Chapter 13

15.7K 393 15
                                    

"I'm addicted to you, Yasmine."-- Connor.

YASMINE
#ParusangMatamis

Dalawang araw na Medical Mission ang isinagawa dito sa lungsod ng Isabella. Walang problema dahil may Hotel naman na inilaan ang Hospital para sa mga empleyadong kasali.

"Yasmine!" Biglang sabi ni Brendly nang makapasok dito sa loob ng silid kung saan dalawa kami ang uukopa.

"Brendly." Naupo ako sa kama habang kumukuha ng damit sa bag ko para pamalit ko. Nalaman kong kasali din pala si Brendly sa Medical Mission.

Lumapit siya sa harap ko. "Kilala mo si Doktor Connor?" Nakataas kilay niyang tanong na kinatigil ko naman.

"Kilala ko siya dahil nasa iisang Hospital lang naman tayo nagtatrabaho." Sabi ko kahit hindi naman iyon ang nais niyang marinig.

Tiyak ako na nakita nito ang nangyari kanina kaya siya nagtanong tungkol kay Doktor Connor.

"Kitang kita ko kung paano ka niya yakapin, kanina. Iba ang pag-alala sa mga mata niya." Nanghihinala at may bahid ng inis niyang sabi sa'kin, napakurap ako at lihim napalunok.

"Doktor siya kaya responsibilidad niyang magligtas ng tao at nag-aalala si Doktor Connor hindi dahil sa'kin, kundi doon sa bata." Pangatwiran kong sabi sa kaniya.

Kita ko naman ang pagtaas ng kilay ni Brendly, na hindi gusto ang sinabi ko. "Sumasagot ka na dahil wala tayo sa bahay, huh!" Lumapit siya sa'kin.

"H-hindi naman---"

Napatigil ako ng marahas niyang sampalin bago hawakan ang mukha ko, napangiwi ako sa tulis ng kuko niya sa pisngi ko. "May gusto ako kay Doktor Connor kaya huwag mo siyang aagawin sa'kin, gaga ka!"

Galit niyang hiyaw. Pinisil pa niya ang mukha ko bago bitawan.

Umirap siya bago lumabas ng silid. Nahaplos ko naman ang magkabilang pisngi ko, ang hapdi ng mukha ko.

Galit si Brendly dahil doon sa nakita niya, dahil gusto daw niya si Doktor Connor. Pati si Brendly ay nahulog sa karisma ni Doktor Connor.

Tumayo ako dala ang damit ko para maglinis ng katawan. Akma kong bubuksan ang pinto ng banyo nang marinig ko ang pagbukas ng pinto, napalingon ako. "D-dok Connor?.."

"Yasmine." Sambit niya habang unti- unting lumalapit sa'kin. Napaatras ako dahilan para bumukas ang pinto kaya nakapasok ako sa loob ng banyo.

"D-doktor Connor..." Kinakabahan kong sambit habang yakap ko ng mahigpit ang damit ko sa'kin dibdib. Hindi ko alam kung paano siya nakapasok dito sa loob ng silid.

Ngumisi siya ng malapad nang makapasok din siya dito sa loob ng banyo, kita kong nilock niya ang pinto. Mas domoble ang kaba ko.

"Call me 'Babe' if we're alone." Paos niyang sambit nang kinorner ako sa pader. Nagkatitigan ang mga mata na'min. "What's this?"

Kumunot ang noo niyang hinawakan ang mukha ko, tinitigan niyang maigi ang pisngi ko.

Napayuko ako pero pinatingin niya pa rin ako sa kaniya. "W-wala iyan."

Kita ko na lalong nagsalubong ang kilay niya pero napalitan ng ibang emosyon ang mga mata niya, habang hinahaplos ang mukha ko. "Damn, Yasmine!.. I want you."

Idinikit niya ang noo sa'kin habang titig na titig sa mga mata ko. Gahibla na lang din ang distansiya ng aming nga labi, ramdam ko na ang mainit na amoy bubble gum niyang hininga.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorWhere stories live. Discover now