CHAPTER 8: THE CONFESSION

8 1 0
                                    

"Oh my gosh, Cleah! Ano ba talagang nangyari? Bakit ngayon ka lang? Nadaanan namin sila Sammie sa labas pauwi. Bakit hindi ka nila kasabay at bakit mugtong-mugto 'yang mata mo, Cleaaaaaah??" dire-diretsong tanong ni Seffie.

Nandito na kami ngayon sa kotse ni Renz at nasa byahe na pauwi. Ang daming tanong ni Seffie habang si Renz ay tahimik lang na nagmamaneho.

"Cleah." muling tawag sa akin ni Seff. Halatang nag-aalala na siya kaya inipon ko ang lakas ko at sinubukang magsalita.

"He's here, Seff." naghihina kong sagot.

"What?" naguguluhan niyang bulalas. "Who's he?" tanong niyang uli. Hindi na ako uli nakasagot. "Wait, you saw him here? As in him?" paulit-ulit na tanong niya. Alam kong by this time ay nagets na niya kung sino ang tinutukoy ko. "Oh my gosh, Cleah! Nandito si Zack? What?!" maging siya ay hindi makapaniwala sa nalaman niya.

Hindi ko alam kung anong tumatakbo sa isip ni Renz ngayon. Wala pa akong nakukwento sa kanya tungkol kay Zack. Tanging mga frustrations ko pa lang at kulang na kulang pa.

"What the hell is he doing here?! My gosh, Cleah! Hanggang dito ba naman ay susundan ka niya?" hindi ko rin alam, Seffie. "Besides, it was 14 years ago!"

"Iyon na nga, e. 14 years ago na Seffie. 14 years ago na pero 'yong sakit nandito pa rin pala." naiiyak kong sabi habang itinuturo ko ang puso ko.

--------

"Cijz, Good morning. Gising na. Nagluto ako ng breakfast."

Sabado ngayon at alas otso na ng umaga. Ang totoo ay kanina pa ako gising. Hindi ko alam kung dahil nasanay na akong gumising nang maaga, o sadyang hindi lang ako maayos na nakatulog.

"Finally! Lumabas ka rin sa kwarto mo." parang nabunutan ng tinik sa dibdib na sabi niya. "Kumusta ka?"

"Bakit?"

"Anong bakit?"

"Ang bango nito a." pag-iiba ko sa usapan. Umupo na ako sa hapag at isa-isang kumuha ng mga inihanda niyang pagkain.

Corned beef na may patatas, hotdog, malasadong pritong itlog at sinangag. Ang sarap! Lalo na nitong malasadong itlog.

Nakita kong umupo na rin siya at ginaya ang ginagawa ko.

"Ito o, hirap na hirap akong magprito niyan." sabi niya habang inilalagay sa plato ko ang itlog.

"Itlog na lang 'yan, nahirapan ka pa?" kunyaring pang-aasar ko.

"Hoy, Cleapatrah! Ang hirap kayang mag tantsa kung malasado pa ba o hindi na. Bakit ba naman kasi ganyan ang paborito mong luto ng itlog? Nag-effort ako kaibigan, bakit ka ganyan?" akala mo nagtatampo niyang sabi.

"Baliw."

Pareho kaming natawa sa sinabi niya.

"Kumain ka na nga. Hay naku, Cleah."

"Inaano ba kita?"

"Wala!"

"Ang dami mong niluto. Mauubos ba natin 'to?"

"Kailangan 'yan ng puso mong gutom. Gutom sa pagmamahal."

"Ah, talaga ba?" hindi siya sumagot dahil punong-puno ang bibig niya. "Kapag naubos ang stocks ko riyan, bahala ka."

"No problem." patay malisya niyang sagot. "Mabuti na lang din pala, umuwi na ko rito. At least may kasama ka na."

Napatigil ako sa pagkain. Seryoso siya nang sabihin iyon. Tama siya. Mabuti na nga rin talaga dahil hindi ko alam kung paano ako kung ako lang uli mag-isa.

WHEN DOUBTS AND TRUST COLLIDEWhere stories live. Discover now