Chapter 14

16.6K 418 76
                                    

"Atat na atat kase kaya nilagnat."-- Yasmine.

YASMINE
#Nilagnat

"A-aray!.." Daing pagmulat ng mga mata ko nang biglang may sumipa sa'kin, dahilan para mahulog ako sa kinahihigaan ko.

"Gaga ka talagang babae ka! Kung kailan gagamitin ko ang banyo ay doon ka na naman sinumpong!" Napadaing ako sa kirot nang mariin niyang sabunutan ang buhok ko. "Sinadya mong ginawa iyon, ha!"

"B-brendly... Tama na!" Pakiusap kong sabi na pilit inaalis ang kamay niya sa buhok ko, ang sakit ng anit ko.

"Ito ang bagay sayo, gaga ka!" Marahas niyang tinulak ang ulo ko, na muntik kong kinasubsob sa sahig. Lumabas kaagad siya ng silid.

Tumulo ang mga luha ko sa kirot ng aking anit, ganoon din pati katawan ko. Pinilit kong tumayo pero nahihilo ang pakiramdam ko, kaya muli akong napaupo. Mabigat ang pakiramdam ko at mainit ang mga mata ko. Medyo giniginawan din ang pakiramdam ko.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto at kita kong pumasok si Doktor Connor, na mabilis akong nilapitan.

"Fvck, Yasmine! What happened?" Binuhat niya ako papunta sa higaan at inihiga. Nakapikit ang mga mata ko, nang maramdaman ko ang palad niya sa noo ko. "Fvck, You're hot!"

"C-connor..." Sambit kong nanginginig ang katawan ko sa lamig. "A-anong ginagawa mo dito?" Napabaluktot ako sa sobrang lamig.

Naramdaman ko ang kumot sa'kin katawan na mahigpit ko namang nahawakan. "Come here, asap!" Sabi niyang naupo sa gilid ko, muli niyang dinama ang noo at leeg ko.

"Doc Connor, what happened to her?" Boses ni Doktora Rhusia, na kinadilat ng mga mata ko.

"She's hot, I think she have a fever." Sagot ni Doktor Connor.

Muli akong napapikit at napahawak sa kamay ni Doktor Connor, nang sinimulan akong suriin ni Doktora Rhusia. "Shocker fever. She slightly experienced sexual--- what did you do to her?" Malakas niyang sambit.

Narinig ko ang matinis na pag-ubo ni Doktor Connor, na siyang kinatawa ni Doktora Rhusia. Hindi ko naman maintindihan ang pinag-uusapan nila.

"Shut up!" Inis niyang sambit.

"Damn you, Doc Connor! I didn't know you're into in an innocent and inexperience woman!" Tawang tawa na sabi ni Doktora Rhusia.

Gusto kong magmulat ng mata para makita kung ano ang pinag-uusapan nila, pero sadyang mabigat ang talukap ng mga mata ko.

Ramdam kong pinisil ni Doktor Connor ang palad kong hawak na niya. "Shut up! Just give me the prescription!" Inis na niyang sabi.

Napatikhim naman si Doktora Rhusia. "Okay. I'll give you paracetamol for her to take the medicine, right now. Narinig ko ang pagbukas ng zipper ng isang bag. "Here. She need to eat before taking medicine."

"I know, you don't need to tell me." Pasuplado ang boses ni Dok Connor.

"Just reminder, Doc." Pagtawang sabi ni Doktora, bago ko narinig ang paglakad niya palabas ng silid. "Tsk. Mabuti na lang at may alam ako!"

Pahabol na sambit ni Doktora Rhusia.

"Buy me arozcaldo and water." Sambit ni Doktor Connor, na hindi ko alam kung sino ang kausap niya.

Gumalaw siya para ayusin ang pagkakahiga ko. Nanginginig pa rin ang katawan ko sa lamig. Pero nagulat ako nang tumabi ng higa si Doktor Connor, pagkatapos ay niyakap ako.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorWhere stories live. Discover now