KABANATA 27: "Tahanan" (WAKAS)

50 9 0
                                    

Oh em gee, ito na nga! Finally, mamamarkahan ko na rin ito as COMPLETED. Dito na nga magtatapos ang adventures ni Miriana kasama ang kaniyang mga kaibigan na Lanar.

After this, I deserve a rest, then back to writing again. Have fun!


NAPAHAWAK si Arnika sa kaniyang buhok na nililipad ng hanging dumaraan. Saglit siyang pumikit upang damhin ang lamig nito na tumatama sa kaniyang mukha. Bandang hapon na nang maisipan niyang maglibot sa maburol na bahagi ng Timog Lanaria kung saan sila naninirahan.

Muli ay sumagi sa kaniyang isipan sina Alora, Yilenna at ang nakababata niyang pinsan na si Miriana. Hinahanap-hanap niya ang tatlo at saan man siya magpunta ay palagi niya itong ginugunita.

Sa susunod na araw ay mag-iisang linggo na mula nang makabalik sila sa kanilang pinagmulan. Natagpuan sila ng kanilang pamilya at ibang tagabantay na nakahiga sa mabuhanging bahagi sa gilid ng mahiwagang ilog.

Labis ang tuwa ng kani-kanilang mga pamilya sapagkat ligtas silang apat. Subalit kabaligtaran ito sa naramdaman ng pamilya ni Yilenna at ng ama ni Miriana na si Arsenus. Si Heron mismo ang nagpaliwanag sa mga ito, kung bakit hindi nila kasamang umuwi ang tatlo.

Noong una ay hindi ito maunawaan at hindi matanggap ni Yumina. Maging ang mga kapatid ni Yilenna ay nagalit kay Heron. Kung hindi dahil sa mga magulang ni Lakshir na pumagitna ay mauuwi ito sa alitan ng magkabilang pamilya. Ngunit naliwanagan din ang mga ito nang magsalita si Tandang Rohna, na naniwala sa kanilang paliwanag.

Hindi agad nakapagsalita si Arsenus. Tulala lamang ito na nakinig at pinanood na tumangis si Arnika. Sa halip na kumibo ay nabaling ang atensyon nito sa mala kristal na tubig. Lumapit ito sa gilid ng ilog at pinagmasdan itong mabuti.


"Patawarin n'yo po ako, hindi ko naibalik dito si Miriana," mangiyak-ngiyak na wika ni Arnika sa ama ng kaniyang pinsan.

"Nagtagpo na silang muli, sumama na siya kay Arra."


Iyon lamang ang naging huling mga salita nito bago lumisan sa pook. Batid na nito ang nangyari at lalong nadurog ang puso nito, ni hindi man lang ito nagalit sa nangyari sa kanila. Nauunawaan ito ng magkakaibigan. Tanggap ito ni Arsenus kahit gaano pa kasakit ang lahat.

Inulan ng katanungan ang apat na kabataang Lanar matapos ang tagpong iyon. Agad na kumalat sa iba't ibang bahagi ng isla ang naganap at lumikha ng panibagong mga kuwento na pinagpapasa-pasahan ng mga tao.

Kinabukasan noon ay nagpatawag ng pagpupulong si Anduwe sa lahat ng tagabantay ng Lanaria, kasama na ang pamilya ng pitong kabataan. Nakiusap si Sheram na kung maaari ay pangalagaan nila ang mga batang nakabalik at iiwas muna sa mata ng nakararami.

Ang pagtitipon na ito ay idinaos sa tahanan ni Tandang Rohna nang sumisibol pa lamang ang gabi.

Ginamit nina Lakshir, Hisaya at Heron ang pagkakataong ito upang tumungo sa lugar kung saan namamalagi ang pamilya nina Miriana at Arnika. Napagpasyahan nila na samahan muna si Arsenus sa bahay nito.

Nasa mas mataas na bahagi at malayo-layo sa maraming tao ang pook na ito kaya't batid nilang magkakaroon sila ng katahimikan kahit pa panandalian lamang.


"Nandito ka lang pala."

Napalingon si Arnika nang marinig ang malalim na boses ng binatilyong minsan ay kinaiinisan niya. "O, ba't sumunod ka? Si Hisaya?"

Stepping Into The Waterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें