyan. 

Nagbihis ako ng isang skinny blue jeans and plain black shirts. Hindi ko na tinali ang aking buhok. Hinayaan ko na lang itong lumugay. I texted Mom that I'm already on school and I called Austin to come over. 

Nang makarinig ako ng busina sa labas ng bahay ay nagmadali akong lumabas. I saw Austin's car. Napangiti ako at nilapitan ito. Pumasok ako sa passenger's seat at bumungad sa 'kin si Austin na nakasimangot.

“Hindi mo ako sinipot kagabi,” nakabusangot nitong ani.

I smiled. “Good morning!”

He rolled his eyes at me. Ngumiti lamang ako. I buckled my seatbelt before facing him. Nginitian ko ito. Hindi ako nito nilingon. He immediately drove the car away. 

I poked his arm. “Galit ka?” 

Ngunit hindi ito sumagot. I heaved a deep breath. Humilig ako sa kanyang braso at pinikit ang aking mga mata. I'm still sleepy as fvck. Wala akong matinong tulog at maaga akong nagising para lang makaalis ng bahay na 'yon. 

Austin is still silent, and I know he's mad. Ganito siya kapag may nagawa akong hindi niya nagustuhan. He won't treat me silently because he's afraid to say something below the belt out of anger. But not me. We're totally opposite. If I hate you, I would love to express my hatred towards you.

“I'm sorry,” I mumbled. Nag-angat ako ng tingin sa kanya at hinalikan ang kanyang braso kung saan ako nakahilig. Ang bango. “Sorry na. Hindi ko naman kasi alam na gano'n ka-strict si Damon, e.” 

“Who's Damon?” 

“Yung fiancé ni Mommy.” Napakamot ako sa akin kilay. “Uhm…hindi ko na matandaan ang pangalan niya tapos kasing-tunog lang naman ng Damon kaya Damon tawag ko sa kanya.” 

He just scoffed. Napasimangot ako sa reaction nito. Muli kong pinikit ang aking mga mata at humilig sa kanyang braso. Ang bango talaga ng lalaking 'to. Hindi ako magsasawang amuyin siya. 

“I waited for three hours, Micah. Mukha akong tanga sa bar kagabi,” he said. 

I knew it! Ito ang pinuputok ng butsi niya.

Umalis ako sa pagkakahilig dito at hinarap siya. “Sorry, okay? As much I don't want you to wait there for hours, that damn fiancé of my mother is a pain in the ass. He even confiscated my phone!” 

He didn't reply. Napasimangot ako sa kanya. Tumingin ako sa labas ng bintana at saktong may nakita akong papalikong kalsada na may maraming punong nagsisilbing pansalag sa araw. I held his arm and pointed the exact location.

“Dun tayo,” I said. 

Hindi naman ito nagmatigas. He drove the car towards the location I pointed. We're running late but it's fine. Para namang first time namin ma-late, e 'no?

Nang huminto ang sasakyan ay kaagad kong inalis ang pagkakakabit ng seatbelt sa 'kin. Walang pagdadalawang-isip akong umalis sa passenger's seat at umupo sa kanyang kandungan. It seems like he's already expecting it from me because he immediately wrapped his arm around my waist to hold me still.

Yumakap ako sa kanyang leeg ang pinikit ang aking mga mata. “Sorry na…” 

Hindi ito nagsalita, ngunit ramdam ko ang paghigpit ng yakap nito sa akin. “I was damn worried about you last night. You didn't answer any of my calls.” 

AOT : Caught In The FireWhere stories live. Discover now