6

1.5K 74 2
                                    

"IBILI mo nga ako ng Chocnut, Wilt."

Napatingin si Wilt kay Aline. Magkasama sila sa bayan. May kinailangan siyang bilhin at sumama si Aline sa kanya. Hindi na siya tumanggi dahil ayaw man niyang tuwirang aminin, gusto talaga niya itong kasama. Palagi siyang masaya kung si Aline ang kanyang kasama sa pag-iikot sa Mahiwaga. Masarap itong kausap. She could easily make him feel good. Napagtatagumpayan iyon ng dalaga kahit na wala itong sabihin. May nagagawang kakaiba sa damdamin niya ang matamis na ngiti ni Aline at paraan ng pagtingin sa kanya.

Walang salitang pumasok si Wilt sa maliit na grocery store at ibinili si Aline ng Chocnut. Tuwang-tuwa na ito sa kanya. "Thank you!" Daig pa ng dalaga ang nabigyan ng imported na tsokolate sa paraan ng pagkinang ng mga mata.

Hindi niya napigilan na pisilin ang pisngi nito. She looked so cute and adorable. Si Aline ang isa sa mga dahilan kung bakit gustong-gusto niyang umuuwi sa Mahiwaga tuwing bakasyon. May dalawang taon pa sila bago maging opisyal ang kanilang relasyon, ngunit tila may romantikong relasyon na talaga sila. Parang given na pero hindi maaaring maging opisyal dahil masyado pa raw silang mga bata.

Inumpisahan na nitong kainin ang Chocnut habang naglalakad patungo sa perya. Hindi na siya inalok ng dalaga dahil alam naman nitong hindi siya mahilig sa kahit na anong matamis. Hindi niya maiwalay nang matagal ang kanyang mga mata sa mukha nito. He could feel his chest expanding. He could not really explain why.

Wilt was thankful to have her in his life. Kahit na tuwing bakasyon lang sila nagkakasama, kakaiba ang epekto nito sa kanya. Kapag nasa Maynila siya, madalas silang nagkakausap sa telepono ngunit iba pa rin kapag nakikita at nakakasama niya si Aline. Parang mas masarap ngumiti at maging masaya. Mas natutuwa siyang pagmasdan ang mukha nito kaysa magbasa ng mga libro.

Espesyal na talaga ang nararamdaman niya kay Aline mula nang una silang magkita. She was so cute and he already adored her. Hindi niya napigilang lapitan si Aline nang umiyak ito dahil nami-miss ang mga magulang. Parang hindi matagalan ni Wilt na nakikita itong umiiyak. Parang naninikip ang kanyang dibdib. Ayaw niyang umiiyak at nasasaktan si Aline. Ang gusto niya ay palaging nakangiti ang dalaga at masaya. Inakala niya na dahil iyon sa wala siyang kapatid na babae. Ang akala niya, nais niyang ituring itong kapatid na aalagaan niya, kukulitin paminsan-minsan. Hanggang sa maglapat ang kanilang mga labi. Nagbago ang lahat sa kanyang isipan. He realized that what he felt for her was something more, something very special. She made him feel like he was the most special man in the world.

Buong buhay ni Wilt, namahay ang insecurity sa kalooban niya. Tila kasi naiiba siya sa nakatatanda niyang kapatid. Kapag nakikilala ng mga kaibigan niya ang mga kuya niya, madalas siyang tanungin kung ampon ba siya o kung sigurado ba ang mga magulang niyang hindi nagkaroon ng baby swap sa ospital. Noong walong taong gulang si Wilt, seryoso niyang tinanong ang kanyang mga magulang kung ampon ba siya, kung napulot lang ba siya ng mga ito. Bakit wala siyang kamukha sa kanyang mga magulang? Natawa nang malakas ang kanyang ama. Napangiti ang kanyang ina.

"Anak ka namin," anang kanyang ina sa banayad na tinig. "Huwag mong pansinin ang mga kuya mo sa panunukso nila. Gano'n lang talaga ang gawain ng mga kuya—nanunukso ng nakababatang kapatid. Huwag mong seryosuhin."

"Paano po kayo nagkaroon ng anak na katulad ko? Ang sabi nila, ang guguwapo ng mga kuya ko."

Mula pagkabata ay lampa si Wilt. Hindi siya mahilig sa sports katulad ng mga kuya niya. Hindi rin siya guwapo katulad ng mga ito. Mukha raw siyang palaging maysakit. Parang isang bulati na lang daw ang hindi pumipirma. Sa murang edad ay nagsusuot na siya ng salamin sa mga mata.

Hinaplos ng kanyang ina ang kanyang buhok. "You are beautiful, my darling boy. Don't listen to those people who say otherwise."

Kahit na walong taong gulang pa lang siya noon, mahirap na siyang bolahin o utuin. Ang sinabi ng kanyang ama ang talagang pumayapa sa kanya.

Villa Cattleya: Fated Love (Complete)Where stories live. Discover now