CHAPTER 2: SIDELINES

19 1 1
                                    

Maaga akong nag alarm para sa araw na ito. Wala akong pasok ngayon sa GMC, pero marami akong nakaline up na gawain. Magaan ang pakiramdam ko. Simula nang dumating ako rito, okay ako. Though may times na umaatake ang panic ko, nao-overcome ko naman agad. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig. Pagkatapos ay nagpalit na ako ng damit pang jogging. Sobrang perfect ng lugar na ito dahil ang daming magandang spots. Walking distance lang din sa unit ko ang park kung saan pwede mag jogging. Nag-sapatos na ako. Nagsuot lang ako ng knee-length black leggings at three-fourth sleeves crop top na pink. Ipinusod ko rin ang buhok ko para hindi maging sagabal habang tumatakbo ako. Kinuha ko ang tumbler at face towel ko, isinoot ang earpods at nagplay ng kanta sa SoundCloud ko. Naglakad lang ako papuntang park. Pasikat pa lang ang araw at wala pang gaanong tao sa labas. Dahil napapagitnaan ng bundok at dagat ang probinsya na ito, malamig ang dampi ng hangin. Pagdating ko sa park ay iniwan ko ang gamit ko sa isang area na tanaw ko lang. Hindi naman siguro ito mawawala rito. May mangilan-ngilan na ring tao na nag jojogging at bike.

Nag umpisa na akong tumakbo. Nakailang laps na rin ako nang may biglang sumabay sa akin habang tumatakbo.

"Hi." sabi ng lalaki. Tiningnan ko siya at inalis ang isang earpod ko. Mukhang kadarating lang niya dahil hindi ko naman siya napansin kanina.

"Nahulog mo." sabay abot sa akin ng towel ko.

Deja vu?

Biglang pumasok sa isip ko si Luk. Ganito rin ang first encounter namin a? Ano ba 'yan.

"Salamat." tipid na sagot ko at kinuha na ang towel ko.

"Bago ka rito?" tanong niya habang sumasabay pa rin sa akin sa pagtakbo dahil hindi ako huminto.

"Oo."

"Sabi na e. Ngayon lang kasi kita nakita." pagpapatuloy niya.

Unlike Luk, hindi ako gaanong naiilang sa presensya niya.

"Renz nga pala." pakilala niya. Matangkad siya, halos kasing taas siguro ni Luk pero medyo maputi siya. May pagkasingkit ang mga mata niya at nangungusap. Ang simple niyang tingnan sa jersey short at white t-shirt niya at ang amo ng mukha niya.

"Cleah."

"Cleah? Kakaibang pangalan 'yan a. Cleo lang alam ko e. Hahahahaha." natatawa niyang sabi. Hindi ko tuloy napigilan ang matawa rin. May something sa tawa niya na nakakahawa.

"Ikaw lang ba mag-isa?" bigla akong kinabahan sa tanong niya. Hindi ko alam kung sasagutin ko ba siya. Bago pa lang ako rito. What if? Aish. Ito na naman ako. Nago-overthink na naman sa mga bagay-bagay.

"Okay lang kung hindi mo feel sagutin." nakangiti niyang sabi. "Good thing na aware ka sa paligid mo at sa safety mo." dugtong niya.

Wow! Nabasa niya ang naiisip ko.

"Ah. Hehe." 'yon na lang ang naisagot ko.

"Kuya Renz!" may babaeng tumawag sa kanya. Naka uniform ito at mukhang high school pa lang. Siguro mas bata lang sa kapatid ko ng limang taon.

"O, paano? Nice meeting you. Una na muna ako, Cleah." tumango na lang ako sa kanya at ngumiti. Tiningnan ko sila ng babaeng kasama niya hanggang sa makalayo sila. Nakita ko pa nga kung paano niya ginulo ang buhok nito. Cute.

Pagtingin ko sa relo ko, ala siete na. Kinuha ko na ang gamit ko at naglakad na pabalik sa unit ko. Ilang minuto lang at nakarating na rin ako. Nagpahinga lang ako saglit at nag almusal, pagkatapos ay naligo na ako at inupuan na ang isa sa mga gawain ko.

Isinaksak ko na ang lahat ng plug at binuksan ang laptop ko. Ikinonekta ko na rin ang V8 card dito at inayos ang headset at microphone.

Today, I will be doing another podcast. Hindi ko na maalala kung kailan ako nag umpisang gawin ito. Ang natatandaan ko lang, unang beses akong sumubok noong panahon na sobrang lungkot ko. Ang dami kong tanong sa sarili ko. Ang dami ko ring pagsisisi at panghihinayang. Iniisip ko kung ano bang mali sa akin, kung bakit ako palaging naiiwan at hindi pinipili. Kung bakit ang hirap-hirap kong intindihin na kahit ako sa sarili ko, naguguluhan na.

WHEN DOUBTS AND TRUST COLLIDEHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin