Chapter 20

16.1K 410 8
                                    

"She's already mine."---Connor

YASMINE
#Mapag-angkin

"Doctor Hunstman, please proceed to ER, immediately!"

Natigilan ako sa pagpupunas dito sa kabinet nang marinig ang apelyidong iyon, mula sa speaker na nakakabit sa pader, sa bandang itaas sa may pinto.

Si Connor iyon. Hindi maiwasan na uminit ang mukha ko nang maalala ang nangyari sa loob ng sasakyan niya. Sa bumubuhos na ulan sa labas.

Kahit nananakit ang buo kong katawan, partikular sa gitnang hita ko ay pumasok pa din ako.

Nakaabsent na ako kaya ayoko nang mangyari iyon. Isang absent lang nga ay nahihiya na akong humarap kay Sir. Hindi kase ako sanay na umabsent. Kahapon lang.

Kinakaya ko lang na huwag gumalaw masyado kase sobrang kirot talaga ng gitnang hita ko. Hindi ko naman akalain na sobrang mapusok si Connor kagabi. Tsaka nagulat din ako kung gaano katalas iyong karayom niya, sobrang naghiyaw ako noon.

Damang-dama ko pa sa katawan ko ang labi at mga palad ni Connor. Pakiramdam ko ay habang buhay nang nakaugkit sa'kin.

Tinampal-tampal ko ang magkabilang pisngi ko dahil kung saan naman lumilipad ang isip ko.

Magtrabaho ka na, Yasmine!

Nagpatuloy na ako sa pagpupunas ng mga kagamitan dito sa kabinet. Pero napangiti naman ako nang mapadako ang mga mata ko sa pulang tali na nakasuot sa palasingsingan ko.

Simbolo ng pagmamahal ni Connor. Nakatali na ang puso niya sa'kin. Nakatali na din ako kay Connor.

Ilang minuto ay natapos ako sa paglilinis. Sinunod ko naman kolektahin ang mga nakaplastic nang basura at nilagay sa basurahan ko para itapon sa labas.

"Miss!" Napalingon ako sa likod ko nang may tumawag sa'kin.

"Yes po, Ma'am?"

"Pwedeng makisuyo? Abala kase ang ilang Nurse at wala akong may ibang mauutusan."

Napaharap ako sabay lapit ko sa isang personnel. Iyong uniform niya ay kulay bughaw lahat.

"Ano po iyon, Ma'am?" Pagngiti ko na kinangiti rin niya.

"Sandali lang!" Mabilis siyang pumasok sa loob ng silid at paglabas niya ay mayroon siyang dala na isang storage box. "Kailangan na kailangan kase ito sa ER. Pakidala naman, please?" Pakiusap niyang sabi sa'kin.

Pagtingin ko sa loob ng puting box ay bigla akong namutla. Kasabay ng paghawak ko sa'kin noo nang lumabo ang paningin ko, sa pagkahilo.

"Miss? Are you okay?" Nag-aalala na paghawak sa'kin ng babae.

Kinurap-kurap ko aking mga mata.

"A-ayos lang po ako, Ma'am." Pilit kong pagngiti bago kinuha ang box. Pigil din ang mga mata ko huwag nang mapatingin sa laman ng box.

Nakangiting tinapik niya ako sa'kin balikat. "Thank you so much?" Dumako ang tingin niya sa id ko. "Miss Yasmine!"

"W-wala po iyon, Ma'am."

Matapos magpasalamat ay pumasok na rin ito sa loob. Napatingala ako sa pinto. "Blood Bank..." Usal ko.

Nanginginig ang mga kamay kong nakahawak sa box, habang naglalakad ako papunta sa ER. Mabuti at malapit lang ang ER dito.

Pagakarating sa ER ay pumasok na ako sa nakabukas na pinto. Nabungaran ko ang isang pasyente na naghihingalo habang binibigyan siya ng lunas ng ilang Doctor at Nurse.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorWhere stories live. Discover now