Matapos ay bumalik na ako sa table para ininumin ang tequila'ng hinanda niya sa lamesa.



"I like your sweet voice, Kimmy," sabi niya sabay abot sa tequila, "Nakakagaan ng loob."



"Thank you!" ngumiti ako.



Tapos na ang oras ng matandang guest na 'to at kailangan na rin niyang umuwi dahil hinahanap na siya ng kanyang asawa. Lumabas kaagad ako ng vip room at pumunta sa bartender area. Nag picture lang ako ng resibo sa kinain namin at ininom dahil doon ibe-base ang commission ko. Mabuti nalang at marami-rami ang na-order niyang pagkain para sa 'kin, mabuti nalang din at naubos ko lahat.





Bumalik ulit ako sa waiting area upang maghintay ulit ng mga guests. Sana naman ay medyo bata na ang guest na pipili sa 'kin. Hindi ba naman nagbigay ng tip ang matandang 'yon! Wala tuloy akong pambili ng yosi tsaka beer sa apartment.





Yes, I smoked a lot, lalong-lalo na kapag stressed ako or 'di kaya ay may pinagdadaanan. Like nung nangyari sa 'min ni Marcus, I admit mahihirapan akong kalimutan siya dahil totoong minahal ko siya. May rason kung bakit ko siya nahuling may kasamang iba, kaya siguro nangyari 'yun upang malaman ko kung ano talaga ang totoong iniisip ni Marcus sa tuwing kamasa niya ako.





"Bri, may guest ka ulit," sabi sa 'kin ni Jaidah. Hinila niya 'ko papunta sa waiting area at agad na itinuro 'yong guest na sinasabi niya, "bumalik 'yong guest mo kagabi."





Naging happy ako nang makita si Mr. Chua, kaagad akong tumakbo papunta sa kanya at hinawakan ang kaliwang braso niya. Kagabi ko lang siya naging guest, ako 'yung napiling niya nai-table dahil absent si Saya. Guest siya ni Saya noong may event dito sa bar, ngunit hindi siya gaanong pumupunta dito dahil parati siyang busy sa trabaho niya. Siguro once a week lang. Sobrang galante kung mag-alok ng alak sa babae si Mr. Chua, halos maubos na lahat ng alak dito sa bar at of course dahil sa kanya naging malaki ang sinahod ni Saya noong last cut-off namin. Galante din kung magbigay ng tip, kaya sobrang happy ko dahil ako 'yung napili niyang nai-table kagabi. Nagbigay pa naman siya ng tip sa 'kin, 10,000 pesos to be exact. Nalasing rin ako sa kanya kagabi, akalain mo naman nag-order ng limang boteng tequila, 3 boteng Jack Daniel at 5 boteng beer. Pero hindi lang naman ako ang uminom, kasama ko rin sila Jaidah, Sora at Rica, kaya pareho kaming nalasing lahat.



Isang Chinese si Mr. Chua, ngunit matagal na siyang naninirahan dito sa Manila, nandito na kasi ang business niya. Sa sobrang yaman niya, nasa kanya na lahat. He's already 45 years old, single and ready to mingle, ika nga niya.



"Bri, nasa vip room 1 si Mr. Chua," sabi sa 'kin ni Mama Fe, manager namin.



Agad akong pumunta sa vip room 1, pagkapasok ko sa loob ay nadatnan ko si Mr. Chua na may kasamang isang lalake. Isang lalakeng matipuno, chinito rin at pang mayaman ang awra. Bigla silang tumayo at kaagad na ipinakilala ni Mr. Chua ang lalakeng 'yon sa 'kin.



"Kimmy, this is Lucas Gabriel, my nephew!" pagpapakilala ni Mr. Chua sa pamangkin niya.



Naglahad kaagad ng kamay ang lalake upang makipag shakehands. Hindi narin ako nagdalawang-isip pa at nakipag shakehands narin ako. "M-my name is Kimmy!" pagpapakilala ko.



"Kimmy, ikaw na ang bahala sa pamangkin ko. Uuwi na ako dahil may gagawin pa ako sa office. Lucas, be gentle to Kimmy. Gusto ko pa siyang mai-table sa susunod na araw."



Nakita kong ngumiti ng bahagya si Lucas at hindi na lamang nagsalita. Nakaalis na si Mr. Chua at kaming dalawa nalang ang natira dito sa loob.



Pareho kaming hindi makapagsalita dahil hindi namin alam kung anong gagawin. Mukha atang first time niya sa ganitong klaseng lugar dahil nakikita ko sa kanyang mga mata na hindi mapakali at panay tingin sa buong paligid.



Bakit nga ba siya pinapunta dito ni Mr. Chua, mukha naman siyang hindi umiinom, eh! Wala rin siguro akong mapapala sa lalakeng 'to. Pero infairness ha, ang gwapo niya nang malapitan.



"F-first time mo ba dito?" pagbasag ko nang katahimikan namin.



"Nope! I've been here many times," buong-buo ang boses niya. Napakaganda ng vocal tone niya.



"Talaga? Bakit ngayon ko lang ata kitang nakita dito?" Nagtatakang tanong ko.



"You want some drink?" Hindi niya 'ko sinagot sa tanong ko instead iniba niya ang topic namin.



Tumango nalang ako, hindi narin ako nag request kung anong gusto kong inumin, bahala na siyang magbigay sa 'kin. Wala kasi ako sa mood ngayon, ang buong akala ko kasi si Mr. Chua ang magiging guest ko. You know, tip lang naman ang habol ko doon, eh! Obvious naman dito sa kanya, hindi nagbibigay ng tip 'tong mga ganitong klaseng tao. Ceo nga ang awra, kuripot naman! Tsk.



"Are you okay?" He asked.



"Uhm, y-yes! Let's drink!" pinilit kong ngumiti.



Ang buong akala ko'y kuripot siya ngunit nang makita ko ang waiter namin na may dala-dalang napakaraming pagkain at alak dito sa loob ng vip room ay sobrang nagulat ako. Kaya pala nakipag-usap siya doon kay kuya waiter kanina dahil mag-oorder pala siya ng ganito karami. And guess what, hindi siya nagtawag ng ibang babae para makakasama namin dito. Literal na kaming dalawa lamang siguro ang uubos nito.



Busog na busog na ako, at nahihilo na ako dahil sa napakaraming champagne na ininom ko ngayon. Hindi ko na kaya pang ipasok lahat 'to sa tiyan ko dahil ang rami pa ngang natira, ayaw parin niyang magtawag ako ng kasama.



"Matagal ka na bang nagtatrabaho dito?" walang expression sa mukha niyang tanong.



"2 years na, bakit?" kahit nahihilo na ako ay nakakaintindi pa naman ako.



Hindi siya sumagot at nakatitig lang sa 'kin, alam niya na sigurong nahihilo na ako kaya hindi na siya nagsalita pa. We were silent for a few minutes until he asked me a question that almost choked me.



"Are you still heartbroken, or did you already moved on?"







********************************************

CANDLE LIGHTWhere stories live. Discover now