Chapter 6

16.3K 471 53
                                    

When it comes to love, nothing to be ashamed.

YASMINE
#ItlogNiYasmine

"Magkakilala ba kayo ng crush ko?"

Hala! Anong sasabihin ko? Hindi ko pwedeng sabihin kay Marve na kilala ko nga ang crush niyang si Doktor Connor, na isang mapanganib na tao!

"H-hindi. Hindi ko siya kilala." Pagtanggi ko. Tumaas ang kilay niyang nakapameywang sa harap ko.

"E bakit kung makatingin sa'yo kanina ay parang kakainin ka?"

Tinitigan akong maigi ni Marve. Napayuko naman ako at kinabahan na baka nakita nito ang paglabas ko mula sa sasakyan ni Doktor Connor.

"B-baka nagkamali ka lang ng tingin at isa pa ay hindi naman ako pagkain na kakainin niya.." Nauutal ko pa na sabi sa mahinang boses.

Narinig ko bigla ang malakas na tawa ni Marve, napaangat ako ng ulo at tiningnan siyang nagtataka. Hawak pa niya ang kaniyang tiyan at naluluha.

"Gaga, Besh! Hindi naman iyon ang ibig kong sabihin!" Tatawa tawa pa niyang sabi bago ito umayos at inilingan ako. Muli akong napayuko.

"Eh, ano?" Tanong ko, naguguluhan.

"Huwag mo na lang pansinin, Besh! Ayokong mabahiran ang inosente mong utak. Magtrabaho na tayo." Sabi ni Marve na nilapitan ako at inakbayan. "Ikuwento mo mamaya, ha!" Pahabol niya na bulong.

Lihim akong napahinga ng malalim bago tumango sa kaniya. Nagsimula na din kaming maglinis. Medyo kumikirot ang sugat sa noo ko, pero ayos lang kase may bendahe naman.

Napangiti ako ng lihim dahil takot ako sa dugo pero dito pa talaga ako sa hospital nagtatrabaho.

Nilalabanan ko naman ang takot ko at iniiwasan ko na lang na huwag mapatingin sa dugo, kahit mahirap na gawin ko iyon.

Pero kinakakaya ko naman dahil ayoko na daigin ako ng takot. Sarili ko lang ang kalaban ko.

Pagsapit ng tanghalian ay nagpunta na kami ni Marve sa canteen. Punuan na ang mga lamesa kaya sa gilid kami naupo ni Marve, na walang mesa.

"Ano sa'yo, Besh?" Tanong ni Marve.

"May baon akong pagkain." Sabi ko na kinatango nito bago umalis at pumila sa may counter, sa unahan.

Lagi akong may baon na pagkain para makatipid. Medyo mahal ang pagkain dito sa canteen kaya iyon ang rason ko kung bakit ako may dalang baon.

Nilabas ko ang tumbler at dalawang lunchbox ko na nakalagay ang kanin at ang natira kanina na itlog at siomai. Napadaan ako sa karinderya kaya bumili ako ng pakbet, na sampong piso lang. Malaki ang tipid.

"Oh my gosh! Is that Doctor Connor?! Tili ng isang babae na nasa unahang lamesa, malapit sa upuan ko.

Pagkarinig sa binanggit niyang Doktor ay bigla akong kinabahan. Bumilis pa ang tibok ng puso ko nang maalala ang nangyari kanina, sa halik niya.

"Yes, that's him! He's so hot and damn attractive. I want to vaccinates with him!" Napatingin ako sa babaeng katabi noong babaeng tumili, pareho silang Nurse.

"Where is he going?"

Napapitlag ako sa gulat nang biglang may umupo sa tabi ko at inakbayan ako sabay bulong ng isang malalim na boses. "Ang tigas ng ulo mo. Nais mo ba na turukan kita para sumunod ka sa sinasabi ko?"

Jusko! Si Doktor Connor.

May babala ang tono niya pero ang pakiramdam ko ay may kakaibang kahulugan iyon. Natingnan ko siya.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorWhere stories live. Discover now