Chapter 19: On the Run

215 15 0
                                    


"I wanna go out."


Ilang araw na akong nanatili dito sa bahay na aking pinagtataguan. It's just three days but felt like three months for me. Wala rin akong balita mula sa Devin at wala namang kaso sa akin 'yon.



My life has been really quiet when Raelle came in.



"How are you?" Mahina niyang tanong matapos i-lock ang pinto.



I rolled my eyes. "Not fine, thank you."



Napasimangot siya sa naging tugon ko at umupo sa matigas na upuan sa salas. "Nakakulong pa rin si Keller at Kai sa dungeon. Right now, Drishti is in charge with the plans while Xena took your job."



"At ikaw?" Tinaasan ko siya ng kilay.



"I'm working with Faris." Bumagsak ang dalawang balikat niya. "I'm feel so unmotivated these past few days, Lancey. Ang daming nangyayari. Wala na rin tayong contact sa loob dahil nakakulong si Keller at Kai. Hindi ko na nga alam kung ano na ang gagawin ko."



Ilang minuto lang ay umayos siya ng upo. "Nga pala, may dala akong pagkain."



Umupo ako sa kabilang side at hinintay siyang matapos 'yong iprepare.



"What about the Prince?" Tinitigan ko siya. "Any news about him?"



Nakita ko kung paano siya lumunok at ngumiti ng pilit. 'Yung ngiti na kita halos lahat ng ngipin niya kapagkuwan ay biglang sumimangot.



"He already left."



Natigilan ako at bahagyang natawa ng mapakla. 'Yan naman talaga ang mangyayari sa simula pa lang.



"His punishment got cancelled because someone showed up that day. I don't know who he is but he looks intimidating! And suddenly, the evidences got twisted. Like...just a snap!"

 


"What? You don't know who showed up?" Curious kong tanong.



"Hindi ko alam. Ang layo ko no'n tapos malabo paningin ko dahil sa dami ng usok---"



"Anong usok?" Takte 'tong si Raelle. 



"Eh, kasi 'yung si Blazh, masyadong pasikat at gusto yatang makita ng lahat kung ano ang kaya niyang gawin kaya ayon, nagkalat-kalat ang apoy sa palasyo tapos ininsulto pa ang Prinsepe sa harap ng maraming tao."



That son of a bitch!



"Gah! Naiinis tuloy ako sa tuwing naalala 'yon. 'Yung si Prinsepe rin naman kasi ayaw magsalita. Argh! Ayoko na, masyado siyang kalmado na nakakainis na!"



"You really don't know who showed up, Raelle?" Napakunot ang noo ko. "Alalahanin mo."



DEVIN: The Vixen ArcherWhere stories live. Discover now