Chapter 35

12.4K 334 8
                                    

YASMINE
#Bestfriend

"I miss you, Beshy!" Agad na pagyakap sa'kin ni Marve, pagkabungad ko sa tapat ng pinto nila. Dinalaw ko siya kase may sakit daw siya at absent ng ilaw araw sa trabaho sa Hospital.

"B-baka mahawa ako sa sakit mo!" Hindi pa ako makahinga sa higpit ng yakap niya, agad din siyang kumalas.

"Magaling na kaya ako! Miss lang kita ng sobra, Beshy!" Palatak niya bago ako iginaya sa loob ng bahay nila, simple at yari sa hollow blocks ang pagkakagawa sa buong bahay, pero maganda ang disenyo ng bahay.

Ngayon lang ako nakapasok sa bahay nila Marve, kahit magkapitbahay lang kami kase ayaw ng mga magulang ni Brendly na nagpapasok ng kung sinong tao sa bahay nila, kahit kaibigan ko pa si Marve.

Hiyang-hiya nga siya sa'kin noon pero naiintindihan ko naman ang magulang niya. Ngayon lang talaga ako nakapasok dito dahil wala ang
magulang niya at nasa Davao sila.

"Para sa'yo." Pag-abot ko ng isang basket na prutas na agad naman niyang kinuha sa tuwa.

"Thanks, Beshy! Big-time na talaga ang best friend ko!" Papuri nito na hinagod pa ang kabuuan ko bago kinurot ng mahina ang gilid ko.

"Hindi naman. Kamusta ka? Maayos na ba talaga ang pakiramdam mo?" Pag-aalala ko bago sinalat ang noo at leeg niya.
Normal na ang init ng katawan niya.

"Super galing na ko kase may nag-alaga sa'kin—" Natakpan niya agad ang bibig na siyang kinatitig ko sa kaniya, sabay taas ko ng kilay.

Nakita ko ang pag-iwas niya ng mukha at pansin kong namumula pa ang mga pisngi niya. Kumunot pa ang noo ko na parang may kakaiba sa kilos niya, parang may tinatago siya.

"Oi, ano 'yan? May hindi ka ba sinasabi sa'kin, ha?" Hinawakan ko ang balikat niya saka pilit pinaharap sa'kin, namumula ang mukha niya.

"A-ano naman ang sasabihin ko?" Pagkaila niya na iwas ang mukha.

"Nagsisinungaling ka— Marve!" Tawag ko kase bigla siyang napatakbo sa lababo at nagsusuka doon.

Agad naman akong napalapit at saka hinagod ang likod niya, wala naman may lumalabas sa kaniya.

"Y-yasmine.."

"Buntis ka ba?" Diretso kong tanong kase ganito din ang nakikita ko sa sarili ko noong unang sintomas ko.

Natigilan si Marve at saka nagtatakang hinarap ako, napakurap siya ng ilang beses sa narinig niya.

"B-buntis ako?" Hindi makapaniwala niyang tanong na kinatango ko.

"Oo, ganiyan din kase ang nararamdaman ko."

Dumako ang tingin niya sa kaniyang tiyan at saka hinaplos ng palad niya. Napansin kong humihikbi siya kaya agad ko siyang nahawakan sa braso.

"B-buntis ako, Beshy.." Nag-angat siya ng tingin na umiiyak sabay yakap sa'kin ng mahigpit. "Natatakot ako.."

"Nandito ako sa tabi mo, Marv." Marahan kong sabi habang hinahaplos ang likod niya.

"H-hindi ko alam ang gagawin ko, Besh. Natatakot ako na malaman ito nila Mama at Papa. Paano kung palayasin nila ako, Besh?" Garalgal pa din ang boses niya nang kumalas siya at tumingin sa'kin.

Ngayon ko lamang nakita na ganito katakot si Marve sa mga magulang niya. Siguro ay dahil nag-iisa siyang anak, kung kaya't protektado siya. Ayaw lang nila mapasama ang anak.

"Sino ang nakabuntis sa'yo?" Kumalas ako at tinitigan siya bago hawakan ang dalawang palad niya.

Napakurap siya at saka nag-iwas ng tingin na kinakunot ng noo ko.

Hunstman Series #:8- The Savage DoctorМесто, где живут истории. Откройте их для себя