Chapter 45 - Trigger

Depuis le début
                                    

"R-rafa.." my breath hitches, fighting another rising tide of tears that just want to stream across my cheeks.

Hindi ka bubuhayin ng lintik na pagmamahal na 'yan, Ezra! Go keep turning a blind eye until it actually happens!

Then it actually does happen, and it never stops until now.

Naniniwala na ako, pero huli na ang lahat dahil nasa bingit na ako ng kamatayan. Kinapa ko ang leeg ko dahil ayon sa pagkakatanda ko ay nasaksak ako sa likod na parte. I felt a stinging pain, as if I had been bitten by a snake, it's likely a syringe or something.

"Maingay daw sabi ni boss, patahimikin niyo mga bobo! Umagang-umaga pinapainit niyo ulo ko!" sigaw ng isang lalaki, bumukas ang pinto ng kwartong kinalalagyan ko.

Kilala ko sila, they're the guys who said na guards sila sa Meat You There. Umagang-umaga? Does it mean kagabi pa 'yon at umaga na nga ngayon? Kumikirot ang dibdib ko habang iniisip ang bawat detalye ng buong pangyayari sa restaurant kagabi bago ako tuluyang nawalan ng malay, naiiyak ako pero kailangan kong pigilan.

"S-sino kayo? Nasaan ako?" walang tigil akong pumalag sa pagkakaposas, sinubukan kong tumayo pero natumba lang ako dahil sa mabigat na kadena sa paa ko.

Walang bintana ang buong bakanteng silid, walang kahit na ano bukod as sarili ko, intercom, aircon at ang mga gumaganang cctv cameras sa taas. I'm having the same vibe as last night, as if someone is watching me suffer and die slowly.

"Answer me!" sigaw ko nang tuluyang pumasok ang isang lalaki, may dala siyang duct tape at alam ko na kung para saan 'yon.

"Let me shut that noisy mouth of yours," maangas na saad ng matangkad na lalaki, naglabas ito ng kutsilyo mula sa sapatos niya at iyon ang ginamit niya para tabasin 'yung duct tape.

"N-no..get away from me, asshole!" groaning, I roll back my shoulders, force myself to sit back, and kicking my feet to avoid him.

Napakurap-kurap ako nang paglaruan niya ang kutsyilo sa kanyang kamay. He's spinning it like a ballpen, wala man lang itong reaksyon nang aksidenteng masugatan niya ang kanyang sarili.

"You're bleeding," may takot kong sambit, hindi ako nag-aalala kundi takot dahil naalala ko na naman ang red wine kagabi. Why the fuck I'm still alive? I was poisoned right? She...did all of it.

"Shut up, okay?" the annoying man clutches my jaw with his injured hand, I can feel the coldness of his blood on his palm.

Bago pa man niya idikit ang duct tape sa bibig ko ay wagas akong umiwas sa kabila ng sakit, mula sa panga ko ay umigtad sa buhok ko ang kamay niya para mas makontrol niya ako.

Palaban akong sumigaw nang sumigaw, itinikom ko lamang ang bibig nang may humampas sa pintuan na umagaw sa atensyon namin.

"Could you please leave us alone for a moment?" Rafa's cold voice got me goosebumps, it made me shiver in hell.

Sumama ang tingin sa kanya ng lalaki, "But boss-"

"I. Said. Leave. Now." she repeats herself, her harsh voice threatening, like a knife pointing at us that even I can feel its sharp edges.

Binitiwan ako ng lalaki saka ito walang imik na lumabas ng silid, nalipat ang tingin ko sa babaeng hindi ko kailanman inisip na magagawang traydurin at bilugin ako ng ganito.

Even if you don't look really closely, you'd think she's more ruthless than it has ever been. The emotional range of a dead woman would seem to have overpowered her, perhaps this is really her. She no longer resembles the loving woman I used to know and adore, she's gone.

Kissing My Kryptonite [GL-Sapphics]Où les histoires vivent. Découvrez maintenant