CHAPTER 7: JACK OF ALL TRADES

7 1 0
                                    

Natapos ang laro nang wala si Luk. Talagang hindi na siya nakabalik pero nanalo ang grade 9 and 10 teachers kontra grade 7 at 8.

Awarding na.

Nandito ako ngayon sa backstage at naghahanda na para sa performance ko na siyang magsisilbing opening bago ang awarding. Rinig ko ang ingay at hiyawan ng mga bata sa buong gym.

"Miss Cleah, excited na po kami." ani Brent.

Ngumiti ako sa kanya. "Galingan natin."

"Magaling po kayo miss. Excited na po kami para sa inyo."

Shocks! Parang napressure naman ako bigla.

Wala akong ibang bitbit ngayon kundi ang drumsticks ko. Iniwan ko kay Seff ang cellphone ko dahil baka mag feedback lang sa sound system. Hindi rin naman ako nag-alangang iwan siya dahil madali niya namang nakasundo ang mga katrabaho ko. Well, knowing her, palakaibigan talaga siya.

Narinig ko ang tawag sa amin ng MC.

"And now, to formally start the awarding, may I call on the Siklab Band," pagsisimula nito. Banda pa lang tinatawag ay halos magiba na ang buong gymnasium.

"Hooooooooooooh!!!"

"Together with our very own Ms. Cleah Jae Concepcion! Grade 10 Values teacher and also one of our guidance counselors!" pagpapatuloy at pagpapakilala nito sa akin.

Lalong lumakas ang hiyawan at kalampagan ng mga tao. Kasabay nito ang paglakas ng kabog sa dibdib ko. Talagang hindi ko maiwasang dagain dahil taon na rin talaga ang lumipas noong huli akong pumalo.

"Tara po, miss." aya sa akin ng buong banda.

Patuloy ang ingay hanggang sa umakyat kami stage. Kumaway lang ako saglit at dumiretso na sa area ko.

Hooooh! Kaya ko 'to! Kaya mo Cleah, okay?

"Go Ms. Cleah! Hooooooooooh! Teacher namin 'yan!" rinig kong sigaw ng grupo ng estudyante. Sino pa nga ba? E isang section lang naman ang hawak ko.

Tiningnan ko si James, lead guitarist bilang hudyat na mag umpisa na kami.

Fire!

Binago namin nang konti ang areglo. Gamit ang electric guitar niya ay tinipa niya ang intro ng The Final Countdown. Lalong gumulo ang crowd. Kanya-kanyang hiyawan at wagaywayan ng mga lobo at flaglets.

Magaling si James. Kita mo sa mukha niya ang dedikasyon at pagmamahal habang tumutugtog. Mabilis ang kamay siya at natatamaan niya nang tama ang bawat strings sa pluckings niya.

Ginanahan ako nang makita ko ang pagtaas-baba ng ulo niya.

Nang matapos niya ang intro ay wala sa sariling ihinagis at pinaikot ko ang drumsticks sa ere at tsaka nag umpisang pumalo nang masalo ito. Sunod-sunod kong pinalo ang snare, high tom, floor tom, at crash cymbal kasabay nang pagtapak ko sa bass drum. Naramdaman kong tumapat sa aking ang ilaw. Lalong nagsigawan ang crowd nang sumigaw ang vocalist.

"GMC rock!!!"

Mayamaya ay kumanta na si Brent.

"We're leavin' together, but still it's farewell." nangibabaw ang boses niya at talaga namang nadala niya ang crowd. Siya ang nagpa hype sa mga ito.

"And maybe we'll come back to earth, who can tell?"

Maganda ang boses niya. Lalaking-lalaki at napakagwapong pakinggan. Hindi na ako magtataka kung bakit maraming estudyante ang nagkakagusto sa kanya.

"I guess there is no one to blame, we're leaving ground." nagsecond voice naman si Patrick sa kanya na nagki-keyboard ngayon. Actually, siya talaga ang drummer nila pero dahil kinuha ko ang part niya ay nagkeyboard na lang muna siya. Mabuti na lang ang marunong din siya.

WHEN DOUBTS AND TRUST COLLIDEWhere stories live. Discover now