CHAPTER 10: CHAOS

16 1 0
                                    

"The pain that keeps on coming back." sabi ko sa harap ng microphone at saka huminga nang malalim. "This is today's topic for this episode."

"Naranasan niyo na ba 'yong pakiramdam na akala niyo, ayos na kayo? Na akala niyo, wala na 'yong sakit, na nakaahon na kayo sa minsan ninyong paglubog?" wala akong ibang maisip na i-topic kaya ito na lang muna bilang napapanahon din naman sa buhay ko. Who knows, sa iba rin.

"Tapos isang araw, magigising kayo sa katotohanan na hindi pa pala. Na akala niyo lang pala. Na pati sarili niyo, niloko na rin kayo. Ang saklap, hindi ba?" na sa sobrang mapaglaro ni tadhana, hindi natin namalayan na pati sarili natin, kinampihan na siya.

"'Yong pakiramdam na mapapatanong ka sa sarili mo ng 'Bakit at kailan'. Bakit nasasaktan ka pa rin at hanggang kailan ka masasaktan?"

Hindi katulad noong mga nakaraang podcasts ko, wala akong inihandang kahit na anong references o guide ngayon. Wala lang. Hindi sa hindi ako ready, sadyang masyado lang personal para sa akin ang topic na ito at gusto kong personal din ang mga lalabas sa bibig ko. Walang hango sa kung kanino man, puro sa puso ko lang at kung sakali man na may kapareho, sigurado akong nagkataon lang.

Ilang araw din akong nag-isip-isip tungkol sa mga nangyari sa akin at sa palagay ko, napagtanto ko na rin ang ilang sagot sa mga tanong ko. Hindi pa lahat, pero at least may ilan.

"Siguro kasi, tinakbuhan natin 'yong sakit. Tinakasan, nilayuan. Hindi natin hinarap kaya hindi natin naresolba. Parang sa isang relasyon, walang closure. Wala tayong naging closure kay pain." parang tinamaan naman ako sa sarili kong sinabi. Tumakas din kasi ako. Lumayo at umiwas sa sakit. Kaya siguro paulit-ulit na bumabalik. Kung hindi ba ako nagpunta rito sa Quezon, ayos na kaya ako ngayon? Napailing ako sa naisip ko.

"Sabi nila, hindi natin masasabing wala na 'yong sakit hanggat hindi natin nakakaharap uli ang dahilan kung bakit tayo nasaktan o nasasaktan. Minsan, kailangan daw talaga nating balikan ito at harapin para masabi natin kung masakit pa ba o hindi na." totoo nga siguro 'yon. Akala ko ayos na ako e. Sa 14 years na lumipas, akala ko nakalimutan ko na 'yong sakit na naramdaman ko kay Zack, not until nakita ko siya uli. "Paano mo nga ba malalaman na wala na ang sakit? Para sa akin, kapag wala ka ng mga bakit. Kapag hindi ka na nito napapaluha ulit." wala ka ng bakit kasi tanggap mo na na may mga bagay na nangyayari talaga. Na hindi lahat may sagot at paliwanag kasi basta na lang.

"Pero guys, para sa akin, ayos lang umiwas, ayos lang tumakas, lumayo, tumakbo lalo na kung alam mo sa sarili mong hindi mo pa kaya at hindi ka pa ganoon kalakas. Hindi kasi pwedeng salo ka lang nang salo e. Hindi pwedeng sugod ka lang nang sugod lalo na kapag sugatan ka pa, baka mamatay ka. Matuto kang magpagaling at magpahinga. Oo, tumakas ka, lumayo ka, umiwas ka, pero balikan mo. Balikan mo kapag alam mo sa sarili mo na handa ka na. Kapag kaya mo na 'yong sakit at kapag nasa tama na ang iyong pag-iisip." kahit nakakatakot, babalikan ko kapag handa na ako pero hindi pa sa ngayon. Masyado pa akong mahina. Alam ko pa lang ang mga dapat gawin pero hindi pa ako handa.

"Masasabi mong wala na ang sakit kapag hindi ka na nito napaluha ulit." pero alam ko sa sarili ko na nandito pa. Sige lang, Cleah. Magpagaling ka muna. May paghilom sa tamang panahon.

Napangiti ako sa naisip ko. Hindi na ako makapaghintay na dumating ang araw na iyon. Nasasaktan ako pero hindi ako nawawalan ng pag-asa na makakabalik ako sa dating ako. Alam kong nasa proseso na ako at kailangan ko lang tulungan ang sarili ko dahil wala namang ibang gagawa nito.

"Siguro rin, minsan sa sobrang sakit, nasanay na tayo sa ideya ng sakit. Na para bang naitatak na natin sa isip natin na masasaktan tayo kapag nakita o narinig natin uli ang bagay o tao na nanakit sa atin. Na minsan wala naman na talaga ang sakit pero parang kapag nandyan na uli ang minsang naging dahilan ng sakit natin, para bang required tayong masaktan uli? Kasi nasanay na tayo sa idea ng sakit. Nagegets niyo ba? Parang 'yong sinasabi na in love ka lang sa idea ng pagiging in love pero hindi ka talaga in love." na baka minsan, nasa kung paano rin talaga tayo mag-isip. It's kinda psychological.

WHEN DOUBTS AND TRUST COLLIDEWo Geschichten leben. Entdecke jetzt