Chapter 23

15.4K 469 49
                                    

"Paraparaan lang iyan para hindi takasan."---Connor

YASMINE
#InitSaMagdamag

Pagkalabas ko ng silid ay kita kong nag-uusap sina Tiyo at Connor, magkaharap sa may sala. Napalingon sa'kin si Connor na siyang nagpamula sa'kin. Nakangiti kase si Tiyo.

"Yasmine, nobyo mo pala itong tisoy na binata!" Tukso na sambit ni Tiyo nang makalapit ako.

Agad na hinila ni Connor ang kamay ko na siyang kinaupo ko sa tabi niya. Lihim ko siyang sinamaan ng tingin.

"O-opo, Tiyo. Si Connor po." Nahihiya kong sabi sa harap ni Tiyo. Nanunukso kase ang mga tingin niya.

"Matagal mo na ba siyang nobyo?" Lihim akong napakislot nang pisilin ni Connor ang beywang ko, habang hinahaplos niya.

"Ngayon lang po, Tiyo." Sabi ko na lihim pinalo ang kamay niya.

"Maswerte ka, Iha. Mayaman pala itong si Connor at maraming negosyo! Sila din pala ang may-ari ng Ospital na tinatrabahuan niyo ni Brendly!" Humahangang sambit ni Tiyo, na tumingin sa'kin bago kay Connor, na ngumisi lang kay Tiyo.

"Maswerte din ako kay Yasmine, Tiyo." Agad ko siyang natingnan dahil sa huli niyang sinabi. Tiyo agad? Kinindatan lang niya lang ako bago siya ngumisi kay Tiyo.

Parang nagkakaunawan na sila ni Tiyo, na silang dalawa lamang ang nakakaalam?

"Aba'y maswerte ka talaga, Iho! Bukod sa sobrang mabait ay hindi pa iyan nagkakanobyo!" Pagmamalaki ni Tiyo. Uminit na naman sa hiya ang mga pisngi ko.

Pinisil muli ni Connor ang beywang ko na lihim kong kinapitlag.

"Aalis na po si Connor, Tiyo! Malayo pa kase ang bibiyahiin niya!" Sambit kong mabilis na tumayo, tsaka hinawakan sa balikat si Connor para patayuin siya.

Nakita ko ang pagdako ng tingin ni Tiyo sa may orasan sa dingding. Aba'y! Magaalas-dose na pala!"
Gulat na sambit ni Tiyo bago siya tumingin sa'kin. "Dito mo na siya patulugin, Yasmine. Delikado na ang magbiyahe, lalo pa at madulas ang daan dahil sa bagyo. Bukas ka na umuwi, Connor."

Agad naman napatango-tango si Connor, may malapad na ngisi sa mukha bago tumingin sa'kin.

"Bukas na ako uuwi." Sambit niya.

"Wala kang matutulugan dito." Giit kong tanggi para hindi siya pumayag.

"Kasya ako sa bangko." Kontra niya.

"Sa silid mo na siya, Yasmine."

"P-po?" Gulat kong sabi, nagtataka naman ang mukha ni Tiyo.

"Nobyo mo naman itong si Connor."  Balewalang sabi ni Tiyo bago tingnan si Connor. "Mapagkakatiwalaan naman itong si Connor, diba Iho?"

"Yes, Sir." Tangong pagsang-ayon ni Connor.

Hindi po ako papatulugin ni Connor, kapag sa silid ko!

Nais kong isigaw kay Tiyo, pero nanahimik na lang ako.

Iniwan na kami ni Tiyo sa may sala at pumasok na sa kanilang silid ni Tiya. Agad akong hinapit ni Connor, paupo sa kaniyang kandungan sabay subsob niya sa leeg ko.

"C-connor, matutulog ka na ba?" Mahina kong pagyugyog sa balikat niya ng marinig ko ang paghinga niya.

"Hm." Tipid niyang pag-usal.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorWhere stories live. Discover now