14

1.5K 74 7
                                    

"KINILIG ka, ano? Aminin mo. Kinilig ka."

Napangiti si Aline sa pagbibiro ni Kiyora. Magkasama silang dalawa sa wooden swing sa likurang bahagi ng villa. Nag-aabang sila ng mga alitaptap. Niyaya siya ni Kiyora doon pagkatapos ng hapunan upang magkuwentuhan. Mukhang kailangan nito ng makakausap kaya sumama siya kahit na kailangan pa niyang mag-aral.

"Hindi ako kinilig," aniya. Hiniling ni Kiyora na ikuwento niya ang naging pag-uusap nila ni Wilt kanina sa coffee shop. Nagkuwento naman siya dahil nakikita niyang bumubuwelo pa si Kiyora sa sarili nitong kuwento. "Seryoso ang naging pag-uusap namin at aaminin kong medyo gumaan ang pakiramdam ko. May bigat pa ring natitira, may anger at bitterness pa rin, pero normal lang siguro 'yon, ano?"

Tumango si Kiyora. "Alam mo kung ano ang kailangan mong gawin para mawala ang bitterness at anger?"

"Ano?"

"Isang mag-asawang sampal at sabunot. Saka mahabang lintanya at pagbubunganga."

Natawa siya. "Ha?" Hindi niya ito gaanong naintindihan.

"'Yong mahaderang kapatid mo sa ama, hanapin mo at pagsasampalin at pagsasabunutan. Gagaan ang pakiramdam mo."

Natigil si Aline sa pagtawa. Ayaw niyang pag-usapan si Amelia. Ni ayaw niyang alalahanin na may kapatid siya.

"Puntahan mo si Amelia," ani Kiyora sa seryosong tinig. "Closure marahil sa kanya ang kailangan mo para tuluyan mong mabuksan uli ang puso mo kay Wilt."

Mahabang sandali ng katahimikan ang namagitan sa kanilang dalawa. Madalas siyang humahanga kay Kiyora. Dahil bunso, madalas itong napagkakamalang brat. Kahit na paano ay totoo iyon. Nakukuha ni Kiyora ang lahat ng gusto. Everyone in the family spoiled her. Most people know her as a gifted musician. Makulit para sa malalapit na kaibigan at kapamilya. Ngunit hindi alam ng marami kung gaano ito ka-mature mag-isip kahit na bunso.

"Hindi ko siya gustong makita, Ki."

"Alam ko namang hindi madali, eh. Pero sa tingin ko—sa tingin ko lang naman, hindi kita pipilitin—kailangan mong makipagkita uli sa kanya. Kahit na makaisa ka lang na sampal." Hindi bayolenteng tao si Kiyora, ngunit tila seryosong-seryoso ito sa sinasabi.

"Ano ka ba naman? Bakit ang bayolente ng advice mo?" Sinubukan ni Aline na pagaanin at pakaswalin ang tinig, ngunit ang totoo ay hindi siya komportable sa paksa ng usapan nila. Mas magiging komportable yata siyang pag-usapan si Wilt.

"Ganito kasi 'yon, Al. Hindi ka nakasampal two years ago. But deep inside you, gusto mong manampal at manabunot. Alam mo kung bakit ang sakit-sakit, kaya ka nahihirapan nang husto? Kasi kinimkim mo lahat sa loob. Hindi mo nailabas."

Mataman niyang pinagmasdan si Kiyora. "Hindi ko alam kung tama ka sa sinasabi mo."

"Tama ako, makikita mo. Kunwari ayaw mo ngayon pero nai-imagine mo, ano? Gawa ka uli ng Facebook mo, madali mo na lang siyang makikita roon. Model pa rin siya. Nakita ko sa EDSA ang billboard niya. Sasamahan kitang lumuwas pagkatapos ng finals mo. Hahawakan ko siya habang sinasampal at sinasabunutan mo siya."

"Seryoso ka ba diyan sa sinasabi mo?" Mukhang seryoso si Kiyora ngunit sigurado si Aline na hindi nito tototohanin ang mga sinasabi. Tama naman si Kiyora, nai-imagine niya sa kanyang isipan ang ipininta nitong scenario ngunit wala silang lakas ng loob na isakatuparan iyon.

"Oo naman. I-schedule natin. Kaya ko nang magmaneho hanggang sa Manila. 'Tapos isunod natin ang isa pang bruha. Hawakan mo siya at ako naman ang mananabunot at mananampal."

Natawa nang malakas si Aline. Ngayon ay naiintindihan na niya ang dahilan kung bakit pinayuhan siya nito nang ganoon.

"Huwag kang tumawa, seryoso ako."

Villa Cattleya: Fated Love (Complete)Where stories live. Discover now