EPILOGUE

9 1 0
                                    

"Ate." tawag sa akin ni Kenji kasama si Calixx galing sa paglalaro ng basketball.

"Kumusta?" salubong ko sa kanila at pareho silang niyakap. Isang taon na rin simula noong nalaman namin ang totoo. Sobrang nakakagulat pero naging maayos din naman agad ang lahat.

"Syempre panalo. Kami pa ba ate?" mayabang na pagbibida ni Cal habang kunyaring nagsu-shoot ng bola.

"Kumain na kayo. Nagluto kami ni Cijz." alok ni Seff na naghahanda na ng hapunan.

"Oo nga. Baka hinahanap ka na ni Tita Ruth, Cal." ani ko rito. "Ikaw naman Kenj, maaga pa ang byahe natin bukas. Mapapagalitan ako nila mama kapag hindi na naman tayo natuloy sa pag-uwi." paalala ko sa kanya.

Dito na nakatira si Calixx kasama ang totoo niyang pamilya at dito niya ipinagpatuloy ang pag-aaral niya. Nalaman namin sa mismong ospital na nagkapalit sila ni Kenji dahil aksidenteng nabangga ng nurse ang crib nila at parehong nahulog ang nakakabit na pangalan nila rito. Noong araw na nalaman namin ito ay hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman ko. Noon ko lang napagtanto kung bakit magaan ang loob ko kay Kenji. Sa kabilang banda, may takot ding nabuo sa damdamin ko nang maisip na mapupunta si Calixx sa pamilya ni Kenji na hindi naging maganda ang pakikitungo sa kanya. Pinangunahan ako ng takot na baka ganoon din ang danasin niya sa kanila pero laking pasasalamat kong mali ako sa mga naisip ko. Naging mabuting ina si Tita Ruth kay Calixx at maayos din ang trato sa kanya ng mga kapatid niya.

Naging matalik din silang magkaibigan ni Kenji na ngayon ay nasa kolehiyo na rin katulad niya sa kursong Industrial engineering dahil pinakuha namin ito ng exam sa ALS at swerteng nakapasa siya kaya nahabol niya ang taong naiwan niya.

Pinagbigyan lang nila mama at papa na umuwi at magbakasyon si Kenji ngayon dito dahil na rin sa request niya na rito magpasko. Gusto niya raw makasama ako at mga kaibigan niya kaya sabik man sila sa kanya ay wala silang nagawa kung hindi pagbigyan ito. Bukas kami uuwi para doon salubungin ang bagong taon.

"Yes, ma'am!" magkasabay nilang sabi habang naka salute sign. Mga baliw.

Masaya kaming nagsalo-salo ng hapunan. Hindi ko naisip na darating ang panahong ito. Buong akala ko noon ay hindi na namin makikita ang totoong pamilya ni Calixx. Noong nalaman naman namin na nandito sa Quezon ang mga ito, inakala kong mapapahiwalay na talaga siya sa amin. Ang bait lang din talaga ng Diyos. Hindi niya hinayaang maputol ang koneksyon namin sa kanya kahit na wala na siya sa puder namin. At si Kenji? Noon pa man kapatid na ang turing ko sa kanya kaya labis ang saya ko nang malaman na siya ang napalitan kong kapatid.

--------

"Happy New year!!!!" sabay-sabay naming sigaw nila mama, papa, at Kenji.

"Happy New year, ate." ani Kenji at yumakap ito sa akin. "Habang-buhay kong ipagpapasalamat kay Lord na ikaw ang ate ko." halos maluha naman ako sa sinabi niya.

"Paano naman kami ng papa mo?" parang nagtatampong biro naman ni mama sa kanya.

"Syempre po kasama po kayo, mama, papa." at ikinulong din ang mga ito sa bisig niya. Apat kaming magkakayakap ngayon. Naisip ko si Calixx. Alam kong masaya rin siya ngayon kasama ang pamilya niya. Hindi man sila buo dahil hiwalay ang mga magulang niya ay alam kong sapat na ito para mabuo ang pagkatao niya.

"Abot pa po ba ako?" tanong ng isang pamilyar na boses. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at agad na napalingon sa pinanggalingan ng tinig na iyon.

"Luk?" hindi makapaniwala kong tanong.

"Happy New year, Clei." suot niya ang nakapagandang ngiti sa kanyang mga labi. Napakagwapo niya!

"Paano?" tanging naitanong ko dahil hindi ko alam kung paano niya nalaman ang bahay namin.

"You see. Seffie is my source." natatawa niyang sabi. Kahit kailan talaga, ang babaeng iyon.

"Sa wakas, nakita ka na rin namin, iho. Tuloy ka." ani mama kasama si papa at Kenji. Mas lalo ata akong kinabahan. Ngayon pa lang nila nakita ng personal si Luk kaya nasisiguro kong walang tulugang mangyayari sa kanila ni papa ngayon.

Naging kami isang buwan matapos niyang mapakinggan ang podcast ko. Maraming nangyari sa loob ng isang buwan na iyon. Pinag-usapan at inalam namin ang nakaraan at buhay ng isa't-isa bago niya ako tuluyang inalok na naging girlfriend niya. Gusto niya sanang personal na hingin muna ang basbas ng mga magulang ko pero hindi iyon nangyari dahil sa schedule namin sa trabaho kaya para mapagbigyan siya ay ginawa namin ito virtually. Hindi siya pumayag na maging kami kahit alam naming pareho na naming mahal ang isa't-isa hanggat hindi nakakausap sila mama lalo na si papa kaya noong makuha niya ang approval nila ay labis-labis ang saya niya. Doon ay mas lalo ko siyang hinangaan dahil sa respeto niya sa mga magulang ko.

Nalaman ko rin na katulad ko ay meron siyang mabigat na pinagdadaanan. May Separation Anxiety Disorder siya na nakuha niya noong iniwan siya ng mommy niya. Ito ang nagtulak sa akin para ipagpatuloy ang natapos kong kurso at kumuha ng master's degree. Gusto kong maging instrumento sa iba at matulungan sila sa mga pinagdaranan nila dahil ako mismo, kami ni Luk ay mga buhay na patunay na hindi biro ang magkaroon ng ganitong mental health issues.

"You surprised me." nandito kami ngayon sa terasa ng bahay. Yakap ko siya habang nakatingin sa mga bituin. Muling inaalala ang mga oras noong nagkaayos kaming dalawa. Hindi ko inakala na ganitong saya ang maidudulot niya sa akin. Ilang taon akong natakot magmahal dahil sa sakit at hindi ko inasahan na kaya nitong tapalan at burahin ang mga sugat ng puso ko. I have done all the healing because of him. I recovered because of his existence in my life, and I want to do the same thing for him.

"Anything for you." ihinarap niya ako sa kanya at ginawaran ng magaang halik sa noo. Napakaswerte kong magkaroon ng isang Loukas Advinante sa buhay ko. Sigurado na ako, siya na ang lalaking pakakasalan ko at mamahalin sa buong buhay ko. In my doubts and trust issues, I have found him. He is my hero, my savior.

"I love you, hero ko." I will never get tired of calling you this way, Luk.

"I love you more, my heroine." halos ibulong niya lang ito pero rinig na rinig ng puso ko. Hindi ko maitatangging totoo ang saya sa mga mata niyang titig na titig sa akin. Ang mga mata niyang hindi nagsisinungaling. Hindi ko pagsasawaang titigan ito at hayaang lunurin ako sa pagmamahal. Dahan-dahang naglapit ang mga mukha namin hanggang sa sakupin niya ang sabik kong mga labi. Sa kauna-unahang pagkakataon ay ginawaran niya ito ng halik. Isang banayad at punong-puno ng pagmamahal na halik. Isang halik na hinding-hindi ko na malilimutan at nasisiguro kong hahanap-hanapin ko na palagi.

Saksi ang langit at buwan sa mainit at malalim naming pag-iibigan.

Te amaré hasta mi último aliento, mi héroe.



*******************************

When Doubts and Trust Collide

Written by: Skyesha

Date Created: April 1 to May 26, 2022

WHEN DOUBTS AND TRUST COLLIDETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon