CHAPTER 11: MOMENT OF TRUTH

11 1 0
                                    

Mabilis lumipas ang mga araw at linggo pero wala pa rin kaming balita kay Calixx. Naging abala naman kaming lahat lalo na ang grade 10 teachers dahil ilang araw na lang ay moving-up na.

Maraming nangyaring mga hindi inaasahan sa school nitong mga nagdaang linggo. Pagkatapos ipatawag ni Mr. Felaez ang magulang ni Kenji noong nakipag-away siya ay parang bumalik siya sa dati niyang ugali. Palaaway, hindi nagseseryoso sa pag-aaral at kung minsan ay hindi siya pumapasok. Hindi ko tuloy maiwasan ang mag-alala.

"Kenji, pwede ba kitang makausap?" nasa practice kami ngayon ng moving-up. Himalang sumulpot siya ngayon dahil ilang araw din siyang wala.

"Ngayon po?" pagtataka niya dahil hindi pa tapos ang practice.

"Pagkatapos nito, sa office ko."

"Sige po." ngitian ko siya at itinuon na ang sarili ko sa ibang bagay. Nakita ko si Luk mula sa malayo.

Tulad nga nang sinabi ni Renz, naging mas pursigido siyang iparamdam ang intensyon niya sa akin. Halos araw-araw niya ako kung puntahan at silipin sa opisina ko kahit madalas ay wala naman siyang ginagawa roon. Minsan magugulat na lang ako, may kung anong nakapatong sa lamesa ko. Kung hindi pagkain, bulaklak na may kasamang sulat. Hindi ko maitatanggi na napapagaan niya ang bigat na nararamdaman ko sa mga simpleng kilos niya. Hindi na niya ako masyadong kinukulit sa mga bagay-bagay kumpara noon pero hindi rin siya pumapalya na mag-effort araw-araw. Palagi akong nakakatanggap ng Good morning at good night texts sa kanya kahit madalas ko siyang hindi narereply-an. Kung paano niya nakuha ang number ko? Hindi ko alam. Simula rin noog mahimatay ako ay palagi siyang nagpipilit na ihatid ako pero dahil ayokong sumakay sa motor niya, siya lang ang nakasakay habang sinasabayan ang paglalakad ko. Ayon tuloy, araw-araw din akong nakakatanggap ng kantyaw sa mga kasamahan ko.

Paulit-ulit nilang tanong kung may pag-asa ba at kailan ko raw ba siya sasagutin pero iniiwasan o 'di kaya naman ay tinatawanan ko lang sila. Sa dami ng problema ko sa buhay at sa sarili ko ngayon, parang hindi ko pa nakikita ang sarili ko na magdagdag ng panibagong responsibilidad.

Nang matapos ang practice namin ay dumiretso na ako sa opisina ko at hinintay si Kenji. Mayamaya lang ay dumating na rin siya.

"Maupo ka." alok ko sa kanya. "Kumusta ka na?" hindi ko maitago ang pag-aalala ko sa kanya.

"Ayos lang po."

"Kenji, 'yong totoo." tumungo siya at pinaglaruan ang mga daliri niya.

"Hindi po ako okay."

"Alam ko. Gusto mo bang sabihin kung bakit?"

"Miss, hindi raw po nila ako totoong anak." nakita kong pumatak ang luha niya.

"A-anong ibig mong sabihin?" biglang nagflashback sa isip ko ang sinabi ng mama niya noon. 'Shut up! Don't you dare call me mommy! Hindi kita anak!' Kaya pala.

"Ang sabi po ni kuya, kaya raw po mainit palagi ang dugo sa akin ni mommy ay dahil hindi niya ako totoong anak." dito na siya nag-umpisang umiyak. "Kaya pala. Kaya pala ni minsan hindi ko naramdaman na mahal nila ako."

Sobra akong gulat sa mga narinig ko. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko at niyakap siya. Bigla kong naalala ang kapatid ko. Miss ko na si Calixx. Nasaan ka ba?

Pagkatapos naming mag-usap ay naiwan akong tulala sa opisina ko. Sinilip ko ang Facebook account ko sa pagbabakasakali na may sagot na sa akin kung nasaan ang kapatid ko, pero wala. Kung sino-sino na ang pinadalhan namin ng mensahe. Nagpaskil na rin sila mama at papa ng poster para lang matulungan kami ng iba at mas mapabilis ang paghahanap namin kay Calixx. Hays.

"Cleah, pwedeng pumasok?" ani Dianne na nasa may pintuan lang.

"Sige lang."

"Pinabibigay ni Luk." sabi niya at inabot ang isang box ng brownies na may note.

WHEN DOUBTS AND TRUST COLLIDEDonde viven las historias. Descúbrelo ahora